12

416 14 1
                                    

Fern Dale 💛
7:12 am

Keith:
Good morning po, Kuya Fern! Have a nice day po! 😊

Seen 7:27 am

____________________

Zapanta Sibs 🦋
8:12 am

Faye:
Baby booooiii!

Fern:
Po?

Faye:
Sabi ni mama punta ka raw kina Arkin. Hatid mo raw pagkain niyaaaa since siya lang daw mag-isa ro'n

Fern:
Huh? Bakit ako? Saan pala si Tita?

Faye:
Idk may inaasikaso raw e. Si mama nag-utos niyan

Fern:
Ate Faye ikaw nalang! Huwag na ako please

Faye:
Hala bakit? Bawal ako, male-late na ako sa duty if dadaan pa ako kina Arkin babyboi

Fern:
Si Ate Fate? Ate Fave? Sige na please huwag na ako

Fave:
Bakit Fern? Nag-away na naman kayo ni Arkin?

Fern:
Hindi naman Ate. Nagmo-move na kasi ako. Iniiwasan ko muna siya

Faye:
Hoy final decision? Sure ka jan? 👀

Fern:
Seryoso ako. Tama na 'yong apat na taong paghahabol.

Faye:
Hala :( Hindi parin namin alam talaga bakit kayo nagbreak

Fern:
Hindi na rin ako sigurado sa totoong dahilan.

Fave:
Message mama about it. Sabihin mo busy ka sa akin nalang ipahatid

Fern:
Okay Ate

__________

Mama Zapanta🦋
8:15 am

Fern:
Mama :(

Si Ate Fave nalang daw maghahatid. Busy ako ma

Mama:
Magsisinungaling ka pa talaga? Alam kong wala kang pasok ha. Kunin mo na to dito para may makain sa lunch si Aki

Fern:
Mamaaaaa huwag na kasi ako please

Please

Mama:
Bilis na

Fern:
Mama naman eeeeh

Mama:
Isa

Fern:
Mama iiyak ako😭

Mama:
Fern Dale.

Fern:
Mama😭

__________

Ate Fave🦋
8:18 am

Fern:
Ate Faaaaave si mama😭

Ate Fave:
Sorry Fern :( I tried talking to her too pero ayaw talaga niya

Fern:
Mas lalo akong pinapahirapan ni mama what if sila nalang ni Arkin

Ampota naman e

Sorry sa mura Ate

Ate Fave:
It's okay. I'm so sorry. Naiinis na rin ako minsan kapag pinipilit kayo ni Arkin. I know you're having a hard time

Bear with it just this time?

Fern:
Ano pa nga ba

😭😭😭

Otw na ako

Pasabi kay mama na nagtatampo ako ha

Ate Fave:
Hahahaha oo sasabihin ko

__________

Zapanta Family🦋
9:28 am

Fern:
Inis na talaga ako sa pamilyang 'to

Fate:
Anyare sayo?

Fern:
ATE FATE SAAN KA BA KANINA

Fate:
Kagigising ko lang, OT ako kagabi. Bakit ba?

Fern:
Pinapunta ako ni mama kina Arkin Ate Fate!

Fate:
Tapos?

Fern:
E nagmo-move on na ako pero pinilit parin ako ni mama! Sinasaktan mo talaga ako mama😭

Mama:
Anong masakit sa paghatid ng pagkain Fern Dale?!

Fern:
Si Arkin 'yon mama!

Mama:
Magkaibigan kayo bago pa naging kayo Fern. Ngayong naghiwalay kayo aasta kang ganyan?

Fern:
Mama bakit hindi mo gets

Naiyak na ako

Kasalanan mo talaga 'to

Mama:
Ewan ko sayo

Fave:
Hayaan mo na kasing magmove-on si Fern ma. Tapos na sila ni Arkin

Mama:
Edi magbalikan sila! Tinutulungan na nga e

Fave:
Hays mama

Fern:
Nakakatampo ka mama. Nasasaktan ako lalo sa ginagawa mo. Hirap na nga ako e, pinapahirapan mo pa lalo. Kayo ni Tita.

Nakakatampo

Hindi muna ako uuwi sa weekend kasi nagtatampo ako

Ily

University Dump #2: To Comeback (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon