KABANATA 5

1.7K 29 0
                                    

Nagising silang pareho sa malakas na katok sa kanilang pinto. Tulad ng dati, sa sofa natulog si Silas samantalang si Desiree naman ay nanatili sa kuwarto.

Pareho silang nagkatinginan nang makababa na si Desiree ng hagdan. Agad din nilang binawi ang tingin sa isa't isa nang maalala ang nangyari kagabi.

Nilagpasan siya ni Desiree at ito mismo ang bumukas sa pinto. "Surprise! Magandang umaga mga anak. Kumusta kayo rito?" nakangiting bungad ng mag-balae.

"P-pasok po kayo, Ma, Mommy," nahihiyang alok ni Desiree. Siya kaagad ang hinanap ng mga mata nito kaya't mabilis siyang tumayo sa tabi nito.

"Mukhang kagigising n'yo lang, ah? Kumusta ang tulog?" pang-aasar ng Mommy niya.

Mommy ang tawag niya sa kaniyang ina, Mama naman sa ina ni Desiree.

Umakbay siya kay Desiree bago sumagot. "Maayos naman po," tipid niyang sagot. Pasimpleng tumingin si Desiree sa kamay niyang nakapatong sa balikat nito.

Ganoon ang eksena nila sa harapan ng kanilang mga magulang. Kunwari maayos, kunwari sweet, kunwari masaya. "Nagpuyat ka ba anak? Ang laki ng eyebags mo, ah?" komento ng ina ni Desiree sa sariling anak.

"Tinawagan kasi siya ng boss niya kagabi, Ma. Marami pang task na pinapatapos sa kaniya kahit hindi na oras ng trabaho." Si Silas ang sumagot sa tanong.

"Ganoon ba? Teka, kumain na nga pala kayo ng almusal? May dala kami rito ng Mama mo. Patulong naman, 'nak. Sasabayan na namin kayong kumain." Mabilis niyang sinunod ang utos ng kaniyang ina. Nagugutom na rin naman siya kaya hindi na siya nagreklamo.

"Breakfast is ready!" sigaw ni Silas mula sa kusina.

Ilang minuto pa ay nakumpleto na silang apat sa mesa. Katulad ng nakagawian, nanalangin muna sila bago kumain.

"Masaya kaming dalawa na nadalaw namin kayo rito," panimula ng ina ni Silas.

"Kung hindi pa ako sinundo nitong si Mareng Hilda ay hindi pa ako magagawi rito sa inyo," pagsang-ayon ng ina ni Desiree. May kalayuan kasi ang bahay nila sa bahay ng kanilang mga magulang.

"Hayaan mo, Rosita, palagi kitang isasama rito kapag naisipan kong dalawin sila," wika naman ng ina ni Silas.

"Maraming salamat sa pagpunta, Ma, Mommy. Okay naman kami ni Desiree rito. Abala nga lang kaming pareho sa trabaho kaya medyo kaunti lang 'yong oras na magkasama kami," seryosong pahayag niya.

"Naku, ha. Baka makalimutan n'yo ng gawin ang apo namin sa sobrang abala n'yo sa trabaho." Nasamid si Desiree sa sinabi ng Mommy niya.

"Des, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Silas sa asawa.

Tipid na ngumiti si Desiree. Alam nitong pakitang-tao lang ang ginagawa ni Silas kaya ito na mismo ang kumuha ng baso na may lamang tubig.

"Actually, nasa plano na namin 'yon ni Des." Gulat na napatingin kay Silas si Desiree samantalang malawak na ngiti naman ang naging reaksiyon ng mag-kumare.

Halos hindi na malunok ni Desiree ang palabok na nasa bibig nang marinig ang sinabi ni Silas.

"Matagal naming hinintay 'to, anak," masiglang wika ni Hilda habang nakatitig kay Rosita.

"Pangarap lang namin 'to noon. Hindi namin akalaing pati kayo ang naging masaya sa desisyon namin," may luha sa matang sabi ni Rosita.

Napatitig si Silas kay Desiree na mukhang hindi mapakali sa kinauupuan. Nang magtama ang kanilang tingin ay siya mismo ang umiwas dito.

Pagkatapos ng madramang pagbisita ng mag-balae, kaniya-kaniya ulit silang mundo. Balik sa normal na naman silang dalawa.

Papunta na sana si Silas sa banyo upang maligo nang biglang nagsalita si Desiree. "Bakit mo sinabi 'yon sa kanila?" may halong galit nitong tanong.

"Sa tingin mo ba seryoso talaga ako sa sinabi ko kanina?"

Nangunot ang noo ni Desiree sa sinabi niya. "A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ano'ng ibig kong sabihin? Isang simpleng, hindi kita gusto. Okay na? Naiintindihan mo na?"

"Ang yabang mo, Silas! Ang yabang-yabang mo," naiiyak na tugon ni Desiree.

"Hindi ba't ikaw din naman? Ang taas ng tingin mo sa sarili mo. Masyado kang maarte. Masyado kang ma-pride," walang pag-alinlangan niyang saad.

"Tangina, ni minsan hindi ko pinangarap na ikasal sa babaerong tulad mo. Hindi ko pinangarap na makapangasawa ng taong hambog gaya mo. Akala mo ba, hindi ko alam? Na kung kani-kanino kang babae nakikipaglandian sa tuwing wala ka rito sa pamamahay na ito?"

Bumaon ang matatalim nitong salitang sa kaniyang puso. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Desiree ang tungkol doon ngunit isa lang ang natitiyak niya sa mga sandaling ito. Nasaktan niya ng lubos ang asawa at napakagago niyang tao dahil hinayaan niyang mangyari iyon.


**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon