Chapter 6: The Guardians and the Humans

203 7 21
                                    

Innocence's POV

Huling huli nya ako sa akto na nakatingin sa kanya. May mas nakakahiya pa ba kapag nahuli ka sa akto? Geez.

Hindi ko alam kung gaano katagal. Pero nung nagmulat sya ng mata hindi pa ako agad umiwas. Nakatitig pa rin ako sa kanya. Kumurap sya pero di nya inalis ang pagkakatingin nya sa kin. Pero ilang saglit pa ay kumunot ang noo nya. Pero hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata nya.

"S-Sorry" sabi ko nung matauhan na ako at mabilis na umiwas aa kanya. Napaupo naman sya mula sa pagkakahiga dun sa higaan nyang lumulutang na ulap.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Bakit ko ba kasi sya tinitigan?

"Hanggang kailan mo ba balak manatili dito?" biglang tanong nya, malumanay lang. Hindi galit, pero mukhang hindi rin naman iritable.

"Ah... Pinapaalis mo na ba ako? Sige aalis na ako..."

"Wala akong sinasabing pinapaalis na kita, kung ayaw mo pang magpakita kay Yeolung bahala ka. Ayoko lang sanang maistorbo sa pagtulog ko."

"S-Sige" kinakabahan kong sagot sa kanya. Grabe nakakaintimidate sya, di sya katulad ng mga lalaki sa school. In the first place, iba naman nga kasi talaga sya.

Tiningnan nya pa ako saglit tapos bumalik na sya sa pagkakahiga. Ako naman, lumapit na lang doon sa may isa pang ulap na lumulutang pero mas maliit kaysa sa hinihigaan ni Finn. Ganito sigiro ang upuan dito. Umupo ako dun, akala ko lulusot ako kasi nga gas lang naman ang ulap hindi ba? Pero ito isang malaking cotton ball.

May isang pader dito sa kwarto ni Finn na gawa sa salamin. Tulad ng salamin na sahig, tanaw din dito ang labas. Medyo dumidilim na. Bigla akong naexcite  dahil naisip ko ang mga stars. Abot kamay kaya sila dito?

Bigla akong hinikab. Inaantok na ako, ang lambot din kasi ng inuupuan ko at wala akong ginagawa. Makaidlip na nga lang. Saglit lang promise.

------------------------

Bigla akong nagising. Nakatulog pala ako. Madilim na sa labas, napatayo ako nung makita kong kumikinang ang langit. Stars. Ang ganda.

"Mas maganda silang tingnan doon sa gazebo."

Napalingon ako sa likod ko nung may marinig akong magsalita. Kanina pa ba sya nandyan?

"Gazebo?" tanong ko sa kanya.

"Yung pinuntahan mo kanina na ikinalaglag mo."

Ah.

"Kasalanan mo kaya kung bakit ako nalaglag. Nagulat ako."

Saglit na kumunot ang noo nya tapos umiwas sya ng tingin pero bumalik din sa kin.

"Hindi ka pa ba lalabas? Hindi ba masyado mo ng tinataguan si Yeolung?"

"Wala akong paki sa kanya. Hindi ako lalabas hangga't di nya ako ibabalik sa mundo ko."

Ilang saglit pa ay may narinig na kaming katok sa pinto. Tiningnan ako ni Finn bago lumakad papunta sa pinto. Pero bago nya pa mabuksan ay pinigilan ko sya.

Tiningnan nya ako uli. Umiling ako sa kanya. Senyas na wag nyang buksan ang pinto.

Pero di siya nakinig.

"Finn nakita mo ba---"

Napabitaw ako sa kanya nung bumungad sa kin si Yeolung. Yung tinataguan ko.

"Innocence! Nandito ka lang pala--- teka bakit ka nandito?" tanong ni Yeolung at nagpabalik balik ng tingin sa kin at kay Finn.

"Dalhin mo na sya sa silid nya Yeolung, mukhang napapagod na sya." sabi ni Finn na ikinatingin ko sa kanya.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon