C H A P T E R T W E L V E

639 12 1
                                    

January 20 ****

Dear Hubby,

Hello to my husband, and good morning!Today is a day filled with mixed emotions, but I just wanted to say that I love you so much, and I'm sorry if I need to leave you temporarily. It's a difficult decision, but I believe distancing myself is necessary for the well-being of your family and for us.

You're beloved wifey,
Starlla


Tinupi ko ang letter saka ko ito idinikit sa note ng refrigerator namin.

Pagkalagay ko ay nag madali na rin akong lumabas at sumakay ng kotse na pina grab ko.

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang bahay namin ni Caspian.

I will not forget you because you're someone who makes me feel like I'm important. Maybe we are not meant for each other, but in a world of my imagination, I'll be someone you care for, love, and consider a priority. Your presence lingers in the echoes of memories, reminding me of the warmth of your affection and the depth of our connection.




"5,500 kada month. Hindi pa kasama doon ang kuryente at tubig huh" Saad ng may ari na inuupahan kung bahay.

"Sa ikatlong linggo ng febrero ko kukunin 'yung monthly payment mo" Saad pa nito at ibinuga sa akin ang usok ng sigarilyo niya.

"Opo"

"O siya, maiiwan na kita"

Hinintay ko itong maka alis sa harap ko bago pumasok ng bahay.

Pagpasok ay nilibot ko ang paningin sa paligid. Maayos naman ang bahay, kumpleto den ang sa kitchen at may kama na rin. Ang kaso mahal ang upa, pero wala akong magagawa dahil ito lang ang nakita kung mura. Well, mag a-asam pa ako ng murang rent ng bahay e sa ngayong panahon na ito ay hindi na uso ang mababang presyo.

Isinara ko ang pinto saka ginawa ang mga kailangan. Nang matapos ay binagsak ko ang sarili sa kama sa sobrang pagod.

"Hays paano ba ako mag uumpisa?" Tanong ko sa kawalan. "Aytss" Na sabi ko na lang at saka sinuntok ang unan na nasa tabi ko.

"Bakit ba ganito takbo ng buhay ko? Pumatay ba ako ng tao para parusahan ako ng ganito. Hindi ko deserve ng ganitong buhay!" Napaiyak na lang ako sa sobrang hirap na hirap ako.

Iniwan ako ng pamilya ko at wala na rin si Caspian. Pati na rin ang kambal na anak ko. Ano pa ba magiging silbi ng buhay ko kung lahat na lang na nasa paligid ko ay mawawala ren naman sa tabi ko.

*Tok tok.

Napabangon ako ng de oras ng may kumatok.

Tumayo ako at saka binuksan ang pinto.

"Huwag kang sumigaw sigaw huh, hindi sunroof 'yang bahay ko"

Tinalikuran ako nito ng matapos akong tarayan.

"Kasalanan mo 'yan" Saad nito bago ako iwanan.

Pumasok na lang ako sa loob ng tulala. Hindi alam kung ano gagawin at anong ipla-plano.

Kasalanan ko pa ba na mabuhay sa mundong 'to? Hahaha siguro nga.




"Magkano po isang kilo ng sitaw?"

"80"

"Po?" Ang mahal naman ng 80 na 'yan.

"80 po"

"Uhm pabili ng 30 pesos lang"

Maya maya lang ay inabot ng tindera ang plastic na mayroong sitaw na ikabayad ko rin naman sa kanya.

Pagkatapos bumili ng sitaw ay bumili na rin ako ng iba pang gulay para pang restock sa bahay.

May pera pa naman ako galing sa pa-sahod ng starbucks.

"Bumili na kayo ng saging!" Nakuha ng attention ko ang sumigaw na bata. Dali dali akong pumunta sa kanya at bumili ng saging.

Makalipas ang ilang oras ay umuwi na rin ako.

Pagkauwi ay una kung tinikman ang saging saka nanood ng tv.

"Ang tanong Ms. Sanchez, ano ma re-recommend mo sa mga walang hanapbuhay ngayon?"

"Hmm, ang ma re-recommend ko lang ay pwede silang mag simula ng business sa maliit na paraan like sa mga pag ti-tinda, pagtayo ng karinderya o kaya pag benta ng mga fruits like banana"

Kaagad akong napatingin sa hawak kung saging ng ma i-recommend 'to.

"In that ways, magkakaroon sila ng malaking kita"

"Malaking kita?" Bulong ko at pinagmasdan ang saging.

What if mag tayo ako ng business about sa banana chip?

"Kung walang pag asa, may paraan pa rin naman. Kami ang Diocast at magbabalik pa"

Napangiti na lang ako ng maisip ang pag tayo ng sariling business.

Kaagad akong tumayo at kumuha ng notebook saka gumawa ng plan flow.

"Ayan, bibili lang ako ng maraming saging at kung lumaki man kita then magtatayo ako ng karinderya" Sabi ko sa kawalan at napangiti.

"Aww" Napahawak ako sa tummy ko ng sumakit ito.

Tinignan ko ito at hindi pa ito flat. Kakawala pa lang nila at hindi pa sila na aalis sa tummy ko kaya ganun pa rin ito kalaki.

"Sorry, wala pang pera si mama para ilabas kayo dyan" Saad ko at hinimas himas ito. Day 3 pa lang naman ng malaman ko na nakunan ako. I know it's bad for my health na hindi kaagad sila ilabas pero anong magagawa ko? Wala akong pera pang bayad. Ayuko naman umasa sa tatay nila dahil iniwan ko naman na siya.

Tinignan ko ulit ang notebook na pinagsulatan ko ng magiging plano.

"Aray" Napahawak ulit ako sa tummy ko at napatingin dito kasi sumakit ulit ito.

"Huh?" Na sabi ko na lang ng parang may munting paa ang bumakat sa tummy ko. Naka sports bra lang kasi ako ngayon kasi nga mainit at nagtitipid ako ng kuryente.

Sa pangalawang pagkakataon, nakita ko ulit ito. Hindi na isa, sunod sunod ito na parang apat ang paa.

Napatakip ako ng bibig ng marealize na buhay pa pala ang kambal sa tummy ko.

"No, Starlla you have to make sure first okay? Baka lumikot ka lang kaya bumakat"

Nalungkot ako sa nasabi ko dahil, what if nga malikot lang ako?

But I need to make sure about it kasi paano na lang kung buhay nga? Edi kasalanan ko pa kapag hindi ko sila napapa check up.

Dali dali kung kinuha ang cellphone ko at nag research kung buhay ba ang baby sa tummy kung may sumisipa.

Then, meron nga daw.

Nag madali akong mag bihis at saka nag madaling lumabas para mag pa check up. Umaga pa naman kaya makakaabot ako sa center.

Pagdating ko ay saktong ako pa lang ang unang nag pa number. Malaking pasasalamat ko na lang na madaling araw akong nag palengke kaya nakaabot pa ako sa center ng maaga.

Nag daan ang ilang minuto at ako na ang tinawag.

Pumasok ako sa isang kwarto at nag pa consult about sa nangyari. Kinuwento ko rin kung bakit ganito ang reaksyon ko, ano pa ba nga? E sino ba namang sinabihan ng nakunan ka pero may sumisipa pa rin sa tummy.

Chinicheck ako ng doctor at sinusunod ko lang s'ya hanggang sa makalipas ang ilang minuto.

"Hindi ka nakunan miss, buhay po ang kambal at malusog sila" Sabi sa akin ng doctor na ikaiyak ko. Tears of joy kung tawagin.

━━━━━━━━━━━━━━━

Don't forget to vote or comment. Thank you!

A E S T R I A R Y A

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon