Kahit na iilang sa nang yari kagabi ay pinapakitunguhan ko parin nang maayos si xy, lumalayo lang ako sa kanya dahil hulog na hulog na talaga ako at na tatakot ako na baka dahil sa nararamdaman ko ay masira ang pag sasama namin.
Gusto ko mang aminin kaso na duduwag ako sa magiging resulta na tatakot ako na iba ang nararamdaman niya gaya nang sabi niya gusto niya lang ako pero mahal kona siya, paano pa ako aahun sa ganitong sitwasyon.
"Babe, are you okay?" gaya nang nakasanayan na tawag saakin ni xy, pero parang may kong ano anong bagay ang nararamdaman ko sa aking tiyan.
"ha? o-oo okay lang ako." naka ngiti ko sabi sa kanya, kahit nag aalinlangan ay ngumiti din siya pabalik saakin.
"Okay let's go." anyaya niya saakin, ngayon kasi ay may pupuntahan akong tao pupunta ako kila mama may natanggap kasi akong balita na nasa hospital siya ngayon.
"Okay tara na ito na ang mga gamit nang mga bata." sabi ko at inabot ang bag nila sevi at viyle sa kanya, sakanya ma iiwan ang kambal dahil hindi ko sila pweding dalhin sa hospital at baka maka kuha pa nang sakit.
"Dito na ako." sabi ko sabay turo sa sakayan nang Tracy,
"Ihahatid na nga kita kaysa sasakay kapa." iritang sabi ni xy.
"Okay nga lang tska baka ma late ka sa school kaya ibaba mona ako." pag pipilit ko bumuntong hininga ito at hininto ang sasakyan, hinalikan ko ang kambal at hinalikan sa pisnge si xy, abot langit ang kaba nang ginawa ko iyon!
"Take care babe call me when anything happend."tumango ako at kumaway sa kanya hinintay ko na maka alis ang kotse niya bago, sumakay sa tracycle at mag pahatid sa hospital.
KINAKABAHAN ako habang papunta sa kwarto ni mama dito sa hospital, iwan ko kong bakit pa ako an dito kahit na masakit ang ginawa at pinag sasabi niya saakin, wala akong magagawa bali baliktadin man ang mundo ina ko parin siya at sakanya ako lumaki.
"Ate Ayesha!" napa lingon ako sa dalagang tumawag saakin, nakilala ko agad iyon si sheila ang pinsan kong babae.
"Anong nang yari kay mama sheila?" nag aalala kong tanong dito.
"Sinaktan nang ka leave in niya ate." na iiyak na sabi ni sheila ang alam ko patay na ang mama ni sheila na kapatid ni mama ang papa naman niya ay iniwan siya kaya naman inampon siya ni mama.
"Hah! eh ikaw hindi kaba sinasaktan." gulat na tanong ko at sinuri siya.
"Hindi naman ate tuwing sasaktan ako ni tito freid inaawat ni mama Aika" umiiyak na sabi nito niyakap ko siya at pinatahan.
"Asan ang hayop na lalaking iyon!" galit na sabi ko.
"Pina kulong kona ate." Sabi niya tumango ako sa kanya at sinamahan papasok sa kwarto ni mama.
NAGISING SI MAMA nang ako ang una niyang na kita lumabas mona kasi si sheila para bumili nang pag kain at ako lang ang naiwan sa kwarto niya.
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw niya na kina alarma ko, kaka gising niya lang kaya, baka makasama sa kanya iyon.
"Ma! wag mona po kayong tumayo baka ma binat ang katawan niyo." saway ko at tangkang hahawakan siya nang tapikin niya ang kamay ko.
Masakit sa dibdib
"Wag kang humawak saakin! lumayas ka dito! wala akong anak na walang pake sa magulang!" sabi niya tinuro ang pinto na iiyak kong tiningnan si mama.
"Ma naman!" hirap na sabi ko sa kanya at naiyak nalang. "Ilang taon na ang lumipas! truama yun saakin alam moba!" sigaw ko sa kanya na kina tahimik niya. "Okay pa tayo! masaya walang problema pero ano! isang araw uuwi ako galing school na maabutan kitang pinapatay ang sarili kong ama!" sigaw ko sa kanya bumubuhos na ang emosyon ko simula dati.
