C H A P T E R F O U R T E E N

650 8 0
                                    

“Grabe ang expensive”

“From now on, dito na kayo titira ng kambal” Saad ni Lexus at ito'y ngumiti sa akin.

“Ang expensive ng mga gamit dito, wala akong pang bayad”

“Anong pangbayad? Nagsabi ba ako na magbabayad ka dito?” Nameywang ito sa harapan ko at tinaasan ako ng kaliwang kilay.

“Wala”

“So wala kang babayaran even electricity, groceries, water or anything na nasa bahay na ‘to ay wala kang babayaran”

“Pero kasi sobra na ‘to, hin-. .”

“Shh isipin mo na lang na ginagawa ko ‘to para sa kambal” Saad nito at tinakpan pa ang bibig ko ng kanyang kamay.

“Nanay Melya pakidala ng mga gamit ni Starlla sa kwarto” Tinawag niya ang isang matandang yaya na kaagad naman lumapit sa amin at kinuha ang mga gamit ko.

Nang makaalis si Nanay ay inaya naman akong mag hapunan sa garden.

“Grabe naman talaga, mala hacienda”

“Hacienda naman talaga ‘to”

“Talaga ba?”

“Oo meron ngang kabayo banda doon”

“Tara rides” Aya ko at maglalakad na sana ng mag salita ito.

“Nagpapahinga na sila”

“Sige”

“Upo kana ulit” Sinunod ko ang gusto nito at umopo sa harapan niya.

“Bakit pala dito mo ako dinala?”

“Bakit ayaw moba?”

“Hindi naman, nagtataka lang ako” Saad ko at iniling iling pa ang ulo. Baka kasi mag isip ng hindi maganda.

“Dito kasi kami lumaki nila Kuya and si Nanay Melya ‘yung nag alaga sa amin then pinunta kita dito kasi para si Nanay Melya ang mag alaga sa inyo at para na rin dito lumaki ‘yung mga bata. Magkakaroon na kasi kami ng pamilya kaya hindi na namin ‘to mapapansin”

“Paano kung pumunta dito ‘yung panganay? Sabi sakin ni Caspian, mafia daw siya”

“Ah oo, masungit ‘yun pero parang hindi na rin naman na kasi busy na siya ngayon sa pamilya niya. Doon sila sa kabilang hacienda nakatira” Saad nito at tumawa pa ng mahina.

“Ay taray hacienda”

“Anyway, kamusta na kayo ni Caspian? Nag uusap  pa ba kayo?” Saad nito sa ma seryosong boses.

“Hindi na at shaka ayuko den kasi balak kong itago ‘yung kambal”

“Bakit naman?”

“May pamilya na siya at shaka ayokong maging pabigat sa kanya”

“Bakit ka naman magiging pabigat e anak niya naman ‘yang dinadala mo” Saad nito at kumain ng french fries.

“Oras niya pa lang kasi sa pamilya niya kulang na at hindi na halos kami mapansin. Thankful na lang at alam niyang nakunan ako kasi hindi niya rin naman kami maasikaso. Yes mabibigyan niya kami ng mga needs namin pero Lexus, hindi naman ‘yun kailangan ng kambal” Saad ko.

“Naiintindihan mo ba ako?” Tinongoan lamang ako nito habang masayang kumakain.

“So you're main reason is ayaw mong makihati ng attention hahaha mas important kaya kayo kasi manganganak ka pa lang tapos hindi mo kayang alagaan ang mga bata kasi sanggol pa lang”

“Hayaan muna, respect my decision na lang. I know naman na selfish na ‘tong ginagawa ko pero Lexus, ayuko ng napipilitan siyang bigyan kami ng attention. Like what if mapunta sa hospital ‘yung panganay tapos kailangan den siya ng kambal. O diba, mahahati attention niya samin na parang napipilitan lang” Sagot ko at pinaglaruan ang bulaklak na nasa vase.

“Okay I understand na pero ipaalam mo rin sa kanya soon ‘yung about sa kambal kasi he is a father, responsibility niya na maalagan at suportahan ‘yung mga anak niya at shaka parang hindi naman valid reason mo kasi nagagawan naman ng paraan ‘yan”

“Sorry”

“It's okay I understand, siguro kung ako nasa kalagayan mo, maiintindihan ko at gagawin ko ‘yan kaya ok lang ‘yan pero hindi valid ang reason huh”

“Sorry”

“Ok lang ‘yan, dito na lang kayo tumira pansamantala ng mga bata para kahit paano na susuportahan ko mga pamangkin ko” Saad nito na may kasamang kindat na ika role eyes ko.

Tinawanan lamang ako nito at tumigil lang siya sa kakatawa ng may tumawag sa kanya.

“Sagutin ko lang”

Umalis ito sa harapan ko at ng ito'y bumalik ay nagpaalam na siyang uuwi na sakanila dahil nga daw sa family dinner.





Mabilis lumipas ang ilang araw at ngayo'y nandito na ako sa kwarto. Nagpapahinga dahil kakatapos ko lang ipa-breastfeeding ang kambal. Sobrang hirap kasi dalawa sila at wala akong katulong. Tulog na kasi si Nanay Melya.

Si Nanay Melya ang naging taga alaga ng kambal kapag wala ako o di kaya’y nagpapahinga. Sa ngayon ay pinagpapahinga ko muna ito kasi nasa 70s na siya at kailangan niya rin ng pahinga.

“Hays” Napabangon ulit ako ng umiyak ang isa sa kambal hanggang sa sila ng dalawa ang umiyak.

Tamad akong tumayo at inasikaso sila.

Ang hirap nilang patulogin dahil kung iiyak ang isa, iiyak na rin ang kambal niya.

“Sleep na, mama loves her twin” Saad ko habang pinapa breastfeeding ko sila.

Napangiti na lang ako ng makita ang tangos ng ilong nila at ang kulay ng kanilang mata na mana pa sa ama, kulay blue. Kamukha den nila ang kanilang ama, siguro ang nakuhawa lang sa akin ay kulay brown na buhok. Wala akong half na lahi pero ganito kulay ng buhok ko, pati na rin sa mga kapatid ko.

Napatingala ako ng maalala ang mga kapatid ko. Ilang buwan ko na kasi silang hindi nakikita at nakakasama. Sana nga at hindi sila sinasaktan don na katulad ng ginagawa sa akin.

“On this day, Mama will protect both of you para hindi kayo mawala sa tabi ko” Saad ko at napangiti.

Sa mga lumipas na araw ay patuloy ko pa ring inaalagaan at ginagabayan ang kambal. Tuwang tuwa nga ako ng makita silang nag lakad pero sa mga nag daang araw na ‘yun ay hindi ko pa napapakita ang kambal sa kanilang ama.

Nang tumongtong ng 3 years old ang kambal ay pumunta kami ng birthday party ng Nanay ni Caspian.


━━━━━━━━━━━━━━━

Don't forget to vote or comment. Thank you!

A E S T R I A R Y A

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon