Chapter 3: The Call of Magus

261 12 23
                                    

Michellyn’s POV

Paglabas ko sa kwarto ni CC, dumiretso ako sa sarili kong kwarto. Papasok sana ako ng banyo nung mapatigil ako at mapatingin sa bintana. Teka nakabukas ba yun kanina? Hindi naman ako mahilig magbukas ng bintana lalo na’t hindi naman mainit dito sa kwarto ko.

Ewan. Baka binuksan ko kanina nakalimutan ko lang. Pinagkibit-balikat ko na lang sabay pasok ng banyo. Ilang minuto lang ang nakalipas ay lumabas na rin ako, may dalang face towel na ipinupunas ko sa mukha ko. Naghimalos lang naman kasi ako.

Patuloy ako sa pagpunas nung tumigil ako nang may mapansin sa kama ko. Akala ko namamalikmata lang ako pero hindi! May taong nakaupo sa kama ko. Teka siya yung lalaki kanina!

“Napakalayo ng tinitirhan mo, maraming kakaibang bagay sa paligid ang mundong to ngunit alam mo ba na wala ng papantay pa sa ganda ng Pharago? Yun nga lang hindi na siya ganoon ka ganda ngayon.” Sabi niya na parang di man lang natinag sa pagkakaupo sa kama ko.

“T-Teka anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Magnanakaw ka ba?” sunud-sunod kong tanong. Sa halip na sumagot itinuro niya yung bintana.

“Hindi mo ba natatandaan? Ako yung anak ng kanang kamay ng hari na kababata mo, noon... madalas akong umakyat sa puno na nasa harap lamang ng iyong silid. Tapos bubuksan mo ang bintana at doon ikaw ay pupuslit at magkasama tayong naglalaro.”

Anong sinasabi nito? Kinabahan ako dahil mukhang baliw tong lalaki na to at ang masaklap pa nasa kwarto ko siya! Stalker ba to? Ano ba kailangan niya sa kin?

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hindi lumapit sa kanya. Mahirap na baka mamaya may gawin pa tong masama.

“Hindi ko gustong basta ka na lang pumasok sa kwarto ko, hindi kita kilala. Bago pa ako tumawag ng pulis, pakiusap lumabas ka na.” Sabi ko.

Nilahad niya ang isang kamay niya na parang inaaya ako.

“Halika sa Magus, doon ka nararapat. Hinihintay ka na ng kaharian Prinsesa.”

Kanina niya pa ako tinatawag na Prinsesa.

“Baliw ka ba? Hindi kita maintindihan. Lumabas ka na please.” Sabi ko ulit, hangga’t maari kalmado ko lang hinaharap ang bagay bagay. Buti na lang hindi ako tulad ng iba na dinadaan sa panic ang lahat.

“Masyado ng naokupa ng mundong ito ang pag-iisip mo, halika na Prinsesa bumalik ka na sa Magus.”

“Nakakainis ka na ah, wala akong alam sa sinasabi mo!” sabi ko at lumapit na sa kanya, kung kinakailangang itulak ko siya palabas ng bintana na pinasukan niya gagawin ko!

Maya-maya pa ay may narinig akong katok sa pinto.

“Michellyn may kausap ka ba diyan?”

Patay! Boses ni Nana Lory yun!

“W-WALA PO NANA!” sigaw ko at sinamaan ng tingin ang lalaking trespassing sa kwarto ko. Kung titingnan ko siya ngayon  mukha siyang gagawa ng masama ano mang oras.

“Alam ko ang ganyang mga tingin, mabuting tao ako Prinsesa. Kailan man ay wala akong ginawa kundi protektahan ka.”

“SSHHH!!!!” saway ko.

“Matulog ka na Michellyn.” Rinig kong sabi ni Nana sa likod ng pinto.

“OPO!” sagot ko naman.

“Si Lorinia, siya ang kumatok kung hindi ako nagkakamali.” Sabi niya pagkatapos na ikinabalik ng atensyon ko sa kanya.

“Sinong Lorinia ang sinasabi mo? Si Nana Lory yun ang nag-aalaga sa min.” Sabi ko, baliw nga ata talaga to.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon