Brat's Captivation 05
Alam kong halos hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang pag kasimangot
Sinabi lang naman sa'kin na kasali ako sa Pageant eh hindi naman ako mahilig sa ganun
Nag School Festival pa sila tapos idadamay Ako eh gusto ko lang naman mag-enjoy. Wala tuloy ako sa mood kaasar
Namalayan ko na lang na dinala ako ng mga paa ako sa may medyo tagong garden
Naupo na lang ako sa upuan na nandun. paulit ulit akong napa buntong hininga kung sino man ang makakakita sa'kin ngayon iisipin nilang sobrang laki ng problema ko
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas ng maramdamang may prisensya sa likod ko hindi pa man ako lumilingon ay nakilala ko na kung sino ito nung mag salita siya
"Ayos ka lang ba, Ms?"nanigas ako sa kinauupuan ko namalayan ko na lang na naka upo na ito sa harapan ko
"Okay ka lang ba? Bakit parang ang laki ng problema mo?" muling tanong nito
"Ako nga pala si, Leif Fernandez Ikaw anong pangalan mo? Bakit mag-isa ka lang rito?" sunod sunod na tanong nito
" Hi?"
" I'm, Enya. Enya Neoma Watson."naka ngiting wika ko rito habang mabilis ang kabog ng dibdib ko
Shit! Shit! Shit!
Hindi ko mapigilang mapa mura sa isip ko habang naka titig rito. Ito ang unang naka usap ko siya ng ganito
" Anong problema mo, En?"napa kunot ang noo ko sa sinabi nito
" Ah Initial yung ng name mo."naka ngiting wika nito, siguro ay napansin nito ang pag kunot ng noo ko
" Ayos lang naman ako. "kalmadong tugon ko kahit ang totoo ay parang nag wawala ang puso ko dahil sa wakas nakilala na din niya ako
" Sigurado ka? Mukha kasing ang laki ng probleama mo eh."wika nito
"Kasama kasi Ako sa candidate sa Pageant eh, wala naman akong hilig sa ganun."ewan ko bakit bigla kong sinabi sakanya yun
"Edi uwian na pag ganun may nanalo na eh."naka ngiting wika nito Hindi ko agad nakuha ang ibig sabihin nito
Iniinsulto ba niya ako? Anong—
"Dahil siguradong Ikaw na ang panalo, En." dagdag nito naramdaman ko na lang ang pag angat ng dugo sa pisngi ko
Alam kong pulang pula ba ngayon ang pisngi ko. Bakit ba bumabanat siya ng ganyan hindi ko tuloy mapigilang kiligin
"Maganda ka, En sobrang ganda mo lalo na ngayong mamula mula ang pisngi mo." sambit nito
Napa kagat labi na lang ako saka nag-iwas ng tingin para pigilan ang sariling mapa ngiti dahil sa sinabi nito
"Bolero ka ah. Hindi naman halata sa itsura mo." wika ko rito
"Hindi naman kita binobola eh saka hindi Ako basketball player wala akong alam sa bola. Nag-sasabi lang ako sayo ng totoo."tuluyang napangiti na ako sa sinabi nito
" Oo na! Ikaw na panalo. "natatawang wika ko rito mahinang natawa rin ito
Kahit ang pag tawa nito ay tila maamo
"Pano ka nga pala nakarating dito?" tanong ko
"Dito ako minsan pumunta para mag basa dahil wala namang pumupunta dito dahil masyadong maloob." sagot nito
Kaya pala minsan Hindi ko siya makita sa Library dahil nandito siya
" Tahimik lang dito diba? Magandang lugar para sa gusto ang tahimik na paligid."naka ngiting dagdag nito
"Idagdag mo pa ang magandang tanawin."wika nito habang naka titig sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ako ang sinasabi nitong tanawin dahil sa'kin siya naka tingin o yung mga iba't ibang bulaklak na naka palibot sa Lugar na ito
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin Hindi ko kasi mapigilan ang sariling mapa tingin sa labi nito habang nag-sasalita siya at hindi pa nakaka tulong yung biglang pag-pasok sa isip ko yung nangyari sa Storage Room
Ilang taon na ng mangyari yun pero sariwa pa din sa isip ko yun.. yung lambot ng labi niya.. yung lasa nito at ang kamay nitong nakahawak sa dibdib ko