"Wala kang alam sa nang yari." madiin na sabi ni mama at tiningnan ako nang masama. "Wala kang alam na hindi kita anak wala kang alam sa pan loloko nang papa mo saakin hindi kita anak niloko niya ako tangina ninyo." umiiyak nading sabi ni mama, gulat ako sa nga na rinig.
"A-anong ibig mong sabihin ma." nag tataka kong tanong bigla nalang itong tumawa habang umiiyak.
"Wala ka talagang kwenta!" sigaw niya. "Hindi kita anak namatay ang totoo kong anak at ang magaling mong ama ay may anak sa ibang babae at ikaw iyon! pinalabas niya na ikaw ang anak ko!"
"Hindi yan totoo." sabi ko sa kanya
"Bahala ka wala kang ina at hindi kita anak kaya pwedi lumayas kana dito at wag kanang mag papakita saakin dahil na susuka akong makita ang pinalaki kong bata na hindi naman pala saakin!" sigaw niya tumayo para makaladkald ako palabas nang kwarto niya.
"Ma! hindi totoo ang sinasabi mo diba." pag sasalita ko mas diniinan niya ang hawak sa buhok at patulak akong pinalabas, dahil sa panghihina ay napa upo ako at pinag titinginan nang mga tao.
PAGOD ako sa kakaiyak dahil sa mga nalaman, ngayon ay nasa park ako at iyak nang iyak gusto kong kalimutan ang mga sinabi ni mama pero hindi ko maiwasang maniwala, nakaka pagod na lahat parang gusto ko nalang matulog at yakapin ang mga anak ko at si xyroz.
Napag desisyonan kong pumunta sa university kong saan nag tatrabaho si xyroz, gusto kong makita ang mga anak ko.
Bumaba ako sa tracy na sinakyan ko at pumunta sa gate nang university hindi na ito ang unang bisis na naka punta ako dito dahil na aalala ko na lagi kong dinadalaw si kia dito nong nag aaral pa siya .
Bigla ko tuloy na miss ang kaibigan kong iyon nag tatampo nga ako sa babaeng yun dahil simula nang umalis ay hindi na ako tinawagan at kahit mag text manlang.
Kailangan ko pa naman siya ngayon dahil siya lang ang nakaka alam nang problema ko sa pamilya ko.
"Kuya sa teacher office po." tanong ko sa guard na nasa gate tinuro naman niya ang building nang mga teacher kaya nag pasalamat ako bago pumunta sa building.
May mga pangalan naman kada door kaya naman inisa isa ko nalang, lunch din kasi ngayon kaya naman bumili na ako nang pag kain sa labas para dito kumain.
Bigla tuloy akong na sayahan dahil sa naisip at nawala sa isip ang nang yari kaninang umaga sa hospital.
Nang makita ko ang pangalan sa pinto na Professor Louse Xyroz Martez ay walang pasabi na pumasok ako.
Pero agad ding natigilan nang makita ang nasa loob nang opisina,
Umiiyak ang mga anak ko na nasa lapag lamang at naka upo may mga laruan na nag kalat, gulat ako sa sitwasyon nila pero mas na gulat kong anong meron sa lamesa nang ama nila.
Isang babae ang naka kandong sa kanya at nag hahalikan sila naka hawak sa bewang si xyroz sa babae at ang babae naman ay naka hawak sa dibdib nito.
Agad na nag init ang ulo ko dahil sa nakita nag babadya na ang mga luha na tumulo kaya naman bago pa ako maka abala ay lumapit na ako sa kambal na iyak nang iyak.
"Mamii!"
"Miii"
Tawag saakin nang kambal at gumapang palapit agad ko silang kinarga kahit na nahihirapan.
"Fuck!" rinig kong sabi ni xyroz.
Galit ko silang tiningnan nang babae na ngayon ay naka yuko at inaayos ang magulong blusa.
"Sa harap pa talaga nang mga anak ko!" galit na sigaw ko at binigyan siya nang malakas na sampal.
Hindi kona hinintay ang sasabihin niya at umalis na buhat ang kambal.
Kahit na luhaan ang mga mata ay kinaya kong umalis sa harap nila at mag lakad pa labas, rinig kopa ang pag mumura at pag tawag no xyroz sa pangalan ko
"Maure!"