Chapter 5. Painting

496 26 0
                                    




Gamit ang matutulis na bagay ay maingat niyang tinangal ang dalawang mata nito. Hindi pa siya nasiyahan sa ginagawa at hiniwa ang bahaging gilid nang labi ng biktima.

"You don't deserve to live." He silently said, smiling, slicing the part of the lifeless victim's face.

"I will sell all your organs, especially your eyes and heart. Be useful instead before you rot in hell," huling bulong niya sa biktima.

Gusto niyang matawa nang malakas pero ayaw lumabas nito sa bibig niya. Kaya tanging ngiti na lamang ang makikita sa mukha niya.

He seems happy, looking at the smiling face of his lifeless victim.

.

Mabilis kong naimulat ang mga mata at ang maliit na ilaw sa gilid ng kama ang unang natitigan ko. Napabangon ako.

Anong klaseng panaginip iyon? Nanaginip ako.

Kinuha ko ang tubig na nasa ibabaw ng maliit na mesa rito. Ininom ko ito. Bakas pa din ang kaba sa puso ko, pero unti-unti nang kumalma ito.

Why that dreams seems real. Parang totoo, dahil magpahangang ngayon ay bakas pa rin sa isipan ko ang preskong mukha ng biktima at ang madugong mukha niya. Pero sa kabila nito, ay nakangiti ito at ito ang mas nagpataas ng balahibo ko.

My god, Sylvi. Put it away and throw that dream somewhere in the back of my mind.  Isip ko. Ayaw ko itong isipin pero paulit-ulit lang itong tumatak sa isipan ko.

I walk back and sat down on the side of the bed. I need to forget it.  Hindi naman sa hindi ako sanay sa mga ganitong eksena dahil ito naman ang madalas na binabasa at pinapanood ko.

I love to write romance. Ilang romance na ba ang naisulat ko? Marami na. Pero sadyang mahilig ako sa mga madugong estorya at pinapanood pa ito.

I love how twisted the story is, and it gives me the utmost interest in that field.

Saludo ako sa mga writers na may kakaibang imahinasyon pagdating sa mga bagay na ganito. Na parang totoo.

Napabuntonghininga ulit ako sa sarili at naalala ko lang ang maliit na papel sa mga lumang gamit ni Alessandro. Ito yata ang nagpapagalaw sa kakaibang imahinasyon ko. Ito ang dahilan nito.

Alas tres 'y medya pa, kaya mas mabuting matulog na muna.

-

"Good morning, Sylvi," masiglang bati ni Nanay Austria. Siya ang unang namataan ko sa magarbong kusina ng bahay na ito.

"G-good morning po, Nay," ngiti ko. Humakbang ako palapit sa kanya at kinuha ang isang tasa mula sa kampunan nito.

Today is the weekend and the last week of the month. Naalala ko lang na sa ganitong araw bumibisita si Nanay Austria rito.

Nagluluto siya at mukhang pang-isang linggo ang ginagawa niya. Nakalapag ang maraming bakanteng plastic container at dalawang malalaking kaldero ang nakasalang sa gas. May iilan pa siyang niluto sa loob ng oven.

"I have to cook a lot starting today," ngiti niya sa akin. Naupo na ako at ininom ang kape ko.

"Here, try this. And tell me, what do you think?" Lapag niya sa lemon slice. Tinikman ko agad ito.

"Hmm, masarap, po."

"Good." Tumalikod siya at mabilis ang bawat kilos niya sa ginagawa.

"Nay, ilang taon na po ba kayo?"

"I'm on my fifties, dearie. Soon, I will be sixty," sagot niyang hindi humarap sa akin. Abala kasi ang mga kamay niya sa ginagawa. Natahimik lang din ulit ako.

The Happy Prince ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon