SPECIAL CHAPTER

17 3 0
                                    

A/N : At first, the special chapter is supposed to be just in the book but I decided to post it here. I don't want to be selfish. Hehe. Happy reading!

_____________________

Zion Oliver

Years passed by. Our family grew stronger and happier. I and Jared are already married when JZ turned 2. On the other hand, JZ is already in highschool and already completing her Junior High School. Masasabi kong ang swerte namin sa part na hindi siya lumaking ikinakahiya kami ni Jared, instead, she grew up as a beautiful, bubbly, confident and brave woman.

Today marks her special day. Completion na niya at kakatapos lang ng program. Hindi siya nakasabay sa amin pag-uwi dahil may dadaanan pa raw muna siya, her bestfriend. We all gathered at the doorway when someone signaled us. When the door opens, I raised the banner I’m holding.

“Congratulations!” We all shouted as loud as we can.

JZ’s face automatically turned into a smile. “Thank you everyone but I told you, no need to do this. Your presence is enough.” She came closer to me and hugged me. “Hi, Dada.”

“You deserved it, though.” Jared also came closer. “Blow it.” Inilapit niya ang cake na hawak niya. The word Happy Graduation was written on it. After JZ blew the candles, we all clapped and cheers.

“To the dining room!” Biglang sigawan nina Asfyl at ang anak ni Pia na si Klyrum. Dito na lang kasi pinagsama-sama ang graduation party para sa kanilang tatlo.

I saw Rys shook his head because of Asfyl and Kly’s behavior. Gerysaelle is really mature now. Parang dati, bulol bulol pa siya. I laughed inside of my mind sadly because of what I’ve thought. Naiimagine ko pa lang na unti-unti nang lumalaki si JZ ay mas natatakot ako na baka lumayo na ang loob niya sa amin. Nagma-mature na rin siya at alam kong maiimpluwensiyahan rin siya ng mga kaibigan niya. But still, siya pa rin ang baby namin ni Jared. Pero, si Jared talaga ang baby ko, kidding!

AFTER the celebration, nagpaalam na ang mga mag-asawa na uuwi na.

“Bye, Tito, Tita. Thank you for the gift!” Pahabol ni JZ bago umalis ang kotse. “What’s with the worried face, Da?”

“Your dada is just sad because your already growing.” Inunahan na ako ni Jared na sumagot kaya naman hinampas ko siya. “Ouch! Nananakit ka na ngayon, ah?” Reklamo niya.

Bumaling ako kay JZ, “Baka kasi dumating ‘yong time na mas pipiliin mo nang kasama ang mga kaibigan mo kaysa sa amin ng Daddy mo.”

Pumunta siya sa akin at niyakap ako. Naglalambing. “Dada, it’s normal for a teenager like me but,” She paused, “Sa inyo pa rin ako uuwi. I promise, I will spend time with my friends but I will spend more time with you. “Don’t be sad.”

“Yeah, don’t be sad.” Jared mocked her which causes us to laugh hard. Ang cute cute niya talaga kapag ginagaya niya si JZ.

“Nak.” I called her. “Alam mo na ang gagawin.” I winked at her as a sign.

“No, no, no, no.” Ja raised his hands. Naghahanda nang tumakbo.

“Attack!” Sabay naming sigaw ni JZ at hinabol na si Jared.

Being gay and falling in love with the same gender as you isn’t a problem. Judgemental society is the problem. Maaaring kapwa natin ang manghusga sa atin at ang mas masakit at may mga pagkakataon rin na kadugo pa ang manghuhusga sa atin, which is mas masakit sa parte natin

Ngunit sa parte ko, masasabi kong pareho kong naranasan iyon. No’ng nakilala ko si Jared at naramdaman ko na nahuhulog na ako, natakot ako. Natakot ako nang maisip ko na baka husgahan kami agad. Natakot ako na baka hindi kami matanggap ng parents niya at ng kapatid ko. But I took the risk … which hurts me more dahil alam kong buntis noon si Ysa at ang alam namin ay si Jared ang ama. Nasaktan ako, siyempre, pero naisip ko, anong magagawa ko, ‘di ba?

Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana. Sinusubok talaga kami nito. Nagkita at nagkasama kaming muli, naging masaya, nagkaroon na naman ng problema at nagkahiwalay. Ang mas masakit ay hindi ko siya naalala man lang no’ng una naming pagkikita. But, when a heart mets another heart, it will really beats faster than what I’ve thought. Iba ang pakiramdam ko nang nagkadikit ang mga kamay namin noon. Muli, nagkasama kami ulit at this time, sinigurado na naming kami na hanggang huli. Judgemental society? Hindi na namin pinapansin ‘yan. Alam na namin kung paano ihandle ang relasyon at ang pamilya namin nang hindi nagpapaapekto sa mga tao. Siguro, isa na iyon sa mga natutunan namin. Ang huwag pumatol sa mga taong mapagkutya.

Kaya ngayon, kahit anong mangyari, iingatan ko ang pamilyang ito dahil sigurado na akong sila na ang makakasama ko hanggang sa kahuli-hulihan ng buhay ko. Dahil sa pagtangka kong pagkitil ng aking buhay noon, nakilala ko ang buhay ko ngayon.

That time, I really knew that it was the right time to fall.

Right Time To Fall ( PIP BL COLLABORATION )Where stories live. Discover now