Chapter 5: Where You Belong

273 14 13
                                    

Innocence’s POV

Ang tagal naman nun ni Yeolung, pumasok siya dito sa malaking pinto na akala mo daanan papuntang langit, teka para na nga akong nasa langit eh. Tapos iniwan niya ako dito sa labas, saglit lang daw at ipapaalam niya muna kaso napakatagal ng saglit niya. Kulay orange na ang langit dito ibig sabihin... sunset na?

“Tsk, bahala nga siya diyan” ayokong naghihintay kaya naglakad lakad uli ako.

Totoo bang may ganitong lugar? Kahit kasi sampalin ko ang sarili ko para pa rin akong nananaginip.

“Bakit ba ako dinala ni Yeolung dito? Dito ako nababagay? Edi hindi ako tao?” ang dami kong tanong pero may dumagdag pa. “Kung kauri ko sila... bakit wala akong pakpak?”

Tumagal pa ang paglalakad ko hanggang sa mapunta ako dun sa lugar na tanaw yung gazebo. Wala na siya dun, sino nga ba uli yun? Natukso akong puntahan yung magandang gazebo. Hahakbang na sana ako sa hagdan papunta doon nang ma-realize ko... hindi naman pala yun literal na hagdan. Mga nagkumpulang bato na lumulutang na nagsisilbing hakbangan. Baka mahulog ako dito. Ah, hindi naman siguro ilalagay ba to dito kung mahuhulog ka naman? Tinanaw ko uli yung gazebo, pupuntahan ko yun.

Humakbang ako sa unang bato, kinabahan ako nang medyo umuga yun. Napatingin pa ako sa baba ko, nakakalulang mga ulap... kapag nahulog ako diyan anong kahihinatnan ko? Nakakatakot naman. Tiningnan ko yung pangalawang hahakbangan... parang ayoko ng tumuloy. Ang layo ng pagitan nila eh. Ah! tatalunin ko na lang. Isa, dalawa, tatlo, talon!

“HA!” napasigaw ako nung makatapak na ako sa pangalawang bato bakit pang buhis buhay naman tong ginagawa ko marating lang yung gazebo na yun?

Ilang bato pa ba? Ang dami pa hindi ko mabilang, tss. Kaya ko to. Pangatlong bato na ang tatalunin ko. Isa, dalawa, tatlo, talo—

“Anong ginagawa mo?”

Oops—Oh no.

“T-TEKA TUMINGIN KA SA HINAHAKBANGAN MO!”

Huli na nung sumigaw siya, nadulas ang paa ko sa ikalawang bato bago pa man ako makatalon papunta sa pangatlo dahilan upang mahulog ako!

“AAAH!!!!”

Nakita ko pa siya na nakatingin sa kin habang ako ay patuloy na nahuhulog. Hindi niya ba ako tutulungan? Mamamatay na ba ko--- nakita ko kung paano niya buksan ang pakpak niyang may magkaibang kulay at lumipad papunta sa kin.

Namalayan ko na lang... nasa bisig niya na ko at buhat-buhat niya ko. Rinig na rinig ko ang lagaslas ng pakpak niya hanggang sa lumipad siya pataas at ibinaba ako dun mismo sa gazebo. Pagkatapos ay mataman niya akong tinitigan na ikinailang ko kaya napaiwas ako ng tingin. Ilang saglit pa ay tumalikod na siya akmang iiwan ako dun.

“T-Teka lang!”

Tumigil siya at nilingon ako ng bahagya pero wala man lang siyang sinasabi.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon