Brat's Captivation 07
"Hala nandito ka din pala." kunyaring gulat na saad ko ng makita ako ni, Leif
"Ikaw pala yan, En nanonood ka pala ng mga ganitong show?" may ngiti sa labing wika
Ang show na tinutukoy nito ay Isang live magical show
"Oo naman." naka ngiting sagot ko rito saka kami sabay na pumasok sa loob ng Theater "I love magics." dagdag ko
Mahilig lang akong mag basa ng Fantasy Stories pero ito ang kauna unahang manood ako ng Magic Show
"Wow! Hindi halata." mahinang tumawa ako sa sinabi nito saka kunyaring mahinang pinalo siya sa braso pero syempre ginawa ko yun para tyansingan siya
"Grabe ka ah, huwag ka kasing judgy dyan." kunyaring nag-tatampong saad ko rito
"Pasensya na po." pigil ko ang mapangiti dahil sa kacutetan nito habang nag sosorry
"Wala ka bang kasama?" agad akong umiling rito
"Ikaw ba may kasama ka?" balik tanong ko
"Meron." sagot nito na lihim kong ikinalungkot Akala ko pa naman masosolo ko siya at mag kakaroon na kami ng first date
"Talaga?Sino? Girlfriend mo? Nasaan siya?" sunod sunod na tanong ko rito habang lumilingon lingon
Muling napalingon ako sakanya ng marinig ang mahihinang tawa nito
"Bakit? May nakakatawa ba?" takang tanong ko rito umiling ito sa'kin saka iginaya ako nitong maupo
Sa pinaka harap ang upuan namin kitang kita kung sino o kung anong ipapalabas sa intablado
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." reklamo ko rito
"Ikaw ang tinutukoy kong kasama ko." natatawang wika nito
Napa-titig naman ako rito hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis dahil halatang inaasar ako nito
"Hindi mahilig ang kaibigan ko sa ganito kaya hindi ko siya maaya at wala din naman akong kakilala na pwedeng manood ng mga ganito kaya mag-isa lang Ako." lintaya nito
"Talaga?" pinaningkitan ko ito ng tingin, may maliit na ngiting tumango ito
"Kung ganun. Ako na lang ang ayain mo." para parang date na din natin yun
"Ayos lang sayo? Hindi ba kita maaabala?" agad akong umiling rito
"Maganda nga yun eh para may kasama din akong manood." naka ngiting wika ko
Parehong umayos na kami ng upo ng makitang nasa harapan na namin ang magician na siyang mag peperform
"Bigay ko mamaya number ko sayo para ma message o tawagan mo Ako." sambit ko habang nasa harapan ang tingin ko
"Wow!!" hindi ko mapigilang ma mangha sa pinapanood ko
"Ang galing!!" tila bumalik ako sa pag kabata sa pinapanood ko
Hindi ko mapigilang mapalakpak sa pinapanood ko at hindi mawala wala ang malaking ngiti sa labi ko
"Wahh!!! Ang galing!" puno ng bilib at sayang tili ko
Alam kong napapatingin na din sa'kin ang ilang manonood dahil sa ingay at para akong bata kung umakto
"Hala!! Ang cuteee!!!"tili ko ng makitang ginawa nitong totoong rabbit ang kaninang papel lang na gawa sa rabbit
Malakas akong napalakpak with matching tayo pa ng matapos ang performance nito
"Isa pa po! One more!" malakas na sigaw ko "Ang galing niyo po!" muling wika ko at mukhang narinig nito ang sinabi ko dahil napalingon ito sa gawi ko
YOU ARE READING
The Brats Captivation (🌜)
Ficção GeralWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Enya Captivated by the nerd guy... Enya is not a fan of books not until she met this nerd guy who captured her heart... She always goes to library room where the nerd guy always goes... Lagi niya itong palihim na pi...