I felt out of place while Edward's smile couldn't escape from his face. I wish I should not come to him when he invited me for dinner. But I couldn't say no as I wasn't given a choice.
Ang buong akala ko ay kami lang pero mali, dahil nasa isang maliit na pagtitipon kami at halos lahat nang nandito ay kilala siya.
If Alessandro is known for being famous because of his novels, Edward is the same. But he's more into politics like his father.
Ininom ko na ang white wine at pekeng nakangiti sa lahat. Gusto ko nang umalis at bumalik sa mansyon ni Alessandro, pero hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos ito dahil mukhang mahaba pa sa tingin ko.
Sumenyas si Edward sa akin at nakangiti akong tumango. Isang pormal na lalaki at ma-impluwensya sa tingin ko ang kausap niya at mukhang importante ito dahil pasimple ang pagtalikod nilang dalawa palayo sa karamihan.
I took a deep breath and walked towards the balcony outside this grand hall. No one seems familiar to me, and not even Uncle Estefan is here. And speaking of him, he called me earlier to say that Alessandro was looking for me.
What's the point? Pagkatapos niyang mawala nang gabing iyon at hindi nagpakita kahapon ay kinakabahan ako sa magiging tanong niya.
The story still bothers me. I want to forget about it, but like a mystery in a crime movie, I want to have an answer to it.
Alam kong mahihirapan lang ako, at sana ay hindi napansin ni Alessandro ito.
Lumingon akong muli sa grand hall at hindi ko na nakikita si Edward. Siguro okay na kung uuwi na lang din ako. Kaya imbes na magpaalam ng personal ay sa cellphone ko na siya tinawagan.
"Edward, I have to go. I'm not feeling well and need to go to the toilet. I think I have eaten something bad," I lied.
"I'll drop you home."
"No need. I will ask Andy to drop me in."
"Okay. I will give him my instructions. I'm sorry, Sylvi. I didn't expect that a lot of people will show up tonight. Nawalan tuloy ako ng oras sa' yo. Nag-enjoy ka ba sa palabas kanina?"
"Oo, at okay lang. . . Salamat ulit," ngiti ko at pinatay ko na ang tawag.
Andy is Edward's personal driver. I've met him twice, and he's okay. Filipino siya, at mabait sa lahat.
Nakalabas na ako at ang nakangiting mukha ni Andy ang sumalubong sa akin. Pinagbuksan niya agad ako ng pinto.
"Salamat, Andy."
"Diretso na po ba tayo, Miss Sylvi?" Sabay andar niya sa sasakyan.
"Oo, inaantok na kasi ako. Ang boring. Kahit ang palabas ay boring." Ngiwi ko.
I feel confident telling him what's inside my mind without a filter. Kasing edad niya si Tiyo Estefan at nagpalaman ko kay Tiyo na may tatlong anak siya. Nasa Pilipinas silang lahat. Bahagya siyang natawa at napailing na.
"Kaya ayaw ko sa mga pagtitipon. Mas masaya akong nasa labas at naghihintay. Nakikita ko kasi ang bawat bisita na pumapasok at umaalis. Nakikita ko rin ang mga damit nila at kung anong uri sila sa lipunan. Nawawala ang antok ko." Iling niyang nakangiti.
I nodded and did the same. I bet it's more fun watching them than watching nonsense inside.
"Kumain ka na ba, Manong?"
"Tapos na."
"Manong, ilang taon na po ba kayong naninilbihan kay Sir Edward."
Ngayon, pormal na ang tawag ko sa pangalan ni Edward. Ayaw ko kasing isipin nila na iba ako, dahil katulad din nila, emplyedo rin ako rito.
"Tatlong taon na. Pinalitan ko lang ang matandang driver ni Sir Edward noon. Nag-retire na siya, si Mr June. Labing limang taon din iyon nanilbihan sa pamilya."
"Mabait ba si Sir Edward sa' yo, Manong?"
"Oo, mabait at galante," ngiti niya. "Ikaw? Mabait ba ang amo mo?" titig niya sa akin, pero saglit lang din ito dahil binalik niya ang mga mata sa pagmamaneho.
"Oo, mabait naman po. Pero minsan, iba ang ugali. Ganoon na yata siya ano?" Seryosong titig ko kay Manong at mahina siyang tumango.
"Tahimik kasi si Sir Alessandro, Miss Sylvi. Wala akong masyadong alam sa kanya. Pero magaling siya. Hindi ko man nababasa ang mga gawa niyang nobela tiyak maganda ang mga ito."
Napatango ako at natahimik lang din. Pinikit ko na ang mga mata at hindi na nagsalita.
"Maganda, Manong, at magulo. Huwag mo ng basahin," pagbibiro ko. Napangiti lang din ako.
Natahimik na kami at ang ngiti lang din ni Manong ang nagpangiti sa akin. Hanggang sa makarating na kami sa mansyon ni Alessandro.
"Salamat, Manong." Sabay kaway ko at pinagmasdan lang siya hanggang sa mawala ang puting sasakyan niya.
Naiwan akong tahimik at natitig sa mansyon ni Alessandro. I know he's home and probably doing his writing again. Wala na rin akong trabahong bago dahil natapos ko na ito. Maliban nga lang kung bibigyan niya ako ng bago.
Umisang hakbang ako para sana makapasok sa loob, pero nahinto lang din nang lumitaw sa isip ko ang eksena ng gabing iyon.
I promised myself not to get involved, but I couldn't ignore it, and it seemed like someone was calling me to return to that place.
I look back, towards where the winery part. Sa parting ito ang short-cut patungo sa kung nasaan ang malaking puno na malapit sa ilog.
There were no opening doors nor clues when I was there searching for something.
I took a step and shut my eyes, not because I wanted to get inside, but because I was now walking towards the place I shouldn't be.
__
The cold wind sends a chilling sensation inside my system. I am now facing the willow tree that looks indestructible in front of me.
It's swaying, slowly creating not so much noise. Now, it hits me that I am stupid at times like this. Because here I am again, trying to believe in what I read.
Nangunot ang noo ko at humakbang ako palapit dito. Muli kong tinigan ang puno at pinagmasdan ang bawat gilid nito.
I am looking for a clue of a hidden door somewhere. Kung hindi man sa gilid ay tiyak nasa ilalim. Napaupo ako at kinapa ang bawat distansya sa lupa.
Tanging maliit na bato o 'di kaya ay ang makapal na imbak ng mga dahon dito ang nararamdaman ko. Hanggang sa may napansin ako kakaiba. At mas kinabahan na ako. Binilisan ko ang kilos at hinukay ito ng konti, hanggang sa tumambad ang sementong bahagi.
Tumayo ako ulit, at tila nagmamadali. Naghahanap ako ng matigas na bagay o sanga na maari kong gamitin.
I grabbed the closest one I got, and it was not that solid, but enough to clear the spaces. I swallowed hard when I realised that the top concrete part is like a thick cover that's been locked and concreted for years.
Hindi na ito basta-basta mabubuksan dahil parang naging imbakan na lang din ng tubig o 'di kaya ay lumang septic tank.
Imposible magkaroon ng septic tank dito dahil wala namang nakatayo rito noon. Tinanong ko ito kay Tiyo at walang konretong tahanan dito.
I looked around the place again, and there was no way that an old house or a shed was standing there. And believe that this willow tree alone has been here for almost a hundred years.
Matanda na ang punong ito, at medyo delikado na nga ang bawat sanga niya. Hindi dapat sumisilong ang isang tao dahil mahina na ang ang bawat sanga. Pero sa kabila ng ganitong hitsura niya ay hindi takot si Alessandro na pumupunta rito at mangisda.
Napatingala ako at abot ang bawat kaba sa dibdib ko. Parang nag-flash back ang bawat eksena na binasa ko sa lumang diary na libro at muling nabuhay ito nang matitigan ko ang malaking puno.
Gumapang ang kakaibang kaba sa likod ko hanggang sa maramdaman ko ito sa leeg na bahagi ko. Namilong ang mga mata ko at nabalot nang matinding kaba ang puso ko nang marinig ang bawat tahol ng mga aso.
Malapit na sila. . . at mukhang naamoy nila ang presenya ko.
.
C.M. LOUDEN
BINABASA MO ANG
The Happy Prince ✅
Mistério / Suspense#7| WICKED WRITERS SERIES| A COLLABORATION Mysterious and suspicious. One witness. One answer. One book. Sylvia Favria set sail to Nairn to start her writing career. She's an aspiring author who wishes to be recognized for her talent. Her genre is...