Shawntel's POV
Halos isang linggo na ang lumipas matapos ang insidente sa pagitan naming tatlo nila Kulas at Ate. Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Kulas, kung hindi tutoring session hindi niya pa ako papansinin.
Tulad ngayon, tutoring session namin pero hindi na siya masyadong naghihigpit lalo na at hindi na rin ako nito masyadong sinesermunan kada maling sagot.
Nakakapanibago tuloy.
"Ah, excuse me... VP, kailangan daw ni Pres. iyong kopya ng events next week tapos mo na raw ba?" biglang sulpot ng isa sa mga miyembro ng student council. Lihim akong nakikiusisa sa pinag-uusapan nila.
"May mga binago kamo ako sa events. Balitaan mo ako agad kung aprubado ba niya o hindi," sagot ni Kulas bago inabot ang puting folder dito.
"Ay VP! Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?!" hiyaw ko. Sukat pingutin ba naman ang tenga ko.
Mabuti na lang at wala kami sa library ngayon kundi lagot ako kay Madam Goreng, sabihin non nag-iingay na naman ako.
"You're spacing out again? Tapos mo na bang hanapin iyong mga pinahahanap ko sa 'yong words? Can you recite it." Napatitig ako sa seryoso niyang mukha habang ang atensyon ay nasa libro.
Nang hindi siya nakakuha ng sagot mula sa akin ay siyang pag-angat niya ng tingin. Nataranta naman akong naghanap ng librong ma-ipanghaharang sa mukha. Napabuntong hininga lang ang isa at maya-maya napa-crossed arms na sa harap ko. Sheyts na malagket, ready to sermon na naman ba si Yabang?
"So, hindi ka pa tapos. Siya, I'll give you another 30 minutes." Tipid niya lang na tugon at muli nang bumalik sa binabasa. Eh? Ganoon lang?
Napanguso ako habang inabot sa kaniya ang papel na sinulatan ko, hindi talaga ako sanay ng hindi ako nasesermunan. Asar siya, may mali ba akong ginawa? Dapat ba hindi ko sinungitan si Ate?
Wala siyang nagawa kundi abutin iyon at pagtuunan ako ng pansin. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga, tinitigan ko siya sa mata kaso hindi natinag at talagang sa papel ko lang siya nakatingin.
"Preclude - it is a verb that used to shut out. Pagsarhan, magsara sa tagalog." Nakita ko ang kaniyang pagtango marahil tugma ang sinasabi ko sa nakasulat.
"I was preclude by the grocery store." Nakita ko ang pagcheck niya sa papel gamit ang pulang ballpen.
"There's another meaning of it. Preclude also a verb that can be used in a sentence as to prevent. Pigilin, pumigil, o pigilan sa tagalog." Napatingin sa akin si Kulas matapos kong sabihin iyon. Nginisihan ko siya pero hindi niya ako pinansin at itinuon lang ulit sa papel ang tingin.
"Kulas' strictness precludes me to do naughty acts." Lumawak ang ngiti niya sa gawa-gawa kong sentence. Ewan ko ba kung tama iyon o hindi basta binuo ko para asarin siya kaso mukhang ako yata ang maaasar.
"Predilection - it is a noun that used in a sentence for making preference or liking. Pagnanais, kagustuhan in tagalog." Napanguso ako nang wala akong makuhang reaksyon kay Kulas.
"I'm vocal about my predilection for sleeping right now," bagot kong dugtong. Ang hirap naman niyang asarin.
"Continue."
"Ignominious - adj. humiliating, entailing dishonor. Nakahihiya, kahiya-hiya in tagalog."
"Interesting, how can you used it in a sentence." Rinig kong komento niya. Bumalik ang ngiting pilya ko, handa ako don't me.
"Kulas experienced ignominious act, last week." Mas lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti, shete siya imbes na siya ang maasar mukhang ako pa ang naaasar sa kaniya ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Genç KurguAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...