Brat Captivation 09
"Ms. Watson come to faculty room after your last Class."agad akong tumango kay, Ma'am
" Goodbye everyone!"
" Goodbye Miss!!"mabilis na nag tayuan ang mga ka block ko at nag-ayos ng gamit
May naisip na kayang paraan si Ma'am para maka pasa ako sa subject niya? o ipapasa na lang ako
Mas maganda kung ipapasa na lang niya ako hehehe
Oo nga pala bukas na darating yung mga inorder ko sa shoppe pero hanggang ngayon hindi pa din ako nakaka isip ng paraan pano papapuntahin duon si, Leif para magamit sakanya yung mga binili ko hihi
Ano kayang magiging reaction niya? Magugustuhan kaya niya sa oras na ginamit ko sakanya?
Goshhh!! Habang inisip ko palang ay nag iinit na buong katawan ko
Iwinaglit ko na lang muna ang mga yun sa isip ko at nag focus sa lecture namin hanggang sa matapos ang huling Class ko
Dumaan muna ako sa locker room ko para iwan dun ang ilang gamit ko para hindi gaanong kadami at kabigat ang dala ko bago dumiretso sa faculty room
"Good afternoon, Miss!" bati ko kay Ma'am saka tuluyang pumasok sa loob ng Faculty Room at duon ko lang napansin si, Leif na naka upo sa Isa sa upuang nasa harapan ng table ni, Ma'am
Kiming nginitian namin ang isa't isa at simpleng tango bilang pagbati saka naupo sa upuang katapat nito
"Pinatawag ko kayong dalawa dito dahil may sasabihin Ako." tahimik lang na nag hihintay ako sa iba pang sasabihin ni, Ma'am at mukhang ganun din ang kasama ko
"Tulad ng ipinaliwanag ko sayo, Mr. Fernandez Itututor mo si, Ms. Watson sa subject ko."natigil ako sa sinabi ni, Ma'am
Tutor? Itututor ako?
"Ms. Watson, alam mo naman na kung bakit ka kailangang Itutor ni, Mr. Fernandez hindi ba?" pilit Ngiting tumango ako rito
Sa lahat ba naman ng taong makukuha ni, Ma'am na nag tutor sa'kin siya pa nakakahiya kaya! Mamaya maturn off siya
But in the bright side may dahilan na ako para mapapunta siya sa Condo.. hmm... Hindi na ganun kasama
"Kayong bahala na mag-usap kung kailan at saan niyo simulan ang tutor season niyo."
"Sige po, Miss." magalang na sagot ng kaharap ko saka sabay kaming tumayo mula sa pag kakaupo
"Aasahan ko ang improvement mo sa subject ko, Ms. Watson at may tiwala ako sayo, Mr. Fernandez na hindi mo ako bibiguhin."pekeng ngumiti na lang ako kay, Ma'am saka kami sabay na nag paalam ni, Leif bago lumabas
Simula nung araw na nanood kami ng Magic Show ay hindi na ulit kami naka pag-usap
Ni Hindi nga ata mag tatagpo ang landas namin at hindi ko siya makikita kung hindi ko siya sinusundan eh
"So hmm.. kailan mo gustong simulan ang tutor season natin?" tanong nito habang sabay kaming naglalakad sa hallway
"Kahit tuwing Sabado at Linggo na lang sa Condo Unit ko. Alam ko namang focus ka sa pag-aaral tuwing weekdays eh." turan ko rito
"Huh? Pano mo naman nalaman na focus ako sa study ko tuwing weekdays? "Hindi agad ako naka sagot sa tanong nito
Shit! Baka mamaya kung anong isipin niya at malaman niyang inistalk ko siya
" Ah kasi mga kaibigan ko sa Nerd Queen ganun."sagot ko rito wew. That a good save for yourself self.