"En!"agad akong napalingon rito ng marinig ang pagtawag nito sa'kin
"Ayos ka lang?Bigla kana lang natulala dyan habang pulang pula ang buong mukha mo at mukhang pinag papawisan kana din." lintaya nito
"Ay naku ayos lang Ako." pilit ngiting wika ko rito saka tumayo na
"Mauuna na pala ako sayo, may kailangan pa pala akong gagawin." paalam ko rito kahit na gusto ko pa siyang makasama ng matagal ay hindi pwede baka Hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin ulit ang mga labi niya habang tumatagal na mag kasama kami
"Huh? Sige ingat ka, En." ngumiti na lang ako rito saka siya iniwan nung una ay normal lang ang paglakad ko ng masiguradong malayo na Ako sakanya ay duon ko mas binilisan ang paglalakad
Dahil sa pag mamadali ay hindi ko napansing may makakasalubong pala ako
Akala ko ay babagsak na ako ngunit agad ako nitong napalibot ang braso sa beywang ko at hinatak palapit sa katawan niya para Hindi ako bumagsak ng tuluyan
"Ayos ka lang, Enya?" mabilis ang lumayo rito
"Ayos lang. Pasensya kana Hindi kita napansin." pilit ngiting wika ko rito
"Sa susunod mag-iingat ka." tumango na lang ako rito saka muling humingi ng sorry bago siya nilagpasan
Napa hawak na lang ako sa bandang dibdib ko kuny nasaan ang puso ko. Sobrang bilis pa din ng kabog nito
Paulit ulit akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili
"Enya?" agad akong napalingon sa likod ko
"Ayos ka lang ba, Enya?" nag-aalalang tanong ni, Amaris
Pinilit kong ngumiti rito kahit ang totoo ay parang nanlalabo na ang paningin ko
"A-ayos lang ako. May kailangan ka ba?" tanong ko rito
"Sigurado ka? Pawis na pawis kana at putlang putla kana."bakas ang pag-aalala nito. Kahit Hindi ko masyadong makita ang mukha nito ay alam kong malapit siya sa'kin
Hindi ko na nagawang sumagot rito dahil nahihirapan na talaga akong huminga...
Bago pa tuluyang bumagsak ay naramdaman kong sinalo nito ang katawan ko
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko pero ramdam kong naka lutang ako sa hangin
Bago pa tuluyang lamunin ng dilim ay naramdaman kong ibinaba ako nito at Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari...
Sumalubong sa'kin ang kisame ng kwarto ko pag gising ko. Hindi ko alam kung pano ako napunta rito
Mukhang dito niya ako dinala kaysa sa dalhin ako sa hospital. Mabuti naman
Napa tingin ako sa orasan na nasa bedside table
2:40am maaga pa pala pero hindi na ako makaramdam ng antok kaya tumayo na lang ulit ako
Pag-labas ko ng kwarto ay sumalubong sa'kin ang katahimikan sigurado ay tulog na sila Manang
Tanging mga katulong na pinag kakatiwalaan ko ang nandito. Hindi ko alam kung nasaang bansan na naman sila, Mommy dahil lagi naman silang wala dito at sanay na ako dun kaya ayos lang
"Fck!" hindi ko mapigilang sigaw ng madatnan si, Amaris sa kusina dahil sa gulat
"Nandito ka pa? Akala ko umuwi kana." wika ko rito ng maka bawi sa gulat
Nag diretso ako palapit sa ref para kumuha ng iinumin habang hinihintay ang sagot nito
"Hinintay kitang magising." sagot nito
"Salamat nga pala, Amaris."naka ngiting wika ko rito
"Lagi kang mag-iingat, Enya."napa pikit na lang ako ng halikan ako nito sa susunod
" Huwag mo na ulit ako pag-alalahanin ng ganito. "dagdag niya. naka ngiting tumango ako rito
"Hindi na po." malambing na wika ko saka nag-lalambing na yumakap sakanya..
YOU ARE READING
The Brats Captivation (🌜)
Ficção GeralWARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Enya Captivated by the nerd guy... Enya is not a fan of books not until she met this nerd guy who captured her heart... She always goes to library room where the nerd guy always goes... Lagi niya itong palihim na pi...