KABANATA 31

1.2K 26 1
                                    

"Mahal kita, Desiree. Mahal ko kayo ng batang nasa sinapupunan mo," nanginginig na turan ni Silas habang pinapatahan ang kaniyang asawa na walang tigil sa pag-iyak.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang iwasan siya nito. Matapos ang nangyari noong gabing iyon, bihira na siya nitong kibuin. Hindi na rin ito lumalabas ng bahay at lagi nang kinukulong ang sarili sa kuwarto.

Natural lamang na mag-alala siya. Kulang na lang ay umabsent siya sa trabaho para lang bantayan ito. Hindi naman siya nito sinasagot sa tuwing tinatanong na kung ano ang problema.

Kapag tumatawag ang mga magulang ni Desiree, palaging "okay naman" at "safe siya" ang kaniyang sinasagot. Ayaw rin kasi niyang mag-alala ang mga ito. Hindi kasi nila ito makontak dahil palaging nakapatay ang cellphone nito.

Lahat ay ginawa na niya ngunit palagi nitong sinasabi na tapusin na ang lahat sa kanila. May mga gabing bigla na lang itong nagbabasag ng gamit sa kuwarto at nagwawala.

Sa totoo lang ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Nilalakasan na lamang niya ang kaniyang loob at umaaasang babalik sa dati ang lahat.

Hindi siya makakapayag na basta na lang silang maghiwalay ng gano'n-gano'n lang. Hinayaan niyang makapag-isip muna ito nang maayos bago niya ito kausaping muli.

Paano nga naman niya hihiwalayan ang asawa gayong batid niyang nagdadalang-tao na pala ito? Kung hindi pa niya nakita ang pregnancy test kit sa banyo noong naligo siya kanina ay hindi pa nito aaminin sa kaniya ang totoo.

"Hindi mo kami obligasyon, Silas. Hindi ikaw ang ama ng batang ito. Hayaan mo na ako sa gusto ko na makipaghiwalay sa 'yo."

Namamaos na sa kasisigaw ang kaniyang asawa ngunit patuloy lang siya sa pag-alo rito. "Nangako akong hindi ako mawawala sa tabi mo, Des. Sumumpa ako sa Diyos na hindi kita tatalikuran kahit na anong mangyari. Asawa mo ako at magpapakaama ako sa batang isisilang mo."

Mas lalong lumakas ang paghagulgol ng kaniyang asawa. Marahil ay nagi-guilty ito sa ginawang pakikipagtalik sa iba habang siya'y eto, ginagawa ang lahat upang maging mabuting asawa sa kaniya.

"Hindi ako makakapayag na masira ang relasyon natin dahil sa nangyari. Mas lalong hindi ako makakapayag na mapunta ka sa lalaking 'yon. Hindi kahit kailan," mariin niyang sabi.

Sa isip naman ni Desiree, makipaghiwalay man siya kay Silas ay paniguradong hindi naman siya pananagutan ni Dave dahil ito na mismo ang nakipagkalas sa kaniya.

Isa pa'y umamin na rin itong hindi lang siya ang babae nito at ang masaklap pa, nabilog nito ang utak niya.

Nang kumalma na si Desiree ay niluwagan niya ang pagyakap dito. Pinunas din niya ang mga luha nito gamit ang kaniyang hinlalaki. Matagal siyang napatitig sa asawa hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili na gawin ang matagal na niyang ninanais.

Walang sabi-sabing siniil niya ng halik si Desiree. Sinubukan pa siya nitong itulak ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak sa baywang nito. Hindi na niya mapigilan ang sarili na hindi maangkin ang kaniyang asawa.

Alam niyang hindi ito ang tamang panahon upang gawin nila ang bagay na iyon ngunit nais niyang iparamdam dito ang mainit at nag-aalab niyang pagmamahal.

Ilang minuto pa'y nagpaubaya na sa kaniya si Desiree. Mas lalo pa niya nilaliman ang paghalik sa malambot nitong mga labi. Dahan-dahan niyang inihiga ang kaniyang asawa sa kama habang paisa-isa niyang tinanggal ang kaniyang saplot.

Matagal niyang pinakatitigan ang sexy nitong katawan. Sa isip-isip niya'y, sexy pa rin naman ito kahit may baby nang nabuo sa tiyan nito.

Bumaba ang halik niya sa leeg, dibdib, at pusod nito. Napasabunot sa kaniya ang asawa nang bigla niyang dinilaan ang hiwa nito. Kasabay no'n ay ang mahina nitong pag-ungol.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa halos sumigaw na si Desiree dahil sa kiliting nararamdaman nito sa pagkababae niya. Matagal na niya itong gusto gawin sa asawa ngunit hindi niya inasahang sa ganitong sitwasyon nila ito mangyayari.

Marahan niyang itinutok sa mamasa-masang hiyas ng asawa ang kaniyang sandata. Kusang bumuka ang bibig ni Desiree nang simulan niyang ipasok iyon nang buo sa loob nito. Siya man ay nasaktan nang bumaon ang matalim nitong kuko sa kaniyang likod. Punong-puno ng pagnanasa ang kaniyang mga mata nang mga oras na iyon.

"Does it hurt?" tarantang tanong niya nang biglang may pumatak na luha sa pisngi ng kaniyang asawa.

**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon