Chapter 4: The Other World

275 12 14
                                    

Nialliv’s POV

Ang ganda pa ng ngiti ko kahit na nakita na ni Nana Lory yung ginawa ko. Halos sugurin niya nga ako eh.

“ANONG GINAWA MO?” pagalit niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Kung nakita niyo po malamang alam niyo na kung anong ginawa ko—“

“SINA AYESHA!” sigaw niya ulit.

Napatawa ako. “Bakit po ba mukha kayong takot na takot? Hayaan mo na yun si Ayesha at Wood babalik din yun—“

“Hindi na sila makakabalik!” giit niya pa.

Nagtaka naman ako sa matandang to.

“Parang alam na alam niyo talaga kung ano ang liwanag na yan ah. Ano nga ba yan Nana?”

“Lumabas ka muna!” sabi niya maya-maya.

“Bakit? Ngayon pa ba kayo magtatago sa kin? Pwedeng pwede niyong sabihin sa kin kung ano yan.”

“Basta lumabas ka muna!”

Huh. Nautusan pa ko.

“Fine, fine. Ano ba gagawin mo magri-ritwal? Ge bye!” sabi ko at nagtaas pa ng dalawang kamay na parang sumusuko, hindi ko alam dito sa yaya namin naging wirdo bigla. Lumabas na lang tuloy talaga ako.

Bumaba na lang ako para kumuha ng maiinom, masyadong nag-aalala si Nana Lory kina Ayesha. Ano bang malay ko mamaya sa basement lang ng bahay sila napunta tss. Masyadong OA at di naman nag-eexist ang ano mang supernatural sa mundong to may mga tao lang talagang OA.

Papunta na akong kusina nung may mahagip ako sa sala. Tumigil ako at bumalik para tingnan kung ano yun, pero mali pala... sino pala yun. Bumalik yung inis na nararamdaman ko kanina.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at nagtaas pa ng kilay sa kanya, sarap pa ng upo niya sa couch ah.

“Nialliv let’s talk.” Sabi niya at tumayo na.

“Ano namang pag-uusapan natin? Mag-empake ka na kaya diba aalis ka na?” sarcastic kong sabi at tinalikuran siya.

“BAKIT BA GANYAN KA MAG-REACT! PARA KA NAMANG GIRL FRIEND EH!” sigaw niya na ikinatigil ko.

Nilingon ko siya ulit at binigyan ng sarcastic smile.

“Oo nga no nakalimutan ko, best friend lang pala ako wala akong karapatang mag-react ng ganito. Sorry di kasi ako na-inform.” Pagkatapos kong sabihin yun nagdire-diretso na ako sa kusina. Pero ang siraulo sinundan pa ako!

“Nialliv ano ba? Ano bang ikinagagalit mo?”

“Di mo ba talaga ma gets? Slow poke.”

“Eh hindi ko naman talaga ma gets eh. Bakit ba?”

“Ikaw na lang kaibigan ko aalis ka pa? Talk shit ka!”

Hindi ko alam dito pero bigla naman siyang napatawa. Nakakatawa ba ko? Bwisit.

“Yun lang? Yun lang ang dahilan kung bakit galit ka? Nialliv naman babalik nga rin ako!”

“Paki ko kung kelan yan!”

“Nialliv ang childish mo naman eh!”

“Bahala ka sa buhay mo, umalis ka na. Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nakikipagkaibigan kahit kanino eh. Lahat kayo nang-iiwan, mga plastic!” aalis na sana ako sa kusina nung pigilan niya ang kamay ko. Ano ba to parang pelikula ang drama nakakairita!

“Wag ka namang ganyan oh, babalik ako promise ikaw pa ba iiwan ko? Kung pwede nga lang isasama kita eh! Kaso...”

“Kaso ano?” bwisit to binibitin ako.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon