KABANATA 8

1.3K 24 0
                                    

"Putang ina naman p're, pati ba naman sa panaginip may tinitira ka. Sino ba 'yan?"

Binutukan niya si Brixton pagkasabi noon. "Gago! Ano'ng pinagsasabi mo?" maang-maangan niya.

"May paungol-ungol ka pang nalalaman diyan. Umamin ka nga, sino 'yan?" may pakindat-kindat pa nitong tanong.

Kapag minamalas ka nga naman. Kung kailan nasa climax na, saka naman siya mabibitin. Kung sabagay, iyon din ang ginagawa niya sa mga babaeng kalandian niya. It's a tie, sabi nga nila.

Sa kakaisip niya kay Desiree, napanaginipan tuloy niya ito at ang malala pa ay naglalaplapan sila. "Ano? Naiwan pa ba ang diwa mo sa panaginip? Uwian na, tara," pag-aya ni Brixton.

Inayos niya ang sarili at nag-unat ng braso. Nagsilagutukan ang kaniyang buto dahil sa tagal ng pagkakayuko niya sa ibabaw ng mesa kanina.

"Sabay ka na sa 'kin, P're," alok nito.

"Sa tapat ng Jolibee mo na lang ako ibaba. Oorder pa kasi ako ng hapunan namin ni Desiree," utos nito.

Ngumisi si Brixton. "Mukhang masarap ang kainan n'yo mamaya ni Des, ah." Napatitig siya rito ng matagal bago ito binatukan. Iba ang dating ng pagkakasabi nito sa kaniya o baka naman ay iba talaga ang nais nitong iparating.

*****

"Salamat," wika ni Silas pagkasara ng pinto. Alas-sais y media pa lang naman kaya naisipan niyang sumaglit muna sa Jolibee para um-order ng paborito niyang chicken joy.

Magiging Joy rin kaya ang kalalabasan ng pag-uusap nila mamaya? Iyon ang hindi siya sigurado.

Napasulyap siya sa bandang kaliwa kung saan maraming nakapila. Sa gilid nito ay nakaupo ang babaeng pamilyar sa kaniya. Kilala niya ito. Kilalang-kilala dahil ito ay walang iba kundi ang kaniyang asawa.

May kausap itong lalaki na nakaupo sa harapan nito at nakatalikod naman sa puwesto niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa kaya medyo naintriga siya.

Hindi muna siya pumasok sa loob. Umobserba lang muna siya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nagpaka-tolits. Wala naman siyang pakialam kung tutuusin. Maghihiwalay na sila sa mga susunod na araw kaya bakit pa ito magiging isyu sa kaniya?

Tumayo na si Desiree at dire-diretsong naglakad palabas. Siya naman ay napaatras ngunit nagkamali siya ng hakbang. "Aray ko naman, Kuya! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo," reklamo ng babaeng natapakan niya sa paa.

"Miss, sorry talaga. Pasensiya na." Galit na naglakad palayo ang babae. Pagharap niya, nagtama ang tingin nila ni Desiree. Ngunit lumagpas ang tingin niya rito nang lumabas sa pinto ang lalaking kausap ni Desiree kanina at nagkatinginan sila.

"P're, ikaw pala. Kumusta?" Nakangiting bati niya rito. Bakas sa mukha ni Desiree ang pagkabigla.

"A-ayos lang, P're. P-pipila ka rin sa loob?" nauutal nitong tanong.

"Ah, hindi. Sinundo ko lang 'tong asawa ko." Hinapit niya sa baywang si Desiree kaya napayakap ito sa kaniya. "Ikaw? Umorder ka rin ba para sa mag-ina mo?" Pagkasabi niya noon ay pinagsiklop niya ang kamay nila ng asawa.

Gulat na napatitig sa kaniya si Desiree bago ibinaling ang tingin kay Maverick.

"Ahh... Oo. Umorder din ako. M-mauna na ako, P're. I-ingat kayo." Sinundan pa niya ng tingin si Maverick hanggang sa nakasakay na ito sa taxi.

"Bitawan mo na ako," utos ni Desiree sa kaniya.

"Magkakilala ba kayo?" diretsahan niyang tanong sa asawa kahit nakita naman niya itong magkausap kanina.

Gusto lang niyang kumpirmahin. Base sa palitan ng tingin ng dalawa kanina, may kakaiba. Hindi niya alam kung sinadya o nagkataon lang na nagkausap ang mga ito kanina. Ngunit hindi siya bulag at manhid para hindi matukoy kung ano ang mayroon sa kanila.

"Umuwi na tayo," giit ni Desiree. Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay nito. "Bitawan mo na sabi ako, ano ba?" pag-uulit nito sa kaniya.

Ngumisi siya bago muling nagsalita. "Paano kung ayaw ko?"

"Ano? Gago ka ba? Ang plastic mong tao, alam mo 'yon?" Tinawanan lang niya si Desiree dahil mukhang diring-diri ito sa paghawak niya rito. "Wala tayo sa harapan ng magulang natin kaya puwede ba? Huwag kang umarte riyan."

Pasimple silang nag-aaway habang naglalakad pababa sa abangan ng sasakyan. "Hindi ka ba nila sinabihan?"

Kumunot ang noo nito at tiningnan siya nang masama. "Na ano?"

"Na sa bahay sina Mama at Mommy matutulog mamayang gabi." Alam niyang magiging bayolente ang reaction nito kaya inilayo na niya ang kaniyang tainga.

"Ano?! Gago ka, Silas. Huwag mo nga akong pinagloloko." Napahinto pa sila sa paglalakad dahil tinitigan siya nito nang masama.

"E 'di tawagan mo para maniwala ka na nagsasabi ako ng totoo," malamya niyang sabi rito. Agad namang hinanap ni Desiree ang cellphone ngunit nataranta ito nang hindi iyon makapasa bulsa.

Pag-angat niya ng tingin, nasa kaliwang kamay na ito ni Silas at ni-loud speaker pa ang tawag upang marinig ni Desiree ang usapan nila.

"Hello, Ma." Narinig ni Desiree ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya at hindi ito makapaniwala. "Opo, magkasama kami ni Desiree ngayon. On the way na po kami. Sige po."

Pagkatapos ay binaba niya ang tawag. "See?" Kinindatan niya ang asawa ngunit masamang tingin lang ang ipinukol nito sa kaniya.


**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon