Chapter 6

1K 27 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at ngayon ay andito kami sa hospital para mag pa check up at para narin mag hulog sa hospital bills namin.

Pupunta din dito si kia dahil ilang araw na itong hindi nag papakita saakin dahil nga busy sa naganap na graduation kahapon hindi na ako naka punta dahil walang maiiwan sa kambal, kaya naman an sabi niya sasama nalang siya ngayon at may  mahalagang sasabihin saakin.

Ano kaya yun?

"Gumaganda po ang lagay nang kambal sana ipag patuloy natin ang pagfe feed sa kanila healthy po yun pag healthy ang mommy nila." paliwanag nang doktor na tuwanaman ako at kinausap pa siya about sa dalawa pakatapos ay nag paalam na kami.

"Salamat po doc." naka ngiti kong paalam sa butihing doctor.

"Welcome see you next check up." kinuha kona ang basket nang kambal at lumabas pag labas namin andon naman nag hihintay si kia, nang makita niya kami ay kinuha niya sa basket si viyle.

"Bakit ngayon kalang bruha ka!" asik ko sa kanya nang maka sakay sa kotse niya.

"Busy po ako madam." sagot nito at i nistart ang kotse niya.

"Ay ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya sumilip naman ito saakin at nag buntong hininga pa halatang na momroplema na

"Aalis na ako mamayang gabi." she said na nag pa taka saakin.

"Anong Ibig mong sabihin san ka naman  pupunta bruha ka?!" asik na tanong ko dito pero mukhang seryuso talaga siya at hindi manlang ngumiti o tumawa kaya naman naging seryuso din ako.

"I'm going canada for good aye I'm studiying abroad sa sikat na law school sa canada at mamayang gabi na ang punta ko." paliwanag  nito na kinatahimik ko well hindi naman laging mag kasama kami may sari sarili na kaming buhay na kailangan naming asikasuhin at ang sa kanya ay kailangan niyang mag aral para sa ikabubuti niya.

"Are you okay Aye i know I'm gonna miss three of you." sya na ang nag basag nang katahimikan sa pagitan namin.

"I know kia mag kikita pa naman tayo." malungkot na sabi ko pero ngumiti din sa kanya.

Nang mahatid niya kami ay nag paalam na siya saakin at sa mga anak ko na uuwi na dahil mag aayos nang gamit

Lumipas ang araw at linggo at nahihirapan na talaga akong dalhin ang kambal sa trabaho dahil nga may nang yari noong isang araw.

"excuse! kanino bang anak itong iyak nang iyak!" reklamo nang isang customer agad akong napa takbo at na bunggo pa ito, kagat labi akong humingi nang tawad nang titigan niya ako nang masama.

"Sorry po ma'am." sabi ko nalang at kinuha ang basket nang kambal, nag aalala akong tiningnan nang mga ka trabaho ko.

"I want to talk to your manager hindi tamang nag dadala ka nang baby sa trabaho gosh!" sabi pa nito at kinausap nga ang manager ko.

Ayukong ma tanggal sa trabaho ko!

"Sorry to say this Ayesha you need to Choose." sabi ni ma'am kim saakin.

"Sorry po talaga ma'am gagawan ko po nang paraan." pag hingi ko nang tawad ulit sa kanya at umuwi na.

Kaya naman ngayon ay napilitan akong iwan ang kambal sa bahay at ipatingin sa kapit bahay kong matanda wala na akong magagawa kong matanggalan ako nang trabaho hindi ko alam kong saan kami pupulutin kaya naman kailangan kong gawin to.

"Sorry talaga mga anak hayaan niyo pag nag ka pera pera at mabayadan na natin ang utang kukuhaan ko kayo nang taga bantay." sabi ko sa kanila at hinalikan ang tuktok nang ulo nila.

Nang maka labas ako ibinigay ko ang dalawang bote nang gatas kay aling beka na siyang mag babantay at titingin sa mga anak ko.

"Salamat po talaga pansaman tala lang po habang wala akong na kukuhang mag aalaga sa kambal." sabi ko sa kanya.

"Walang anuman iha wala naman akong pasok ngayon ako na bahala." nag pasalamat ako ulit bago pumasok sa trabaho.

Nang natapos ang ship ko ay agad akong umuwi nag taka pa ako dahil may ilaw na sa bahay akala ko pa naman nakala aling beka ang kambal kaya naman nag taka ako na may tao sa bahay namin.

"Sa bahay ba tumambay sila aling beka?" bulong na tanong ko sa sarili ko, nang maka pasok ako sa loob nang bahay ay agad na lumuwa ang mata ko muntik pa akong ma tumba dahil sa pang hihina nang tuhod ko.

Hindi ako maka paniwala!

Nalaglag ang mga dala ko sa gulat

Gulat aking makita muli siya!

Bakit siya andito!

He wear formal attire her perfect figure, masculine body and attractive face.

Hawak niya ang anak ko!

"S-sino ka?" natatakot na tanong ko sa kanya, palapit nang palapit sa kanya.

He smirk!

Agad kong kinuha si viyle na naka higa sa poam namin habang karga naman niya ang umiiyak na si sevi.

"pretending hah?" sarkastikong sabi nito at ngumiti sa anak ko.

"Hindi t-talaga kita kilala akin na ang anak ko." naiiyak kong pakiusap sa kanya.

"You know me but you don't know my name Right? and our son." pag tatama nito.

Shit! akala ko hindi niya ako kilala! paano niya nalaman ang bahay ko san niya nalaman sino ba talaga siya.

"Ayesha maure Valdez bakit ang tagal kitang hindi na hanap ganon kaba talaga kagaling mag tago?" tanong niya na kina nginig ko hindi kona na pigilang umiyak at yakapin nalang ang anak kong babae.

"W-wala kang alam." bulong ko habang na papahikbi nalang.

"I know." he said like he hear what i said.

Naging tahimik kaming pareho hawak niya si sevi at hawak ko naman si viyle, maraming pumapasok sa utak ko at maraming tanong akong gustong makuha ang mga sagot pero natahimik ako dahil sa awra niyang na kakatakot.

Nag flash back lahat nang mga nang yari saakin nang malaman kong buntis ako, yung hirap ko sa panganganak nang maaga at mga sakripisyo ko,

Mga awa sa mga anak ko dahil na ramdaman nila ito nakaka iyak at iyak nalang talaga ang magagawa ko

Meron akong nararamdamang galit dahil bakit ngayon pa siya dumating kong kilan hindi kona siya kailangan bakit hindi dati na nag aagaw buhay ang mga anak ko bakit hindi noon bakit ngayon!


The professor got me pregnant #01  [Edited]Where stories live. Discover now