KABANATA 18

978 17 1
                                    

"Silas, 'di ba si Desiree 'yon?" turo ni Brixton sa babaeng nakaupo sa panglimang mesa na hindi kalayuan sa kinauupuan nila.

Nakatalikod sa puwesto nila ang babaeng tinutukoy ni Brixton kaya hindi niya ito gaanong namukhaan.

"Imposible 'yang sinasabi mo, Pre. Alas kuwatro pa lang. Mamayang alas singko pa ang out niya sa trabaho," aniya sabay inom sa apple juice na inorder nila.

Medyo malapit lang ang napili nilang fast food restaurant sa lugar na pinagtatrabahuhan nila kaya rito muna sila tumambay. Saglit lang ang paalam nila ni Brixton kaya pinayagan silang umalis.

Napayuko siya nang dumaan sa puwesto nila 'yung lalaking kasama ni Desiree noong nakaraang gabi. Pagkatapos noong gabing dinala siya ni Desiree sa hospital ay hindi na sila ulit nagkausap.

Pasimple niyang sinundan ng tingin ang lalaki at saktong umupo ito roon sa mesang tinutukoy ni Brixton. Biglang uminit ang pakiramdam niya.

Parang gusto na niyang sumabog sa galit nang mga sandaling iyon. Inaaamin niya sa sariling gago siya pero mas mabigat iyon sa pakiramdam lalo na't sa kaniya na mismo ito ginagawa.

Tatayo na sana siya upang lapitan silang dalawa ngunit naunahin siya ng mga ito. Napatingin siya roon sa babaeng kausap noong lalaki.

Imbes na magulat, nabahala siya dahil hindi iyon si Desiree. Dapat sana niyang ikatuwa iyon ngunit hindi ganoon ang naramdaman niya lalo pa nang magsalita ito nang dumaan sa gilid nila.

"Hon, magpa-take out tayo ng pizza. Hindi pa yata kami busog ni baby, e."

"Sure, Hon. Hintayin mo na lang ako sa kotse," tugon naman nito.

Halos isubsob niya sa sarili sa mesa huwag lang silang makita ng lalaki. Ngunit napaisip siya. Siya itong walang ginagawang masama kaya bakit siya ang dapat na magtago?

"P're, okay ka lang?" Napatingin sa dako nila ang boss ni Desiree ngunit bago pa iyon mangyari, kumaripas na siya ng takbo papuntang CR. Naiwan namang nagtataka at pakamot-kamot ng ulo si Brixton.

Lumabas lang siya nang matantiyang wala na roon ang lalaki.

"Putragis ka, Silas! Napa'no ka ba?"

"Sumakit bigla 'yung tiyan ko, e," palusot niya.

"Kinabahan ako bigla sa 'yo, e. Muntik na ako atakihin sa puso."

"Gago! Hindi mangyayari 'yon. Matitepok ka kaagad no'n na sa tingin ko ay malabong magyari. Masamang damo tayo, baka nakakalimutan mo."

"Gago! Pero pasensiya na pala kanina. Akala ko talaga si Desiree 'yon, e." Tawa lang ang iginanti niya.

"Susunduin ko siya mamayang uwian para makapag-bonding ulit kami."

"Okay na ba 'yung sasakyan mo? Baka hindi na naman umandar 'yon kung kailan nasa kalagitnaan na kayo pauwi, ah."

"Hindi. Maayos na 'yon. Tara! Baka hinahanap na nila tayo roon."

*****

Napadalawang tingin si Desiree nang makita sa labas ng kanilang pinagtatrabahuhan ang asawa niyang si Silas.

Kumaway ito sa kaniya ngunit umakto siyang hindi niya ito nakita.

Ano na naman bang pakulo ito, Silas?

Naalala niyang sinabi nito sa amo niya na palagi na niya itong susunduin tuwing uwian. Sa loob ng isa't kalahating buwan, ngayon lang siya nito naisipang sunduin sa trabaho.

Hinintay niyang makalabas lahat ng empleyado sa  building bago siya lumabas. Sinadya niyang bagalan ang kilos upang mas lalo pa siyang matagalan.

"Are you free tonight?" Nagulat siya sa biglaang pagpasok ng kaniyang amo sa kanilang cubicle.

"Y-yes," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Sinamahan siya nito hanggang sa makalabas ng building. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na niya si Silas na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

"Wife, I'm here!" Saka lamang napalingon ang kaniyang amo sa kinaroroon ni Silas. Nagtataka ang itsura nito na parang nagtatanong kung bakit naroon si Silas samantalang alam nitong balak na niya itong hiwalayan.

Umiba ng daan si Desiree ngunit sinundan siya ni Silas. "Kanina ka pa tinatawagan ni Mama pero hindi ka raw sumasagot."

Doon lang siya natigilan at seryosong humarap sa asawa. Tumingin muna siya sa kaniyang amo at tiningnan ang kaniyang cellphone upang kumpirmahin na nagsasabi ito ng totoo.

Nawala ang inis niya kay Silas nang makitang may limang missed call nga ang kaniyang ina roon.

"Doon raw muna tayo sa inyo matulog para may kasama sina Aira." Saka lang niya naalalang nanganak na pala ang kapatid niyang sumunod sa kaniya.

Wala na siyang nagawa nang hawakan ni Silas ang kamay niya at hatakin siya palayo sa kaniyang amo.

"Pasensiya na, boss. Tapos na ang trabaho ng asawa ko. Ako naman ang aasikasuhin niya." Matalim na titig ang iniwan nito sa kaniyang amo bago siya hinila paalis.


**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon