Chapter 8: Accept the Fate

157 10 8
                                    


Nialliv's POV

Alam ko namang masama ang ugali ko pero di ko naman inaasahan na buhay pa ako e mapupunta na ako sa impyerno o baka naman patay na ako pagpasok palang sa mundong to?

Kinurot ko ang sarili ko. Buhay ka pa Nialliv, may panahon ka pang pagsisihan ang mga kasalanan mo. Pinaparusahan na ba ako at makakaalis lang ako dito kung magiging mabait na ako?

Asa.

"Mukhang malalim ang iniisip mo kapatid," narinig kong sabi niya habang naglalakad kami papunta raw sa 'silid' ko.

"Wala kang pakialam." pabalang kong sagot at di man lang siya pinagkaabalahang tingnan. Nadadagdagan lang ang pagkabadtrip ko.

Tumawa siya na nage-echo sa buong paligid. Tumayo nga balahibo ko e kasi nakakatakot talaga.

"Matapang ka, bukod pa sa kasamaan na amoy na amoy ko sayo." sabi niya pa.

"Kasamaan ang pabango ko di mo ba alam?" sarcastic kong sagot.

Ngumisi siya. "Ngayon palang gusto na kita, hindi na ako makapaghintay sa mga susunod pang araw na kasama kita aking kapatid."

Napalunok ako sa sinabi niya at napatitig sa tila nagaapoy niyang mga mata. Yung pagkakasabi niya e para akong isang putahe na balak niyang kainin anumang oras.

"Magpahinga ka na gusto ng kamahalan na hindi ka pagod mamaya kapag kasama ka niya."

Paglingon ko ay nasa harap na kami ng isang pinto. May lalaking may sungay ang nakabantay doon at ang mga paa ay tulad ng sa kambing.

Natakot ako syempre pero di ko pinahalata. Nginisihan niya ako bago binuksan ang pinto ng 'silid' ko.

"Hintayin mo na lang na may gumising sayo mamaya, dahil baka hindi ka magising aking kapatid. Walang araw na sumisikat sa Gehenna. Dalawa lamang ang kulay dito. Itim at pula." sabi niya at ngumisi uli.

Napalunok na naman ako. Harvey bakit hanggang dito ayaw akong tigilan ng presensiya mo?

"Harvey---"

"Cerebrus, iyon ang pangalan ko aking kapatid." sabi niya na parang nabasa agad ang nasa isip ko.

What the hell?

"Hanggang mamaya." sabi niya pa at iniwan ako doon na nakatulala pa rin sa kanya.

"Kamahalan." sabi sa kin nung tagapagbantay ata dito sa labas ng silid ko at lalong niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.

"Maari ka ng umalis." sabi ko sa kanya ayoko kasi ng may nagbabantay sa kin, akala naman nila makakatakas ako dito. Tsk. Siguro kapag may nahanap akong paraan pero di ngayon, masyado pa silang nahuhumaling na bigyan ako ng atensyon. Nakakasuka tulad ng lugar nila.

"Hindi ako maaring umalis kamahalan, itinalaga ako upang bantayan ka."

"Ah ganun? May masasama bang maaring manakit sa kin dito?" e nasa lugar ako ng masasama! Demonyo pa, amazing diba.

Nginisihan niya lang ako at tinanguan. Umirap ako bago pumasok sa loob ng silid.

Napanganga ako. Pulang pula, at itim ang kama ko. Pinaghandaan nila ang pagdating ko ha?

Mayroon ring nakalatag na damit sa kama. Mukhang yun ang dapat kong suotin pero wala akong balak.

"Punyeta namang bangungot ito sobrang lalim!" reklamo ko at pabagsak na humiga.

Wag kang iiyak Nialliv, hindi ka mahina. Makakalabas ka rin dito! Hindi ko alam kung makakatulog ako pero unti-unti na rin akong dinalaw ng antok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon