Shawntel's POV
Napaatras ako dahil sa nakita, nanlalabo ang tingin pero malinaw na malinaw kong nakita ang saya sa mga mata ng Ate ko ba siyang ikinatalikod ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa hardin ni Mama, pumitas ako ng bulaklak doon at pilit inaaliw ang sarili.
"Mayabang, hindi. Mayabang, hindi. Tsk..." Tinapon ko iyong bulaklak na natanggalan ko na ng petals.
"Mayabang siya. Maski bulaklak hindi nakikisama sa akin. Mayabang siya, sobra." Inis kong sambit habang nakatingin sa itinapon kong tangkay.
Pumitas ulit ako at inisa-isa hanggang sa hindi pa rin ang sagot ng bulaklak. Sa inis ko, tinapon ko ulit iyon at tinapakan.
"Mayabang nga kasi siya, asar. Kung bakit ba kasi naging kapitbahay pa nam—"
"Bakit kasi kayo lumipat." Naputol ang sinasabi ko dahil sa biglang pagsulpot ng lalaking kinaiinisan ko.
Hindi ko siya sinagot at inismiran lang siya. Wala ako sa mood pansinin ang mayabang na 'to. Mas lalong umikot ang mga mata ko nang matagpuan ko siyang umuupo sa katabi kong upuan. Kapal nga naman ng mukha.
"Bakit ka nandito?" matabang kong tanong.
"Ikaw, bakit ka nandito?" ganting tanong niya rin. Aba't talaga naman.
"Malamang bahay namin 'to," pilosopo ko.
"Bakit ka nandito?" ulit niyang tanong. Lakas talaga ng amats ng taong 'to.
"Bahay nga namin 'to, matilok ka pa—bakit ganyan ka makatingin?!" Pipilosopohin ko sana ang sagot ko kaso ayan na naman ang seryosong tingin niya sa akin.
"Huwag kang magalit sa Ate mo. Nasasaktan lang 'yon dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya." Natahimik ako sa gilid niya. Tsk, ano bang pakialam ko? Hinalikan niya pa rin Ate ko.
"Hindi dumikit, at mas lalong hindi ko gagawin iyon." Muling dugtong niya na siyang ikinatingin ko sa kaniya.
Ano ba 'to, nababasa niya ba ang isip ko? Tsk, asar talaga ang lalaking 'to. Kahit kailan ang yabang, hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang.
"Nakita kita, at gusto ko lang sabihin na mali ang iniisip mo. Hindi dumikit at hinding-hindi didikit. May respeto ako sa Ate mo." Mas lalong umikot ang mga mata ko pagkatapos ay inilihis din.
"Bakit mo sinasabi sa akin? Sinita ba kita?" Matabang kong sagot sa kaniya. Manigas ka dyan, hindi talaga kita papansinin. Naasar pa rin ako!
"Your face says it all. Kitang-kita ko sa mukha mong naiinis ka sa akin. And..." Iniwanan niya sa ere ang katagang gusto niyang sabihin.
Napaingos ako at matalim siyang tinitigan. Ano? Bibitinin ako, aba talagang sinusubukan ang pasensya ko nitong mayabang na 'to e'.
"Ano?" nauubusan kong pasensyang tugon.
"And, ayokong pag-isipan mo ng masama 'yong Ate mo." Seryoso niyang tugon at iniiwas ang tingin sa akin.
Sus, ang tapang tumingin pero hindi naman pala kayang umamin. Napailing ako at napatayo, bahala siya d'yan. Ayoko siyang kausap, akmang aalis na ako nang hulihin niya ang mga kamay ko.
"Saglit." Pigil niya sa akin. Hindi ako kumibo at hinihintay ang sasabihin niya sa akin.
Ayusin mo Yabang kundi... "Sorry." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. T-talaga bang humihingi siya sa akin ng sorry? Ha, ibang klase.
"Sorry kung nakita mo kami sa ganoong posisyon. Inalo ko lang naman iyong Ate mo nang bigla siyang umiyak. Sa taranta ko, bigla ko siyang niyakap. Ganoon kasi ang ginagawa ko kay Hershey para tumahan. Sorry." Biglang lumambot ang pakiramdam ko dahil lang sa mga salitang naririnig ko mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...