KABANATA 9

1.3K 24 0
                                    

Tahimik silang nakasakay sa kotse at pinapakiramdaman ang bawat isa. Walang gustong magsalita. Ayaw ng makipagtalo pa ni Desiree kaya't hinayaan na lamang siya sa gusto niyang gawin.

"Mukhang bago pa lang kayong ikasal ni Ma'am, Sir," komento nito nang mapansing hindi pa niya binibitawan ang kamay ng kaniyang asawa.

Lumawak ang ngiti si Silas nang tingnan sila ng driver sa rear view mirror. "Hindi po kayo nagkamali, Manong. Gano'n nga po."

"Gan'yan na gan'yan din kami ni misis noong unang taon naming ikasal, Sir," pagkuwento nito.

"Isang buwan pa lang po kaming kasal ni Misis, Manong." May pakindat-kindat pa niyang sabi.

"Ay 'di nasa honeymoon stage po pala kayo ni Ma'am, Sir, hehe. Naku, Sir, ingatan n'yo po ang unang magiging anak n'yo ni Ma'am. Delikado po kasi ang unang pagbubuntis ng mga babae."

Biglang masamid si Desiree. Hindi siguro nito kinaya ang narinig. "Wife, okay ka lang?" Nataranta siya nang makitang namumula na ang buong mukha ni Desiree. "May masakit ba sa 'yo? Anong nangyari?" sunod-sunod niyang taong.

Inilapit ni Desiree ang bibig nito sa tainga niya at nagsalita. "Shut the fuck up, will you? Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ninyo," bulong nito.

"Pasensiya na, Manong. Hindi yata mabuti ang pakiramdam ng Misis ko. Naglilihi na yata." Halos maiyak na si Desiree sa sobrang inis.

Sa nakalipas na isang buwan, ngayon lang niya nakausap at nahawakan ng matagal ang kamay ng asawa. Ngayon lang din niya ito nakasabay umuwi at lalong ngayon lang niya ito nagawang asarin. Odinaryong araw na para sa iba ngunit para kay Silas, ito ang bumuo sa maghapon niya.

*****

"Pasensiya na hija, namiss namin kaagad kayo nitong Mama mo."

"Nagulat din nga po akong dito po kayo matutulog ni Mama." Nagkatinginan ang magbalae. Sumenyas si Silas na sumang-ayon sa sinabi ni  Desiree kaya tumango na lamang ang dalawa.

"Oo, anak, hehe. Ngayon lang naman. Okay lang ba?" Hindi na nakasagot si Desiree nang sumabat si Silas.

"Wala po 'yon, Ma. Puwedeng-puwede po kayong matulog dito anytime. 'Di ba, wife?" Pasimple siyang kinurot ni Desiree sa tagiliran bago tumango.

Matagal niyang hinaplos iyon nang magprisinta ang magbalae na sila na ang maghahanda ng hapunan. "Tigil-tigilan mo nga ang pagpapabibo mo, puwede? Kanina pa ako naririndi sa 'yo." Rumulyo ang mata ng kaniyang asawa at nagmamadaling tumungo sa kuwarto.

Sumunod si Silas. Nagulat si Desiree nang makita siya sa loob. "A-anong ginagawa mo rito?" Imbes na sumagot, nilibot niya ng tingin ang buong kuwarto. Wala siyang nakitang maleta roon o anumang nakatuping damit ni Desiree.

Nakahinga siya nang maluwag. Nawala ang pangambang kanina pa gumugulo sa kaniyang isip.

"Kuwarto ko rin naman 'to kaya may karapatan akong pumasok dito." Walang sabi-sabing hinubad niya ang suot niyang V-neck white T-shirt sa harapan ng kaniyang asawa.

Agad namang napatalikod si Desiree at tinakpan pa ang mga mata. Natawa lang siya sa ikinilos nito.

Abs pa nga lang nakita niya natataranta na. Ano pa kaya kung—

"A-anong gagawin mo?"

"Magbibihis siyempre. Palagi ko namang ginagawa 'to kapag umuuwi galing sa trabaho, 'di ba?" paliwanag niya.

"Huwag ng maraming satsat. B–bilisan mo na lang, puwede?" Aba't siya pa ang sinisi nito. Sinagot lang naman niya ang tanong ngunit siya pa ang napagsabihan.

Muntik nang mapatili si Desiree nang yumakap siya rito mula sa likuran. "Bakit? May gusto ka pa bang ibang gawin natin bago bumaba?" pilyo at mapang-akit niyang bulong. Nagpumiglas si Desiree at humarap sa kaniya.

Hindi pa siya nakakapagsuot ng damit pambahay kaya napawak ito sa mapalad niyang dibdib na agad naman nitong tinanggal. Napagmasdan ni Desiree ang nakatiwangwang niyang katawan.

Umangat agad ang tingin nito sa mukha niya. "Tabi tayong matutulog mamaya," pang-aasar niya sa asawa. Ito ang unang beses niyang makakatabi si Desiree sa pagtulog kung sakali. "Libreng hawakan lahat ng parte ng katawan ko, wife. Kahit hindi ka magpaalam sa 'kin."

Hindi malaman ni Desiree kung anong klaseng espiritu ang sumapi kay Silas. Noong isang araw lang ay sinabi nitong hindi siya nito gusto tapos ngayon, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig nito.

"Asa ka! Hindi-hindi ko pag-iinteresan 'yang katawan mo. Sa iba mo na lang ibigay. Sanay ka namang ibinabahagi 'yan sa iba't ibang babae, 'di ba?"

Iyon ang paniniwala ni Desiree. Simula nang mapanuod niya ang video ni Silas na nakikipaghalikan sa ibang babae, iba na ang tingin nito sa kaniya at mukhang hindi na niya ito mababago.

Paano niya sasabihin ditong wala pa siyang ginagalaw na babae kahit pa ang naunang girlfriend niya?


**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon