Chapter 1: The Beginning

638 19 40
                                    

Magus, ang lugar na pinaninirahan ng apat na uri ng nilalang. Ang mga tao, mga elf, demons, at mga Guardians. Tahimik silang namumuhay sa kani-kanilang teritoryo ngunit para maiwasan ang anumang pag-aagawan sa teritoryo, isang malaki at mataas na pader ang ginawa na nagsisilbing harang sa bawat kaharian. Ngunit hindi sa buong panahon ay ninais ng lahat na mapanatili ang kapayapaan sa bawat rehiyon.

Dumating ang panahon na nauhaw ang bawat isa sa kung ano ang meron sa likod ng mga pader ng bawat lahi at doon na nga nagsimula ang gulo sa pagitan ng bawat rehiyon, gulo na lalong nagpatibay sa pader ng pagkakahiwalay at walang pagkakaisa.

--------------------

Pharago Kingdom: Human Region

Sa isang malawak na hardin, masayang nakaupo sa paligid ng mga bulaklak ang isang batang Prinsesa.

“Napaka-inosente naman tingnan ng bulaklak na ito.” Sabi niya habang hawak hawak ang isang puting bulaklak.

“Prinsesa Michellyn.”

Napatingin siya sa isang tagasilbi ng tawagin siya nito. Ningitian niya ito at hinintay na sabihin kung bakit siya tinawag.

“Nanganak na po ang Mahal na Reyna.”

Napatayo siya agad, nanganak na ang Reyna sa ikalawang anak ng hari. Ginusto niya agad na makita ang kapatid. Isa kaya uli itong Prinsesa? O isang Prinsipe? Nakarating siya sa silid ng Reyna. Doon ay nakita niya ang Amang Hari na hawak ang bagong silang na kapatid. Nasa tabi naman nito ang Reyna.

“Gusto kong Nialliv ang maging pangalan niya.” Sabi ng Reyna.

Sabik siyang lumapit sa Amang Hari upang tingnan ang kapatid, isa itong Prinsesa tulad niya. Tumingin siya sa Reyna nung marinig niya ang pangalan ng kapatid. Matalim naman siya nitong tiningnan. Ito ang ikalawang asawa ng Hari, si Reyna Shuktani.

Nais niya rin sanang magsabi ng gusto niyang pangalan para sa kapatid ngunit nakasabi na ang Reyna at hindi niya naman ito matututulan. Alam niyang hindi siya gusto nito, napakamisteryoso rin nito at hindi niya alam kung bakit ito pinakasalan ng Ama. Akala niya kasi mula ng mamatay ang unang Reyna na kanyang ina, hindi na ito muling mag-aasawa ngunit bilang namumuno sa kaharian, kailangan niya ng Reyna bilang katuwang.

Lumipas ang mga panahon, lumaki na si Nialliv. Ngunit hindi ito lubusang makasundo ni Prinsesa Michellyn. Hanggang isang araw ay bigla na lamang naglaho si Reyna Shuktani. Tulad ng misteryo ng pagdating nito sa kanilang kaharian, misteryo rin ang pagkawala nito. Hindi rin nagtagal pa ay muling nagpakasal ang Hari.

“Hindi ko gusto ang bagong Reyna.”

Ang masayang ngiti ni Prinsesa Michellyn sa araw ng kasal ng kanyang Ama ay nawala nung marinig niya ang mga salitang yun mula sa kapatid na si Nialliv.

“Mabait naman siya hindi ba? At hindi ka ba natutuwang Masaya na uli ang ating ama?” sabi niya sa kapatid.

Mariin siya nitong tiningnan saka ngumiti na tila hindi niya nagugustuhan.

“Mamamatay din siya.”

Nabigla siya sa sinabi nito.

“Galit ako kay ama, hindi pa nalalaman kung ano ang nangyari sa aking ina pagkatapos ay nagpakasal agad siya kaya sigurado ako... mamatay din ang bagong reyna.” Sabi ni Nialliv bago hinayo ang kanyang mga tagasilbi palabas sa kasiyahan.

Sinundan lamang ito ng tingin ni Prinsesa Michellyn, napaka misteryoso rin ng kapatid niya tulad ng ina nito.

Hindi rin nagtagal ay nagsilang muli ng bagong Prinsesa at pinangalan itong Ayesha at tulad din ng sinabi ni Prinsesa Nialliv... namatay ang ikatlong Reyna matapos itong manganak.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon