35

314 14 6
                                    

Enzo Kion Zurriaga
7:35 pm

Fern:
Paps

Emergency. Need ko kausap

☹️☹️☹️☹️☹️

Enzo:
Yes papi anyare sayo

Fern:
Naguguluhan ako

Tangina

Hindi ba nagka-ex ka na? Si Ericka?

Enzo:
Anong Ericka? Gago si Eunice yun

Bakit?

Fern:
Basta yun

Paano mo nalamang nakamove-on ka na sa kanya papi?

Enzo:
Huh? Ang sudden ng tanong

Teka need ko alalahanin

Okay...Hindi ko alam kung "paano" talaga papi. Pero basta isang araw narealize ko nalang na okay na ako na wala na kami?

Iyong mga bagay na dati siya ang inuuna ko, hindi ko na ginagawa. Kaya ko ng unahin ang sarili ko sa mga bagay na nakakapaalala sa akin tungkol sa amin dati

Basta papi

Magaan na sa pakiramdam. Wala na iyong gabi-gabing pag-iisip na sana magkabalikan pa kami

Iyong kahit may mga tanong pa ako, hinayaan ko nalang. Kasi pinili ko ng magmove-on na

Basta paps ganun hirap iexplain amputa

Fern:
Gulo naman

Paps sa tingin mo ba tapos na ako kay Arkin?

Enzo:
Gago bakit ako tinatanong mo? Ikaw dapat may alam niyan

Fern:
Tangina kasi naguguluhan ako at natatakot

May nagugustuhan na yata ako

Pero natatakot ako. Hindi ko maamin sa sarili ko na may nagugustuhan na ako ulit

Kasi gago paano kung nadistract lang ako? Paano kung naoverwhelm lang ako? Kasi paps tangina, apat na taon kung hinabol si Arkin, apat na taon na rin niya akong paulit-ulit na tinatanggihan

Tapos ngayon...Nakakapanibago na hindi na ako umaasa sa amin ni Arkin

Gago ayokong saktan 'tong taong 'to papi

Hindi ko kayang saktan 'to

Enzo:
Teka lang ang bigat ng revelation mo kailangan kong huminga

Fern:
Ayusin mo ang sasabihin mo Kio

Enzo:
ITO NA HUHU NAG-IISIP PA AKO JUSKO NAMAN

So eto lang paps ah, sa akin lang 'to ah?

Hindi kasi biro 'yung apat na taong paghahabol papi, apat na taong pagpapakatanga? Kasi ilang beses mo ng inamin sa sarili mo paps, paulit-ulit na rin na sinabi ni Arkin sayo sa text at personal na tapos na kayo, na wala na talaga pero ikaw, pinili mong ikulong ang sarili mo sa kung ano ang meron kayo dati

Hindi ko talaga alam papi kung paano mo nagagawang umasa ng paulit-ulit at lunukin lahat ng rejections ni Arkin sayo

Pinagsabihan ka naman namin na baka oras na talaga na tumigil na pero ang tigas ng ulo mo, sabi mo maghihintay ka pa kaya sige, bilang dakilang tropa mo, sinuportahan ka namin kasi choice mo naman yan. Sa huli, ikaw parin ang magdedesisyon sa buhay mo

Kaya ayun, nasanay ka sa ganun. Kaya ngayon na may gumulo sa cycle mo na yun, naninibago ka

Nakakaloka lang na binubuhos mo ang atensyon mo sa taong wala namang pake sayo #truthhurts sorry papi need mong mabasa 'to

Fern:
Tanginang yan

Enzo:
HAHAHA

Pero gago seryoso na

Hindi kasi ako naniniwala paps na naaapply lagi iyong kung may problema ka, dapat personal mo 'yong ayusin

Minsan kasi kailangan natin ng tulong. Iyong taong magpapa-realize sa atin sa mga bagay-bagay? Kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon kaya natin ng tayo lang. Minsan, kailangan talaga natin ng partikular na tao sa buhay natin para maliwanagan tayo

At kung si Keith ang taong 'yon papi, wala namang mali ro'n

Fern:
Anong Keith? Wala akong sinasabing pangalan ulol

Enzo:
Sa akin ka talaga magsisinungaling Fern Dale? 😏

Fern:
Tangina ka

Enzo:
HAHAHAHAHA

The fact that you are considering his feelings and being careful not to hurt him, patunay na 'yon na genuine ang nararamdaman mo sa kanya

Kasi kung isang kang gago, pinormahan mo na yun agad-agad

Fern:
He's just so...

Pure.

Alam mo 'yon? Noong una, parang kapatid lang tingin ko sa kanya e pero habang tumatagal gagi parang iba na talaga

Yung boses niya papi, yung mga kilos niya... yung siya mismo

Tangina. Gustong-gusto ko siyang alagaan tapos protektahan. Gusto kong ibigay lahat ng magagandang bagay sa mundo para sa kaligayahan niya

Ang corny😭

Pero kinikilig ako gago

Gustong-gusto niya yang mga baby na memes🥺

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gustong-gusto niya yang mga baby na memes🥺

Tangina bahala ka nga jan Kio‼️

Enzo:
HAHAHAHA GAGO KA

ANG PANGET MO KILIGIN FERN DALE😂

University Dump #2: To Comeback (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon