Shawntel's POV
Maaga akong pumasok ng school, hindi ko na nga hinintay si Ate kasi tulog na tulog pa noong sinilip ko siya sa kwarto. Wala rin naman akong maayos na tulog kaya naisipan kong umidlip sandali, maaga pa naman para sa first subject ko.
Naalimpungatan ako sa maingay na paligid. Unti-unti kong idinilat ang mata ko, kinalabit ko pa 'yong nasa harap ko kung anong nangyayari.
"Anong meron? Wala tayong first subject?"
"P.E natin ngayon at si Sir Voltaire daw ang hahawak. Masungit 'yon at ayaw ng may nale-late sa time niya." Nawala ang antok ko ng sabihin niya 'yon. Agad akong tumayo at kumaripas na palabas ng room pero...
"Shawntel! Magpalit ka muna ng P.E uniform." Habol niya sa akin. Napatingin pa ako sa damit niya ng makatakbo siya palayo sa akin.
"Tanga mo naman self!" Mabilis kong kinuha ang P.E uniform sa locker ko.
"Footspa! Bakit sa lahat ng araw ganto kahaba ang pila nitong banyo na 'to." Bulong ko. Hindi ako mapakali sa gilid kaya...
"SI DARREN ESPANTO NASA KABILANG BUILDING!" sigaw ko. Mabilis pa sa kidlat naubos ang tao sa banyo.
Tatawa-tawa akong pumasok sa isang cubicle, "naisahan ko sila."
Sumalubong sa akin ang samu't saring reklamo ng mga estudyante. Para silang nalugi ng isang milyon sa hitsura nila. Itinakip ko agad sa mukha ko ang uniform at kumaripas ng takbo papuntang locker room.
"Muntik na'yon. *BLAG* AY KABAYONG BUNDAT!" walang emosyong nakatingin sa akin si Nickolas, mali nakipagtitigan pala, ngunit agad din niyang iniwas ang tingin at umalis na sa harap ko.
"Anong problema non? May topak nanaman 'ata." Napailing nalang ako sa nasabi ko.
Nang malapit na ako sa gym, nakita ko ang mga nakapila kong kaklase. "Patay, late nanaman ako."
Nang matiyempuhan kong nakatalikod si Sir V agad akong tumakbo at pumila sa likod ng mga kaklase ko. May kalakihan ang nauuna sa akin kaya medyo tago ako.
"Ms. Herrera would you remind to explain why your class turn in 33? I thought it's 32?" Napatingin ang buong klase sa president namin.
"Sir, there is no nothing wrong with my class attendance. We're still 32 Sir," paliwanag nito.
"So, how did you explain Ms. Ferrer's existence?" Nang mapabaling ako ng tingin kay Briana, masasamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin.
"Sorry, Sir. I thought she will be absent today." Nakayuko nitong sagot.
Natanaw ko naman ang PE teacher ng class 4A na palapit sa amin.
"Sir V mukhang mainit nanaman ang ulo natin ah." Pang-aasar ni Ms. Guzman. Hindi naman siya pinansin ni Sir at nasa akin ang tingin. Matunaw ako Sir *chuckles*
"Would you remind me, what's funny Ms. Ferrer?" Napatayo akong tuwid sa sinambit ni Sir.
"Nothing Sir," sagot ko.
"Itatanong ko pa ba kung bakit ka late Ms. Ferrer? I'm waiting." Mahinahon nitong sabi at mataman akong tinignan. Nakitingin na rin si Ms. Guzman sa amin.
"Marami po kasing nagbibihis sa girl's comfort room, hindi po ako makasingit."
"Do you think it is my problem? Ang haba-haba ng oras para sa first class mo pero ganyang excuse ang makukuha ko? Come here." Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Face your classmates. What did I say about late comers?"
"He/she should sing or dance," sabay-sabay nilang sambit. Ay mga pabida char, I'm doomed. I can't sing nor dance, ang malas mo naman self.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...