62
Narration
*present time*
_______________Fern Dale Zapanta
Hindi ganoon kadaling maiwan nang walang maayos na dahilan.
Alam ko, kasi naranasan ko.
Our relationship was not perfect but we were happy-I thought...we were happy.
Siguradong-sigurado ako tungkol sa amin. Nakaplano na lahat. Sa lahat ng mga future plans ko, nandoon si Arkin. Kaya no'ng iniwan niya ako, para akong naligaw, gumuho, at nadurog.
I couldn't accept our break-up and I stopped myself from moving-on. Itinatak ko sa sarili ko na hindi na ako makakahanap ng iba pang katulad ni Arkin kaya't dapat magkabalikan kami.
That thought ruined me.
Iyon ang patuloy kong kinakapitan hanggang sa puntong masyado na pala akong naging tanga.
Hinabol ko si Arkin hanggang nag-college na siya. Katulad nang ipinangako niya, pareho kami ng University na pinasukan.
Umasa ako.
I tried talking to him but it wasn't easy. He would always push me away. Everytime I get to take a step forward, he would always push me back to where he draws the line.
Ex-boyfriend.
Iyon nalang talaga ang tingin niya sa akin.
Some would give up if someone would push them away and would clearly show and tell them that they won't want them anymore. But I didn't.
'Yong mga maliliit na bagay nagagawan ko ng kahulugan. Simpleng text. Simpleng pagtatanong. Lumala pa dahil sa panunukso ng mga kaibigan ko. Akala ko may pag-asa, pero akala lang pala ulit.
Nakailang boyfriend na ba si Arkin simula noong naghiwalay kami? Dalawa? Pangatlo iyong bago niya ngayon, si Kenrick.
Ang tanga ko.
Ang sakit maging tanga. Mas masakit kasi kahit alam kong ang tanga ko na, umaasa parin ako.
Noon.
Noon 'yon.
"Fern, dito!"
Napatingin ako sa lalaking tumawag sa'kin. Nakita ko siyang nakatayo sa may upuan na nakapwesto malapit sa ilaw. May kasama siyang lalaki at nang lapitan ko sila, nakita kong si Kenrick pala 'yon. Boyfriend niya.
"I'll wait in the car," ani Kenrick bago hinalikan si Arkin sa noo at umalis na. Tinanguan pa ako nito bilang pagbati na pareho ko namang sinagot.
Arkin and I sat down with a distance. Pareho kaming nakaupo sa bawat dulo ng upuan.
"Sorry for calling you this late. I heard you were with Acey and your friends," panimula ni Arkin.
"Oo. Babalik din ako ro'n. Ano palang sasabihin mo?" tanong ko.
Kailangan kong tapusin agad 'to dahil babalikan ko pa si Acey. Nangako ako na mag-uusap kami pagkatapos.