"Ganun ba?" tumango ako rito
"Sige! Message na lang kita sa Sabado kung ganun."turan nito
"Okay! Gusto mo ihatid nakita?" pag ooffer ko rito ng parehong huminto kami sa tapat ng kotse ko
"Hindi na baka maka abala pa ako." tanggi nito, napa simangot naman Ako
"Sige na pumayag kana. Ngayon na nga lang ako mag-ooffer sa isang tao na ihatid at pasakayin sa sasakyan ko tatanggihan pa ako." naka simangot na turan ko rito saka nag papaawang tumingin rito
"Nakakahiya kasi, saka baka mag kaiba ang daan natin." turan nito
"Taga saan Kaba?" kunyaring tanong ko na para bang hindi ko alam kung taga sana ito
"Pareho naman pala tayo ng way eh! Madadaan ko Yung sainyo." malaki ang ngiting wika ko rito
"Hindi ba ako nakaka abala sayo?" agad akong umiling rito saka ako na mismo ang mag bukas ng passenger seat para sakanya
"Hindi ka abala saka gusto ko namang ihatid ka." naka ngiting wika ko rito bago sinarado ang pinto ng sasakyan sa side saka mabilis na umikot ako sa driver seat side at sumakay
"Wear your seatbelt." naka ngiting wika ko rito agad naman itong sumunod
Pinag-usapan lang namin ang gagawin namin sa Tutor Season namin gusto ko pa sana siyang maka usap pero natataw ko na ang bahay nila
"Salamat sa pag-hatid, En." wika nito pag-kaalis nito sa seatbelt niya at nilingon ako saka nginitian
"Your welcome, Leif." naka ngiting wika ko rito saka ito pinanood na bumaba sa sasakyan
"Ingat ka sa daan, En!" ngumiti ako rito saka tumango
"Goodnight, Leif!" malakas na sigaw ko rito bago pa siya tuluyang maka pasok sa loob ng bahay nila
Akala ko ay Hindi ako nito narinig ngunit muli ako nitong nilingon at malaki ang ngiting kumaway ito sa'kin
May ngiting pinasadida ko ang sasakyan ko papunta sa Condo Unit na tinutuluyan ko
Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang nag luluto ako ng pang dinner ko hanggang sa pag-aaral ko sa mga naging lecture namin ay naka ngiti ako
Hanggang sa matutulog ako ay hindi mapuknan ang ngiti sa labi ko
"Sana mag Sabado na agad excited na ako." may ngiti sa labing wika ko saka pilit na pinikit ang taklupan ng mga mata ko
Mariing napa kagat labi na lang ako para pigil ang pag ngiti ng labi ko habang naka pikit
Mahigpit na niyakap ko ang unang nasa tabi ko habang tumatakbo sa isip ko si, Leif
May ngiti sa labing natulog ako habang ang laman ng isip ay ang nag-iisang taong bumabaliw sa isip ko at tanging tinitibok ng puso ko..
"Package for, Enya Watson." turan ko sa reception dumating na kasi yung inorder ko sa shoppe at nag kataong may pasok ako kaya sinabi kong iwan na lang sa receptionist yung package tutal bayad naman na
"Wait lang po, Ma'am kukunin ko lang po." naka ngiting wika nito saka pumasok sa pintong nasa likod nito saka muling lumabas ito na may buhat buhat na kahon
"Thank you." pasalamat ko rito pag katapos kong pumirma sa pinapapirma nito saka kinuha ang package ko
Dumiretso ako sa kwarto ko para duon buksan ang package ko mula sa shoppe
nilapag ko ito sa sahig saka lumapit sa drawer ng mesa ko para kumuha ng cutter pang bukas rito
"Akala ko scam.." napa ngiti na lang ako habang Isa isang nilabas lahat ng inorder ko
Nang masiguradong kompleto lahat ay nilinis ko lahat ng kalat ko hinayaan ko muna sa sahig yung mga binili ko at lumabas ng kwarto habang bitbit ang mga kalat ko
"Kailangan maka pag-linis ako sa Friday ng gabi.."pag kausap ko sa sarili habang pabalik sa kwarto
" Mag palit na din siguro ako ng mga Curtains at Bedsheets at pillow case.. Ano kayang magandang kulay? Yung tipong maaakit siya?"mahinang wika ko
Inilagay ko muna sa loob ng closet yung mga binili ko duon sa tingin kong hindi agad makikita maliban na lang kung hahalungkatin talaga...
I need to read alot of article about it for more knowledge and information...
___
Ano na naman kayang kalokohan ang iniisip mo, Enya tsk tsk
YOU ARE READING
The Brats Captivation (🌜)
Ficción GeneralWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Enya Captivated by the nerd guy... Enya is not a fan of books not until she met this nerd guy who captured her heart... She always goes to library room where the nerd guy always goes... Lagi niya itong palihim na pi...