Chapter 7: The Elves and the Demons

180 11 16
                                    

Ayesha's POV

Nagulat ako sa nagulat. Kumurap kurap pa nga ako e. Hanggang ngayon kasi hindi ko maabsorb.

"B-Baka nagkakamali ka lang..." sabi ko sa napakagandang elf na nasa harap ko, para lang siyang matanda sa kin ng ilang taon. Tapos... Apo?

Ngumiti siya na sobrang lawak lalo tuloy nagliwanag yung mukha niya.

"Bata lang ang mukha ko pero limang daang taon na ang tanda ko."

A-Ano raw? Limang daan as in 500 years old?! What the fudge?!

Baka nasobrahan ako sa Lord of the Rings, baka masyado ng malakas ang imagination ko na akala ko nagkakatotoo na sila. May tawag ba dito? Ano nga ba yun? Ah... Nababaliw na ako. Kailangan ko na magparehab---

"Totoo ang mundong ito Ayesha, ito ang Magus at ang lugar kung nasaan ka ngayon ay ang Pharcopoeia. Ang lugar ng mga elves. Kabilang ka sa min, isa ka ring elf."

Hinawakan ko ang tenga ko. Bakit di mahaba?

"May dugong mortal na nananalaytay sa iyo pero di makakailang isa ka sa amin, kamukhang kamukha mo si Levi." sabi niya na parang alam niya ang nasa isip ko.

Levi. Narinig ko na naman ang pangalan na yun. Diba yun yung binanggit kanina ni Nicholass?

"Anak ng aking kapatid si Levi. Isang mortal ang kanyang ama, hindi ko naman akalain na susundan niya ang yapak ng kanyang ina at papakasalan ang isang haring mortal, at ikaw nga Ayesha ang bunga ng ginawa niyang yun."

Ina ko si Levi? At isang hari ang aking ama?

"Ipapakita ko sayo Ayesha." sabi niya at nilapat ang kamay sa noo ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang may mga imaheng nagflash sa utak ko.

Napapikit ako.

Nakatayo ako sa isang hardin, may natanaw akong kaharian. Anong ginagawa ko dito?

Nagulat ako nang may dalawang batang babae ang nagtakbuhan sa harapan ko.

"Prinsesa Michellyn, Prinsesa Nialliv! Ipinapatawag na kayo ng Mahal na Hari!"

May sumigaw, napatingin ako sa kanya. Kamukha niya si Nana Lory. Batang bersyon ni Nana Lory.

Sinundan ko kung san sila pumunta. Pumasok sila sa kaharian. Pagbukas ng malaking pinto ay bumungad sa kin ang maraming tao. May ikinakasal sa gitna. Naghiyawan sila at nagpalakpakan nung humarap ang bagong kasal.

Napaurong ako nung makita ko ang sarili ko na siyang babaeng kinasal.

"Mabuhay ang Mahal na Hari at Mahal na Reyna!"

Aatras na sana ako nang may maalala ako...

Hindi ako yan, si Levi siya si Levi. Tumingin siya sa kin na ikinagulat ko. Bigla niya akong ningitian.

----------------------

Naiba ang lugar kung nasaan ako. Nakita ko si Levi na nasa kama at may karga kargang sanggol.

"Ayesha ang magiging pangalan niya." rinig kong sabi niya pagkatapos ay tumingin uli siya sa direksyon ko at ngumiti.

Ina.

Lumakas ang tibok ng puso ko, namalayan ko na lang na naluluha na ako. Hanggang sa paliit ng paliit ang nakikita ko.

Sinubukan ko siyang abutin, ngunit isang kadiliman ang unti-unting bumalot sa kin.

Wood's POV

Nakita ko kung paano bumagsak si Ayesha.

"Ayesha!" napasigaw ako. Tatakbo sana ako sa direksyon niya pero isang kamay ang pumigil sa kin.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon