Shawntel's POV
Nagising akong walang makulit at maingay sa kwarto ko. Lumingon lingon pa ako sa paligid, nagbabaka sakaling makita si Bruha sa sulok-sulok.
Nang masigurado kong safe at walang bakas ni Ate ay bumangon na ako. Himala yata, walang maingay ngayon payapa ang buong bahay. Nasaan kaya si bruha?
"Ma, alam mo kung nasaan si Ate?" tanong ko agad ng makalabas ako ng kwarto.
"Nakitulog sa kaibigan niya, gumawa ng thesis paper nila." Tumango-tango naman ako sa naging sagot ni Mama.
Dumampot ako ng tinapay at nilagyan ko ng peanut butter, nakakapanibago ang tahimik kong umaga.
"Istel, maaga pa naman. Dalhin mo nga itong mga bulaklak sa kabilang bahay." Utos ni Mama sa akin.
"Sige po." Dadamputin ko palang ang mga bulaklak ng humabol si Mama.
"Istel, ito pa pala! Nagluto ako ng adobo, naparami ang luto ko sabihin mo nalang kay Mareng Natalia." Tumango rin ako at binitbit na ang mga halaman at tupperware.
Kabilang bahay
Nakailang pindot na 'ata ako sa doorbell nila pero wala pa ring lumalabas.
"Baka sira?" bulong ko.
Napansin kong hindi naman nakasara ang gate nila kaya pumasok nalang ako. Sumilip ako sa bandang garden ngunit walang tao.
"Tao po! Tita Natalia?! Tao po!" Tahimik ang bahay parang walang tao.
"Sigurado ba si Mama na nandito si Tita Natalia? Weird." bulong ko ulit.
Aalis na sana ako nang mapansin kong may pigura ng tao sa gilid ng pinto, bigla itong tumayo.
"Tao p—Hala! Multo?" Pinilit ko pang silipin 'yon ngunit wala na agad siya roon.
"Hala! Saan napunta 'yon? Tsk, gutom ka pa 'ata Istel kung anu-ano nakiki—WAAAAAAHHH"
"Hey! Hey!"
"AAAAAAAHHH! HUWAG PO, TAKOT PO AKO SA MULTO! ISIPIN NIYO NALANG NAPADAAN AKO!" Nakapikit kong sigaw.
"Pfffthahahaha~" Huh? May tumatawang multo? sambit ng utak ko.
"I can't stop laughing! You're incredible," komento nito. Unti-unti kong iminulat ang mata ko, tumatawang Nickolas ang nakita ko.
Napalobo ang pisngi ko sa inis.
*Toinks*
"Aw! Para saan 'yon?!" Inis niyang tanong habang himas ang parteng binatukan ko. Tsk, buti nga sayo!
"Edi, natigil ka rin! Sa lahat ng pwedeng pagtripan ako pa talaga napili mo! Tsk, bahala ka dyan!" Iniwan ko na lahat ng dala ko at mabilis na umalis.
"Ikaw na nga 'tong pumasok ng walang paalam, galit ka pa!" habol niyang sigaw.
SCHOOL
Nakasimangot akong pumasok ng room. Mabuti wala pa si Madam Goreng kundi lagot nanaman ako nito.
"Ms. Ferrer." Napataas agad ako ng ulo ng marinig ko ang boses ni Madam Goreng. Don't tell me, may magic 'yong voice ko at dumating kaagad siya sa room namin.
"Read page 138." Hindi nga ako nagkakamali, nandito na si Madam. Nagpalinga-linga pa ako, tinignan ko pa 'yong ilalim ng table ko.
"Anong hinahanap mo? Do you think kasya ako sa table mo?" Napahinto ako sa paghahanap at dahan-dahang tumingin sa likuran ko. Ilang beses muna akong kumurap bago ngumiti.
"Anong oras na ba? Wala ba kayong orasan sa bahay at LATE KA NANAMAN SA KLASE KO!" Naglaho ang ngiti ko nang sumigaw si Madam. Take note nakalapel pa 'yan, siguradong nakabroadcast na ako.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...