Chapter 2: What's Inside?

336 14 11
                                    

Innocence’s POV

Nakita kong parang may kumikinang na liwanag mula dun sa kwarto ni Nana Lory. Parang may kung anong bagay dun sa loob na sa sobrang liwanag ay tumatagos sa bawat maliit na butas na di kayang takpan ng pintuan.

Unti-unti akong lumapit at hinawakan yung door knob.

“CC.”

Napatigil ako nung marinig kong may tumawag sa kin. pagtingin ko, si Ate Nialliv.

“Bakit?” tanong ko sa kanya ng hindi pa rin inaalis yung pagkakahawak sa door knob ng kwarto ni Nana Lory.

Tumingin siya sa kamay ko. “Anong gagawin mo diyan?”

“May titingnan lang ako—“

Naputol ang sinasabi ko at napabitaw ako sa pagkakahawak sa door knob nung bigla na lamang niyang paluin ang kamay ko paalis doon!

“ANO BANG PROBLEMA MO?” napasinghal ako sa kanya.

Bigla siyang nag smirk at nilapit ang mukha sa kin.

“Subukan mo lang pumasok diyan di lang palo sa kamay ang mapapala mo sa kin.”

“Bakit ba?” irita kong tanong, para kasi siyang baliw hindi ko nga alam kung may personality disorder ba siya.

“Kwarto yan ni Nana Lory, hindi mo yan kwarto.”

Tiningnan ko lang siya at sinukat ang mga titig niya.

“Fine.” Sabi ko at tinalikuran na siya, madali naman akong kausap.

“CC.”

Tinawag niya ako uli kaya nilingon ko siya.

“Tara sa baba pagkabihis mo, samahan mo akong kumain.” Sabi niya at ngumiti pagkatapos ay bumaba na uli.

Nagtaka naman ako, ang wirdo nun. One moment mataray, tapos biglang ngingiti. Pero teka lang bakit para naman niyang na-sense na may papasok sa kwarto ni Nana Lory? Ang lakas naman ng pakiramdam nun.

Nialliv’s POV

Pagkababa ko ng hagdan, bumalik ako sa may kusina. Napatigil ako saglit bago tuluyang pumasok ng kusina nung may maisip ako. Pakiramdam ko lang naman na may papasok sa kwarto ni Nana Lory pero tumama nga ako. Ang lakas naman ng pakiramdam ko. Powers na bang matatawag yun? Wow I’m so cool.

Nung nakaraan lang, may natuklasan ako sa kwarto ni Nana Lory. Sigurado may kakaiba ring naramdaman doon si CC pero pinigilan ko siya bago pa man niya malaman. Gusto ko kasing ako ang unang makaalam. May kung anong nag-iilaw na liwanag mula sa ilalim ng kama ni Nana Lory. Sa sobrang liwanag ay para kang masisilaw. Malapit ko na sanang makita kung ano yun pero bigla namang dumating si Nana Lory. Nakakainis, naantala tuloy. Kapag may nalaman pa naman ako na hindi naging malinaw kung ano, hindi na ako natatahimik. Gahaman ako sa sagot, gusto ko buong buo kong malalaman kung ano yun.

“Nana wala ka bang tinatago sa kin... I mean, sa min?” tanong ko habang kumakain. Naramdaman ko naman ang pagkatigil niya kahit na nakatalikod mula sa kin at naghuhugas ng pinggan.

Napa-smirk na lang ako, obvious siya.

“Sa tingin mo ba may itinatago ako?” balik tanong niya.

“Hindi ko po alam, kung alam ko kasi baka hindi na kita tinanong.”

“Tulad ka rin ng iyong ina Nialliv, pareho kayong nakakatakot.”

Naantala yung pagsubo ko nung marinig ko yun. Ina ko?

“Hindi naman yung biological mother ang tinutukoy mo hindi ba?”

“Oo naman.” Rinig kong agad na sagot niya.

Four Sisters Tale (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon