P R O L O G U E

2.8K 35 1
                                    

"Nay maawa naman ho kayo, hindi ko 'to kaya please lang" Nagmamakaawang pakiusap ko sa aking ina na ngayo'y hinihila ako palabas ng bahay.

"Binayaran n'ya na kami kaya lumayas kana dito!"

"Nay please, anak nyo rin po ako"

"Wala akong anak na katulad mong walang kwenta!"

Tinulak n'ya ako na sanhi ng pagkaroon ko ng sugat sa tuhod pero hindi ko ito ininda.

Tumayo ako kahit mahirap at tumakbo papasok sa pinto ng bahay namin.

Ngunit papasok pa lamang sana ako ng unang nakapasok si Nanay at sinarahan kaagad ako ng pinto.

"Nanay buksan nyo po 'tong pinto! Ayuko doon!" Katok ako ng katok pero ni isa walang nag bukas ng pintoan. Nang ako'y mapagod ka katok ay huminto na ako at isa isang pinulot ang mga damit na hinagis kanina ni Nanay.

Nang matapos sa ginagawa ay tumayo na ako at naglakad palabas sa eskinita. Pagkalabas ay kaagad akong nag para ng tricycle.

Nahagis naman ni Nanay 'yung bag ko na may lamang mga ipon ko kaya meron akong dala kahit papaano.

Nang huminto ang tricycle ay pumasok na kaagad ako sa loob.

"Saan ka?" Tanong ng driver.

Magsasalita pa lang sana ako ng may humila sa akin na ika "aray" ko.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko at pinag hahampas ang kamay nito na nakahawak sa siko ko. Ngunit lalo lamang itong hinigpitan ang hawak.

"Aray, si-. . ." Napahinto ang sasabihin ko sa era ng makita ko kung sino ang humahawak sa akin.

"Do you think you can escape us?" Napalunok na lamang ako sa sinabi nito dahil 'yon naman talaga ang plano ko. Ang kaso pumalpak pa nga ang plano dahil naabutan pa nila ako.

Isa itong adik at rapist na matandang lalaki. Binili ako nito kay Nanay at si Nanay naman ay pumayag. Hindi ko alam kung anong pagkakamali ang nagawa ko sa kanila dahil simula pa lang ng bata ako ay tinatrato na nila ako ng mali.

Lahat naman gagawin ko para mabayaran lahat ng utang n'ya pero bakit naman binenta ako.

        Kasalanan ko pa bang maging anak nila?

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko ng hilain ako nito bigla.

" Ano ba, nasasaktan ako" Pinilit kong saktan ng saktan ang humihila sa akin pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ito sumusuko.

Tinulak ako nito at pinilit pumasok sa van.

Pinilit kong makalabas pero masyado s'yang malakas.

Lalabas na sana ako ng makahanap ng tyempo ng may pumasok kaagad na lalaking naka black attire na may salamin at nakasuot ng wireless earbuds.

Wala akong nagawa kung 'di umayos na lang ng upo dahil ano pa nga ba magagawa ko — kulong na kulong nako — tinutukan pa ako ng baril.


Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa rin kami sa pupuntahan. Sa mga oras na nagdaan ang nagawa ko lamang ay tumingin sa labas at nanatiling tahimik.

"Saglit lang. Ihinto mo muna Vien" Kaagad nakuha nito ang attention ko at napatingin sa driver. Inihinto nito ang van at lumabas ang matanda.

Nang ito'y lumabas ay lalabas na rin sana ako ngunit bigla ako nitong sinaradohan at kaagad na umandar ang sinasakyan namin.

Umayos na lamang ako ng pagkakaupo at tumahimik ulit.

"Kyahh!" Sigaw ko ng biglang may tumonog ng malakas lakas at sunod sunod ito.

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon