Enya Captivated Prologue
Tahimik lang akong nag lalakad papunta sa kung saan gusto ko lang mapag isa sa ngayon Wala lang trip ko lang hehehe
Saglit akong natigil ng maka rinig ng ingay kunot noong sinundan ko ito dahil sa kuryusidad
'Nasaan na yung pinagawa namin sayo'
'Tangna naman Nerd ka nasaan na kailangan na namin mamaya yun'
'W-wala ang dami ko kasing ginawa kaya hindi ko nagawa yung pinapagawa niyo'
'Ggo ka pala eh dapat mas inuna mo yun'
'Madami din kasing pinagawa sa amin'
'Nag dahilan ka pa sabihin mong sinadya mo talagang hindi Gawin para bumagsak kami'
'ahh'
Napa kunot ang noo ko nang makita ang apat na lalaki
Hawak ng dalawang lalaki ang isang lalaking may suot suot na malaking eye glasses at ang pangit ng pananamit
Habang ang Isa naman ay nakatayo sa harapan nung nerd na bugbog sarado na at nakaka sigurado akong sila ang may gawa
"Ano?!Akala mo palalagpasin namin toh dahil isa ka sa Nerd Kings?Ang--"
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" kunot noong tanong ko hindi pinatapos yung sasabihin sana nung lalaking naka tayo sa harapan nung Nerd
"E-Enya?" bakas ang Kaba at takot sa Mukha ng mga toh Naglakad ako palapit sakanila
"Yes that's me." naka ngising wika ko rito hindi inaalis ang tingin dun sa nerd na sa tingin ko ay nawalan na ng malay
"Anong ginagawa mo rito?"kinakabahang tanong nito na ikinataas ng isang kilay ko
"Hindi ba dapat ang tanong ko ang sagutin mo?" naka ngiting tanong ko rito sunod sunod ang paglunok nito
"A-ano kasi--"
"Dibale na lang." putol ko rito dahil mukhang hindi na siya matae sa itsura niya
"Ano pang tinatayo niyo dyan?" singhal ko sakanila "Buhatin niyo at dalhin sa clinic tutal kayo naman ang may kasalanan." naiiritang utos ko dahil siguro sa takot at Kaba ay dali dali nilang sinunod Ang sinabi ko
Sinundan ko lang ang mga ito at sinasamaan ng tingin tuwing nililingon nila ako para siguro tignan kung naka sunod ba Ako hindi
"Dumiretso kayo sa office face the punishment ng ginawa niyo." seryosong saad ko rito ng maihiga na nila yung nerd sa Isa sa mga kama sa Clinic
"Binabalaan ko na kayo sa oras na nalaman kong hindi kayo duon nagpunta Ako mismo Ang mag hahanap at mag paparusa sainyo." pagbabanta ko sunod sunod na tumungo ang mga toh at dali daling lumabas ng Clinic
Pinakaileman ko na yung gamit nung Nurse ng makitang wala ito Dito siguro may pinuntahan
Napapailing iling na lang ako habang hawak ang isang first aid kit palapit dun sa kinakahigaan nung Nerd
Umupo sa space ng kama saka sinimulang gamutin ang sugat nito sinigurado kong may pag ingat ang bawat pagdampi ng Cotton sa mukha nito..
Napa titig Ako sa mukha nito lalo na ngayong wala itong suot suot na salamin
"Gwapo ka naman pala eh."bulong ko habang naka titig pa din sa mukha nito
"Mas lilitaw siguro ka gwapuhan mo kung matututo kang mag ayos." pag kausap ko rito kahit hindi niya ako naririnig napa iling iling na lang ako sa pinag sasabi ko
Naka hinga Ako ng maluwag ng matapos ko itong gamutin pero hanggang ngayon ay hindi pa din dumating yung Nurse dito sa Clinic kaya hindi ko siya pwedeng iwan
Umayos Ako ng upo saka napa tingin sa bag nitong nasa sahig agad na kinuha ko ito at walang paalam na pina kialaman nag hahanap ng pwedeng pagtignan kung sino ba ng gwapong anghel na toh
Napa ngiti ako ng makita ang School Id nito na hindi niya pala suot suot bakit ba hindi pumasok sa isip kong may School Id pala
"Leif Fernandez.." pagbasa ko sa pangalan nitong nasa School ID namin
"A Scholar huh?!" hindi ko mapigilang mapa ngisi saka muling binalik ang ID nito sa loob ng bag niya at ipinatong ito sa mesang nasa tabi lang ng kama nito para agad nitong makita
"I'm Enya Neoma Watson , nice to meet you!"may ngiti sa labing wika ko kahit na wala pa din itong malay at sigurado akong hindi nito narinig ang sinabi ko
Napailing na lang ako saka tumayo dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto
"Ms.Watson!" gulat na wika nung School Nurse ng makita ako
"You have a patient Ms. I already gave him a first aid nawalan siya ng malay nasobrahan siguro sa bugbog."walang emosyong wika ko rito na nagpa awang ng labi nito
"You beat him?" hindi siguradong tanong nito
"Of course not." kunot noong sagot ko rito "Nasa office na yung may gawa niyan sakanya, Ikaw na bahala sakanya Nurse may klase pa ako." tuloy tuloy na wika ko at Hindi na siya hinayaang maka pagsalita pa at Basta na lang umalis ng Clinic
Ilang araw ang lumipas ng muli ko itong nakita ngunit parang wala lang na nilagpasan namin ang isa't isa
Hindi ko alam kung anong meron siya at sa tuwing nakikita ko ito ay biglang bumibilis ang tibok ng puso ko
Mariing napa pikit ako ng mapagtanto kung anong ginawa ko nandito Ako ngayon sa library habang naka tingin sakanya hindi Ako nito makikita dahil nasa tagong Lugar Ako at idagdag pang masyadong abala ito sa binabasa
Mukha ngang Wala siyang pakialam sa paligid eh ni Wala itong tinapunan ng kahit sino ng tingin
Tanging ang librong binabasa nito nakatuon ang attention niya parang gusto ko na lang biglang maging libro
Kumuha na lang ako ng librong pwede kong basahin habang paminsan minsan ay napapa tingin ako sakanya
Napangiti na lang ako sa binabasa ko hindi ko inakalang mag eenjoy din pala ako sa pag babasa kahit papaano
Ilang sandali pa ay naramdaman kong tila may naka titig sa akin kunot noong nag-taas ako ng tingin ngunit wala naman akong nakitang nakatingin sa akin
Napa iling na lang ako saka pasimpleng sinulyapan si, Leif na abala pa din sa binasa nito binalik ko na lang ulit ang attention ko sa binabasa ko pero sinigurado kong hindi mawawala sa paningin ko si, Leif
STORY STARTED: March 19 2023
YOU ARE READING
The Brats Captivation (🌜)
Ficción GeneralWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Enya Captivated by the nerd guy... Enya is not a fan of books not until she met this nerd guy who captured her heart... She always goes to library room where the nerd guy always goes... Lagi niya itong palihim na pi...