07

480 14 5
                                    

Enzo Kion Zurriaga
7:02 pm

Fern:
Final na papi

Enzo:
Ang alin?

Fern:
Magmo-move on na ako.

Enzo:
HAHAHA ge paps

Fern:
Anong nakakatawa🤨

Enzo:
Ilang beses mo na kasi yang sinabi😂 Ilang final decision ba meron ka

Fern:
HAHAHA KINGINA KASI

Hindi ko na kasi gets. Nililigawan na siya nung Kendrick papi

Enzo:
Kendrick Cervantes? Yung basketball player?

Fern:
Oo. Siya mismo nagsabi kanina

Amputa masakit

Ang unfair ni Arkin kingina. Ilang beses ko ng sinubukan na bumalik, paulit-ulit akong gumagawa ng paraan para magkabalikan kami, hindi ko na mabilang ang mga chances na hiningi ko at rejections na binigay niya.

Tapos ang bilis lang niyang magpaligaw sa iba habang ako paulit-ulit niyang sinasaktan, walang pagdadalawang-isip, reject agad. Wala man lang maayos na dahilan. Puro "hindi tayo magwo-work" amputa

Maayos naman kami nung kami pa nung SHS papi. Tangina, di ko talaga alam anong mali sa'kin at bakit di niya ako matanggap-tanggap

Enzo:
Tangina wala akong masabi paps kasi magulo talaga kwento niyo, di ko maintindihan, kulang-kulang sa detalye😭 Sorry

Fern:
Samedt

Hindi ko rin maintindihan.

Kaya final na, magmo-move on nalang ako. Naaawa na ako sa sarili ko

Tara nomi

Enzo:
Kung sa tingin mo mas makabubuting magmove-on ka na, tuloy mo lang yan. Buksan mo ulit puso mo, malay mo naman

Fern:
HAHAHAHA ANG KORNI MO KAPAG SERYOSO KIO

Enzo:
GAGO KA HAHAHAHA

Paalam muna ako kay Archer. Susunod ako, message mo chupapis

Fern:
Pinagpalit mo na talaga ako💔

Enzo:
Oo. Pasensya ka na paps, mas maganda kasi si Archer kesa sayo😔

Fern:
Parang bestfriend niya, maganda😞

Joke. Move-on na pala dapat ako

Enzo:
HAHAHA repeat until true🕯️✨

__________

Arkin Lluvido
10:24 pm

Arkin:
Nagtanong sa akin si Tita kung nasa condo mo raw ba ikaw

10:29 pm

Arkin:
Fern

10:32 pm

Arkin:
Dale.

Fern:
Tagal mo na akong di tinatawag nyan

Arkin:
Yung first message ko. Nasaan ka?

Fern:
Nagtext na ako kay mama. Kasama ko sila Kio, umiinom kami

Arkin:
Hanggang ngayon? Saan kayo?

Fern:
Huwag na maraming tanong, Aki. Lumalambot ako.

Arkin:
Okay, sorry.

Fern:
Puta.

May tanong ako

Arkin:
???

Fern:
Bakit di pwedeng ako nalang ulit? Tayo nalang ulit, Aki.

Arkin:
Lasing ka na.

Fern:
Alam mong kahit di ako nakainom itatanong ko parin yan

Sagutin mo naman. Di mo parin ba kayang sagutin?

Arkin:
Umuwi na kayo

Fern:
Ito nalang sagutin mo

Kailangan ko na bang kalimutan yung sa atin? Okay lang bang kumilala na ulit ako ng iba? Wala na ba akong kailangang hintayin pa, Aki?

Arkin:
Oo sa lahat. Matagal ko ng sinabing kalimutan mo na ang sa atin. Hindi kita sinabihan na maghintay.

Fern:
Okay. Bigyan mo lang ako ng oras. Kapag okay na ako, sana maging magkaibigan ulit tayo. Kasi miss na miss na kita, Aki. Miss ko na yung bestfriend ko.

Seen 10:39 pm

__________

Twitter

fern @FerneralLuna

Sarap ng alak lasang wala na talagang pag-asa.

Pero truly, sarap ng alak parang ako lang🤪

Pero truly, sarap ng alak parang ako lang🤪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
University Dump #2: To Comeback (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon