24

93 22 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


We're currently at a bar here in Paris, Moonshiner ang pangalan ng lugar. Me and the girls were out drinking at sina Zayn at Luca naman ang nagbantay sa anak namin. I was staring at my engagement ring at hindi pa rin ako makapaniwala na nagpropose siya sa akin kahapon.


We're currently having a small celebration of it kasi alam kong hindi naman na kami makaka-gala pa ulit pag bumalik na kami ng Pilipinas. Hindi rin namin pinaalam sa iba ang tungkol dito, kaming magkakaibigan pa lang. 


But I plan on telling my parents that and I'm sure na hindi na sila tututol sa amin dahil marami na ang naitulong ni Zayn sa kanila. 


"Tama na katititig mo dyaan sa singsing mo," Yuki said and I turned to her before nodding and drinking my shot. Medyo nahihilo na nga ako agad eh. Hindi na rin kasi ako gaanong nagiinom pagkatapos kong isinilang si Zairah. 


I just don't want her to grow up with a mother na pala inom, ayaw ko no'n. 


"Nakita mo na ba yung drone shot niyo kagabi?" tanong ni Azaleah sa akin at umiling naman ako. "May drone shot?" tanong ko at tumango naman silang lahat. Paano naman kaya nila nalaman?


Lumapit si Yuzu sa akin at pinakita ang shot at nakita ko ang isang magandang view habang kayakap ko ang aking mahal. "Send ko sa'yo mamaya lahat ng pictures niyo." sabi ni Yuzu at tumango ako. 


"Paano niyo nalaman na nagpropose si Zayn?" tanong ko at tumawa naman silang tatlo. "Alas quatro pa lang beh nandoon na kami sa taas ng Eiffel Tower nilalagay yung petals na 'yon. Tas yung mga kandila inutusan pa namin yung staff na sindihan 'yon pagkarating natin doon." pagkwento ni Azaleah.


Damn this guy, that's why he was not beside us when I  woke up at 5 am! May palusot pa  siya  na nag gym sila, tsk. "He even bought you the ring last minute,"  dagdag pa niya at napangiti naman ako sa sarili ko.


Lord, what did I have to do to deserve a man like him?  Masyado niya nang pinaramdam sa akin na karapat dapat akong mahalin. Sobrang swerte ko talaga sa kanya.


"Alam mo, Caitlyn. Noong bumalik si Zayn sa buhay mo galit talaga kaming tatlo. Kasi pinaglaruan ka niya noon eh. Hindi ka niya pinanagutan. Alam mo ba hinahanap ka niya sa amin pero hindi namin masabi kung nasaan kayo." sambit sa akin ni Yuki.


Hindi ko naman sila masisisi, kahit ako galit na galit din sa kanya. Wala na nga akong plano na ipakilala sana si Zairah sa kanya eh. Pero noong nabully si Zairah sa old school niya na wala siyang ama nalungkot ako.

Cale Crisologo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon