C H A P T E R O N E

1.9K 28 0
                                    

"Señorita Starlla” Napatingin naman kaagad ako sa sumigaw at kinuotan ko ito ng noo.

Yumoko ito bilang paggalang at tumingala para makita ako. Nasa bandang hagdanan kasi ako at pababa na.

"Pinapatawag po kayo ni señorito” Tumongo ako sa sinabi nito at saka pinagpatuloy ang pag baba sa hagdan.

Pagkababa ay sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang kusina.

Nakita ko dito si Caspian na nakacross ang mga kamay sa dibdib at muka itong inip na inip.

“Sit”

Kaagad naman akong sumunod sa inutos nito pero hindi ako banda sa harapan n'ya umupo.

"Sit in front of my chair" Sabi nito at tinuro pa ang kaharap nitong upoan. Wala akong nagawa kung ‘di sumunod na lang dahil baka saktan ako.

Napalunok na lamang ako ng pagsilbihan kami ng mga yaya n'ya pero kinuha ko na lang ang kutsara at tinidor.

Nang matapos kaming paghandaan ay agad kong sinimulan ang pagkain.

Kumain lamang kami ng tahimik dito sa loob ng kusina at ng maubos ko ang pinagkainan ko ay tumayo na ako at maglalakad na sana ng may tumawag sa akin na ikatigil ko.

"Eat" Saad nito na kaagad ko namang sinunod.

Bumalik ako sa pinagupoan ko at nag simula ulit kumain.

Katulad kanina ay tahimik lang din akong kumain habang s'ya ay ganun din. Nang matapos ako sa pagkain ay napatingin ako sa kanya dahil bigla itong tumayo.

"Follow me" Sa pagkasabi n'yang ‘yun ay ibinaba n'ya ang napkin na pinang punas n'ya sa bibig.

Dali dali naman akong napainom ng tubig at nag punas ng bibig bago sumonod sa kanya.

Nag lakad ako papunta sa kung saan s'ya dumiretsyo pero paglinga ko sa kanan ay hindi ko na s'ya nakita.

        Nasaan na s'ya?

Napabaling ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sofa at deretsyong nakatingin sa kung saan.

Tinignan ko ang tinitignan nito at may nakitang glass door. Mula sa malayo ay natatanaw ko ang napakaraming uri ng bulaklak.

        Ang ganda.

Iba't ibang uri ng mga bulaklak ang nakikita ko pero sa tingin ko ay pag pumunta ako doon ay para akong nasa fairy place dahil sa dami ng iba’t ibang uri ng bulaklak na nakapalibot sa paligid at may mga upuan don na luma pero sa tingin ko naman ay hindi ‘yun basta basta masisira dahil sa tingin ko rin naman ay matibay ang mga iyun.

Malaking malaki ang glass door kaya tanaw na tanaw ko ang mga ito.

Hindi ko na malayang nasa tapat na pala ako nito.

Gusto kong pumasok pero hindi pwede dahil hindi naman sakin ‘tong bahay.

“Ehem” Nabaling ng pansin ko ang lalaking tumikhim. Kinoutan ko naman kaagad ito ng noo.

“Gusto mong pumasok sa garden?”

“Pwede ba?” Kaagad na tanong ko.

Tumayo ito at nilagpasan ako.

Pumasok ito sa tinutukoy n'yang garden at lumingon sa akin.

Sumunod ako sa kanya at naupo sa tabi nito.

Ngayon ay parehas na kaming nakaupo sa sahig at tinatanaw ang buwan.

"I have a request" Basag nito sa katahimikan.

CBS 2: The Billionaire's Obsession  ( UNEDITED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon