C H A P T E R S I X T E E N

767 12 0
                                    

“Mama, let's go to McDonald's later ok?” Napatingin ako sa rearview mirror ng kotse at napangiti ng makita na naka-like zone at nakangiti si Lia.

“Later”

“Yehey”

Ngayon ay nandito kami sa kotse at papuntang mall dahil bi-bili kami ng school supplies. Nag aaral kasi ang mga bata ng nursery.

Kahit papaano naman ay natutustosan ko ang mga pangangailangan ng mga bata kahit wala ang ama nila.

Sa business ko naman na banana chips ay naging sikat ito at meron na ngang product na ‘yun sa ibang bansa. Sumikat ito ng ipa-commercial ko sa tulong ni Lexus. Actually, si Lexus at ang mga ka-trabaho niya ang naging model sa commercial ko na ‘yun.

Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Lexus dahil sa kanya ay nandito ako sa mga pangarap ko pero syempre hindi ako umaasa sa kanya. Pagkatapos ipa-commercial ang product ko ay hindi ko na tinanggap ang mga pera na inaabot nito sa akin, kung para sa mga bata ay hindi ko rin tinatanggap. Malaki laki na kasi kita ko kung sa totoosin ay kaya ko ng mag gastos sa mga bata na galing sa pera ko.

Bukod sa banana chips, ay nagkaroon din ng mga iba. Like mango chips, apple chips at meron pang iba. Ayon lang ang naging business ko. Hindi na rin pala ako nag patayo ng karinderya na gaya ng dati kung plano.

Sa nagdaang taon na rin naman na ‘yun, after magpa commercial ay nagpatayo ako ng sarili kong factory dahil nga sa marami ng umorder at kaya na ng pera ko.

“We are here” Saad ko at nag preno ng sasakyan.

Bumaba ako sa sasakyan ko at tinulungan ang mga bata na bumaba.

Pumasok kami sa loob ng mall at kumain muna sa McDonald's saka nag punta sa national books store.

“Mama, I want painting” Saad ni Lea at nilagay sa aming basket ang painting materials na meron ng acrylic paint at mga brushes.

“Kuhanan mo rin ate mo” Tumakbo ito at kumuha ng isa saka nilagay sa basket na hawak ko.

Silang dalawa ay hindi ko inii-spoiled. Dahil ayoko na dumating ‘yung point na pilitin nila akong gawin ang isang bagay. Pagkasi nangyari den ‘yun, masasanay ako.

Natuto silang mag english dahil ito ang sinasalita ni Nanay Melya na, na adopt naman nila.

       Sapiens By Yuval Noah Harari

Napangiti ako ng mabasa ang libro. Sa tingin ko kasi ‘yung libro na ‘to is to expand or to improve your knowledge.

Hinawakan ko ito at ng kukunin ko na ay may kumoha den nito na ikatingin ko sa kumoha.

“Caspian”

“Wifey”

Napalunok ako at randam kung nanginginig ako sa sinabi nito.

Sa ilang taong nagdaan, ngayon ko ulit narinig ang katagang ‘yun na galing sa kanyang bibig.

“Are you ok?”

“Ah ano” Na sabi ko na lang ng bigla itong mag salita. Para akong pabebe na nilagay ang buhok sa gilid ng tenga, or I should I say, pabebe nga.

“Asan mga bata?”

“Huh? Oonga pala ‘yung kambal” Kaagad kong hinanap ang mga bata. Nag tingin tingin pa ako sa mga notebooks area, book area, ballpen area pero hindi ko sila mahanap.

Tinignan ko ulit si Caspian at napansin na nasa binti lang nito ang kambal na parang unggoy, nakayakap pa kasi sila sa binti nito. Nakangiti silang tatlo sa akin na ikapameywang ko.

Tinawanan lamang nila ako at pumonta sa tapat ko.

“Kumain na kayo?” Tanong nito ng makapunta sa tapat ko.

“Oo, ikaw ba?”

“Ay si Mama concern”

“Ayie”

“Ano ba ‘yan” Na sabi ko na lang at sinamaan ng tingin ang kambal. Tinawanan lamang nila akong tatlo na ikailing ko na lang.

Naglakad ako papunta sa may notebook area at naghanap ng magandang notebook para sa mga bata.

“Baby Lia may barbie pa dito” Saad ko at tinaas ang notebook.

“Wow, I want it Mama. Find me more barbie” Saad niya at kinuha sa akin ang notebook.

“How about me?”

“Ito na, hinahanapan kana ni Mama ng unicorn”

“How about this Lea?” Napatingin ako sa hawak ni Caspian at nakita itong unicorn na kulay violet ang background.

“Yes”

Tinuloy ko na lang ang paghahanap ng mga notebooks nila hanggang sa nag hanap na kami ng iba pa nilang needs.





Wala na ba kayong gagawin?”

“Nothing” Sabay na sabi ng kambal at pumasok sa loob ng kotse.

Kakatapos lang namin mag shopping at bumili ng school supplies sa mall at ngayo'y nasa parking lot na kami.

“Then let's go to luneta”

“Really Papa?” Hindi makapaniwalang saad ni Lea.

“Yes” Sagot ni Caspian at sinara ang pinto ng sasakyan.

“Pasok kana”

“Huh? Hindi kana ba uuwi?” Nagtatakang sabi ko dahil nga sa pinag buksan ako nito ng pintuan ng kotse.

“Yes”

“Pero uuwi na kami”

“Gala pa tayo sa luneta” Saad nito at pinilit akong pumasok sa loob ng kotse.

Nang siya'y makapasok ay masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.

“Bakit?”

“Umuwi kana at baka nag hihintay ‘yung pamilya mo”

“Nandito pamilya ko”

“Caspian, hindi ako nakikipag biruan”

“Hindi rin ako nakikipag biruan” Dahil sa inis ay padabog kung sinuot ang seatbelt ko at saka nag cross arms.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami ng luneta.

“Bili muna kaya tayo ng foods para pang picnic. Baka meron naman gaan malapit na mabibilhan” Saad ko at nag hanap hanap pa sa paligid.

“Gusto nyo mag picnic?”

“Ako gusto ko” Biglang kong sabi at napahawak sa braso niya.

“Ay sorry, ‘wag na pala” Saad ko.

Aalisin ko sana ang kamay ko ng hawakan niya ito at pinalupot sa kanyang braso.

“Picnic tayo?”

“Yes Papa”

“Hey, ‘yung kamay ko” Na sabi ko na lamang dahil ayaw nito pakawalan ang kamay ko.

“Then, let's go somewhere”

“Why?” Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

“May alam akong magandang place para sa picnic”

“Hindi nga?”

“Promise”

“Sige tara na” Saad ko at inaya ang mga bata na pumasok sa sasakyan.


━━━━━━━━━━━━━━━

Don't forget to vote or comment. Thank you!

A E S T R I A R Y A

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon