C H A P T E R T H I R T E E N

646 9 0
                                    

“Starlla lumabas ka gaan!” Napabangon ako ng wala sa oras ng may kumakatok ng malakas sa pintuan.

Tumayo kaagad ako at pinagbuksan ito.

Pagkabukas ng pinto ay nakaabot ako ng malakas na sampal.

“Ikaw! Kanina pa ako sigaw ng sigaw hindi ka man lang gaan lumalabas?! How dare you to make this things huh?!” Napakagat na lang ako ng ibabang labi sa sobrang hapdi ng pisngi ko.

“You can make me pay you were monthly payment”

“Uhm wait lang po kukuha ako” Saad ko at tinalikuran siya.

Dumiretsyo ako sa pinagtataguan ko ng pera sa cabinet at kinuha ang pera sa wallet. Nang makuha ito ay kaagad ko itong binayad sa may ari.

“Magbabayad ka rin naman pala. Pinapasigaw mo pa ako” Saad nito habang nagbibilang ng pera.

Tinalikuran ako nito na siyang pag kita ko sa mga nakakalat sa harapan. Puro basura ang nasa harapan ng bahay ko na mayroon pang mga diaper ng bata.

“Ate kaninong kalat po ‘yung mga naangan? Bakit po nasa harapan ng bahay ko?” Tinignan ko ang may ari ng bahay at nakitang tumigil ito. Tinignan niya ako at tumingin sa tinutukoy ko saka tumingin ulit sa akin.

“Nasa harapan ng bahay mo kaya sayo ‘yan” Saad nito sa galit na boses at tinarayan pa ako.

Sa huli ay nilinis ko na lang ang mga kalat.

Wala pa ako sa tatlong buwan dito sa bahay pero ‘yung hirap na pinapadanas sa akin akala mo’y hayop lang ako na inaalagaan at binabastos.

Sa lupang tinatapakan ko ngayon, wala akong karapatang ipagtanggol ang karapatan ko at ang pamumuhay na dinanas ko sa kanya.

Pagkatapos kong maglinis ay pumasok ako sa loob ng bahay at inayos ang mga paninda ko. Last week lang ako nag umpisang mag benta, binabad ko pa kasi sa araw ang mga saging. Malaking pasasalamat na lang at hindi napapakelaman ng kapitbahay.

Sa unang benta, naka lima lang ako pero ok lang naman dahil sapat na siya para makabili ng mga vitamins ko. Sa mga nagdaang araw den naman ay tumaas taas na. Buti na lang at nakikilala pa ako sa facebook.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumonog ito.

Tinignan ko ito at napangiti ng mabasa ang pangalan ni Lexus. Ang bunsong kapatid ni Caspian.

From: Kuya Lexus

Starlla, pabili ako banana chips

10 pieces okay?

To: Kuya Lexus

Sige, kita ulit tayo sa park.

Ay ano oras ba dapat?

From: Kuya Lexus

Ikaw bahala, text mo na lang ako kapag nakapunta kana.





Lexus!” Sigaw ko at kumakaway kaway pa kay Lexus na ngayo'y nakasimangot na nakatingin sa akin.

Pagkapunta ko sa table na sinerve niya para samin ay nilapag ko ang 10 pieces ng mga banana chips na nakalagay sa zip lock pouch.

“Good afternoon Lexus” Saad ko at umopo sa katapat nito.

“Ang sabi ko Kuya Lexus ang itawag mo sa akin kasi mas matanda ako kesa sayo” Saad nito at ginulo ang buhok ko.

“Magkano lahat?”

“600”

“Ang laki naman. Dapat binabawas mo pa ‘yang 60 pesos na presyo ng tinda mo”

“E malulugi nako non, ang dami na ngang laman nyan” Saad ko at tinuturo pa ang mga banana chips ko.

“O siya ito, keep the change” Saad nito at ibinigay sa akin ang 1,000.

“Sure ka?”

“Yes and alam kung need mo ‘yan kasi hindi ka sinusuportahan ng kambal ko” Sa sinabi nito ay naalala ko si Caspian.

       Kamusta na kaya siya? Sana masaya sila.

Nalungkot ako ng pumasok sa isip ko ang imahe na masaya silang magkakasama.

Wala na akong update sa kanya dahil nga sa binalock ko siya sa mga social media accounts at hindi naman kine-kwento ni Lexus.

“Hoy kanina kapa”

“Ay sorry” Saad ko at napatawa ng mahina.

“Ano pala ‘yun?”

“Kita mo ‘to, hindi nakikinig” Tinawanan ko na lang siya saka kinorut sa pisngi.

“Masakit ‘yun. Siguraduhin mo lang na kamukha ko ‘yung kambal huh, para naman may kapalit ang mga kurot mo sakin” Sa pangatlong pagkakataon ay tinawanan ko na naman siya.

“Kamusta na pala ‘yung kambal?” Tanong nito na ikatigil ko sa pagtawa.

“Ok lang naman, healthy daw sila sabi ng doctor”

“Very good” Saad nito at nag like zone pa sa harapan ko na ikangiti ko.

“Anyway, may magaganap kasi na event sa work ko and gusto ko na mag order ng 100 pieces ng banana chips para matikman naman nila kung gaano kasarap ‘yung banana chips mo. Then, para ma i-promote ko rin sa kanila. Don't worry, next next week pa naman”

“Talaga ba? Nako maraming salamat”

“Wala ‘yun, basta for you and for my niece. I’ll do everything”

Napatawa kami pareho sa sinabi niya.

Napatigil lang kami sa pagtawa ng tumonog ang cellphone nito.

“Ay teka lang may tumatawag” Saad nito at iniwan ako.

Si Lexus ang unang taong tumawag sa akin nong time na nalaman ko na buntis pa ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero malaki ang pasasalamat ko na alam niya dahil siya ang nalapitan ko nang walang wala ako nong mga nagdaang araw. Naabutan kasi ako ng time na naubos na ang mga pera at kailangan na uminom ng vitamins para sa pagbubuntis ko. After that, parang siya na talaga ang tumayong ama dahil nga sa lagi niyang gusto na update siya sa mga check up ko at lagi ako pinapadalhan ng mga gamit at kailangan para sa mga bata. Walang namamagitan sa amin kaya nakakatawa diba? Kapatid na siya ng ama pero siya ang sumusuporta. Sabagay, kasalanan ko naman dahil iniwan ko siya.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya makabalik. Nang ito'y makabalik ay inaya na ako nito umuwi.

Pag uwi ay hinatid pa ako nito sa loob ng bahay at bago siya umalis ay sinigurado niya muna na nakainom ako ng vitamins at nakakain ng maayos.

From: Kuya Lexus.

Pagdating ng month mo, umalis kana gaan. Ako na bahala sa bahay at kakailanganin mo.

Napangiti na lang ako ng mag text ito.

Hays, sana nga ganun lang kadali ang makalipat.

Mahihirapan kasi ako kung mataas ang rent sa bahay.


━━━━━━━━━━━━━━━

Don't forget to vote or comment. Thank you!

A E S T R I A R Y A

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon