42

289 12 2
                                    

GrAceCious
8:12 pm

Greed:
I will ask this only once so answer me HONESTLY.

@Keith Acey De Vera is there something going on with you and Fern Dale Zapanta?

Keith:
SI GREED NAKAKATAKOT😭

Pero anong klaseng going on ba hehe

Greed:
Keith. Seryoso ako. Last week ko pa napapansin. Palagi kayong magkasama dalawa, binibigyan ka ng pagkain, hinahatid-sundo, pinupuntahan ka sa room natin at kasama natin siya kanina para bisitahin si Shushie

What is going on?

Keith:
Hindi ba pwedeng friends laaang??? Ganyan din naman kayo sa'kin ah

Greed:
Friends don't wait for hours, we don't do that.

And also, ang layo ng engineering department sa arts department para lakarin ni Fern ARAW-ARAW mapuntahan ka lang

Keith:
Okay

Hindi ko rin alam ang nangyayari

I mean, alam ko pero hindi ko pa klaro

Like, feel ko nilalandi ako ni Fern...

Okay nilalandi niya ako.

Hindi ko lang maamin masyado sa sarili ko kasi sabi niyo di ba dapat protektahan ko puso ko

Greed:
Then ask him. Everything should be clear, hindi iyong nangangapa ka sa dilim

Keith:
What if assuming lang ako

Greed:
You are assuming bcs he's giving you motives.

Gusto mo ba ako ang kumausap? I know he's older than me and taller plus bulkier too, but I can fight naman?

I can bring Shushie, siya ang pinakamatapang sa ating tatlo and she's the president of APS

Keith:
HAHAHAHAHAHAHAHHAHA ANO BA😭

NO NEED

I'll ask him this weekend. Sasama kasi ako sa vet visit ni Akirn

Greed:
His ex?

Keith:
THE CAT

Greed:
Okay.

Update mo kami.

And I don't want secrets anymore.

Keith:
SORRY NA MANONG GREED KASI NAMAN NAGAGALIT KA AGAD!!!

Greed:
Sinong hindi magagalit if you're making yourself vulnerable? I was there the first day you liked Fern and until now. Alam ko kung ano pinagdaanan mo

Keith:
Oo na wag ka na stress. Kalma😌

Anyways, bye, tawag na ako ni mama

Greed:
Okay.

Keith:
ALAGAAN MO NG MAAYOS SI SHUSHIE. HUWAG MO AWAYIN TULAD KANINA!

Greed:
HINDI KO SIYA INAWAY. MAINIT LANG ULO NIYA PALAGI SA'KIN, HINDI KO ALAM BAKIT

Keith:
Hehe 🥰🥰🥰

Greed:
Tigil mo nga yan

Keith:
Ewan ko sa inyo

University Dump #2: To Comeback (BxB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon