KABANATA 16

1K 18 2
                                    

Para magkaroon siya ng silbi sa loob ng kanilang pamamahay, naisipan niyang maglaan ng oras sa paglilinis. Kahit papaano ay nabawasan na ng kaunti ang pananakit ng kaniyang ulo.

Sa tingin niya ay ito na ang tamang oras para pagtuunan niya ng pansin ang bawat sulok ng kanilang bahay. Tuwing weekend kasi ay hindi pa rin nila nagagawang linisan ito dahil pareho silang abala sa pag-iwas sa isa't isa.

Nagsimula siyang maglinis sa buong kuwarto. Inayos niya ang damit nila ni Desiree sa cabinet at nilabhan ang natitirang damit na nasa laundrey basket. Kakaunti lang naman iyon kaya mabilis siyang natapos.

Sinunod niya ang sala. Napako ang tingin niya sa naka-frame na litrato nila ni Desiree noong ikasal sila. Naalala niya kung gaano kasaya ang kanilang mga ina noong araw na 'yon.

Kahit wala siyang pagtingin kay Desiree pumayag pa rin siyang pakasalan ito sa pag-aakalang matututuhan din niyang mahalin ito balang balaw.

Kahit madalas niyang sabihin sa asawa sa tuwing nag-aaway sila na hindi niya ito magugustuhan at wala siyang pakialam dito, unti-unti na rin siyang nagkakaroon ng paki dahil sa mata ng Diyos at lahat ng nakasaksi, legal silang mag-asawa at nagsasama sa iisang bubong.

Kung maibabalik lang niya ang panahon at ang oras, hindi niya sasaktan si Desiree ng ganoon kasakit.

Napakagat-labi siya at napakunot ng noo. May pangyayari kagabi na pilit sumisiksik sa isipan niya ngunit hindi na niya maalala. Tinapunan niya ng tingin ang sahig kung saan napahiga at nawalan ng malay kagabi. Kinapa pa niya ang sugat sa taas ng kaniyang kilay ngunit napapikit siya nang kumirot iyon.

Ang naaalala lang niya ay binalikan siya ni Desiree upang kumuha ng first aid kit at linisan ang sugat niya bago lagyan ng band aid. Malinaw pa sa kaniyang alaala niya na napahinto si Desiree sa ginagawa dahil hinawakan niya ang kamay nito at nagkatitigan sila.

"Shit!" mahina niyang sambit. He was about to kiss her last night pero wala na siyang matandaan na nangyari nga iyon. Napahilamos na lamang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Matapos niyang malinis ang sala ay sinunod niya ang kabilang kuwarto. Pagkatapos ay huli niyang nilinisan ang kusina at banyo.

Isang malalim na pagbuga sa hangin ang ginawa niya nang matapos. Sa sandaling iyon, hindi nawala sa isip niya si Desiree. Kulang na lang ay tawagan niya ito para sabihin nami-miss na niya nang sobra.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at hinanap ang numero ng ina ni Desiree. Pagkatapos niya itong makaausap ay agad siyang gumayak para tumungo sa palengke.

*****

Bumalik siyang bitbit ang mga sahog sa lulutuin niya para sa hapunan mamaya. Ayon sa ina ni Desiree, kare-kare ang paborito nitong ulam. Sa tanang buhay niya, ngayon lang ulit siya magluluto para may datnang pagkain ang asawa pag-uwi nito.

Grabeng effort 'yan, Silas! Hindi ko alam kung nagpapa-impress ka o pinapahirapan mo ang sarili mo.

Napailing na lamang siya. Hindi ito ang unang beses na magluluto siya ng kare-kare ngunit kabado siya dahil baka hindi magustuhan ni Desiree ang lasa. Kahit marunong naman siya ay nanuod pa siya sa Youtube ng tutorial para magawa niya iyon ng tama.

Itinigil muna niya ang ginagawa nang tumawag si Tristian. Niyayaya siya nitong uminom sa resthouse nina Brixton mamaya ngunit tinanggihan niya. "Gago! Masama ang pakiramdam ko hanggang ngayon at saka may date kami ng Misis ko mamaya. Si Brixton na lang muna ang yayain mo," anito sabay off ng cellphone.

Nang matapos ay tumungo siya sa sala. Bagsak na naman ang katawan niya dahil sa pagod. Hindi na niya namalayan kung anong oras na dahil nakatulog siya nang matagal.

Naalimpungatan siya nang marinig ang pamilyar na tunog ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Kahit masakit ang buong katawan, pinilit niyang bumangon at nagpalit ng malinis na damit bago lumabas at tumungo sa gate.

"Good evening." Parehong napatingin sa kaniya sina Desiree at ang amo nito.

"Oh, hi," simpleng bati nito sa kaniya.

"Salamat po sa paghatid sa asawa ko ngayong gabi, Sir. Hayaan n'yo po sa susunod ako na mismo ang susundo sa kaniya." Tiningnan siya ni Desiree nang masama.

Napatitig ito sa asawa niya at agad na umiwas ang tingin. Dahan-dahan itong tumango. "I have to go," paalam nito.

"Uh, kung gusto n'yo po, saluhan n'yo kami ni Desiree na kumain ng hapunan ngayong gabi. Tamang-tama, nagluto ako ng paborito niyang ulam ngayon.

"Silas..." mahinang sambit ni Desiree.

"Thank you for inviting me but may appoinment pa ako at exactly seven o'clock. Pasensiya na," wika nito.

"Sige po. May next pa naman." Ngumiti siya rito bago tinapunan ng tingin ang asawa.

"Tara sa loob, wife. Kanina pa kita hinihintay." Nauna siyang pumasok sa loob.

Samantala, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nina Desiree at ng amo nito.


**********

Please do comment, vote, and share. Thank you!!

One Hot Night in Room 69 (Lust & Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon