Shawntel's POV
KASALUKUYAN kaming naglalakad ni Nickolas pauwi. Pagkatapos kasi ng nangyari sa music room ay wala na siyang kibo, ni-hindi nga niya ako tinatanong about sa pagtugtog ko.
"Here. You had your improvement regarding to your math problems and english construction. Makakapasa kana sa math at english subject natin this coming final exam." Pambabasag niya sa katahimikan. Inabot niya lang sa akin ang paper result ko this past weeks.
Sinilip ko naman at totoo nga, puro tama na ang mga solutions ko maski ang grammar ko. Sa sobrang tuwa, hindi ko napigilan ang sarili kong mapatalon at yumakap sa kaniya.
"Thank you! Thank you ng marami! Makaka-graduate na ako, salamat talaga Nickolas!"
"Ehem," pagtikhim niya.
Nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko ay mabilis akong napabitaw sa kaniya at nahihiyang tumingin sa paligid namin. Medyo nakakakuha na kasi kami ng atensyon.
"Ay sorry, pero salamat ah. Worth it lahat ng pagsusuplado mo, the best ka!" patuloy kong komento habang hindi inaalis ang tingin sa papel na hawak ko.
"I deserve a price then." Napatingin ako sa kaniya, nakangiti ito habang binibitawan ang mga salitang iyon. Gumuhit naman din ang ngiti ko at...
"Oo ba, ano bang gusto mo? Para pambawi ko na rin sa mga sakit sa ulong binigay ko." Pagbibiro kong sagot. Mas lalong lumawak ang kaniyang pagkakangiti na hindi ko madalas makita. Napatulala ako...
Maya-maya lang ay dinukot niya ang selpon at may pinindot doon. Inabot niya sa akin iyon, wala naman mapaglagyan ng saya ang nararandaman ko kaya heto ako at excited na binabasa ang laman ng phone niya.
Mabilis na nanlaki ang mata ko sa nabasa ko, hindi...
"Ayoko." Seryoso kong sagot at inihagis pabalik ang selpon niya.
"Kasasabi mo lang kanina that I deserve a price and this is I want," seryoso niyang sagot. Inis ko siyang binalingan ng tingin, nahihibang na ba siya? Hindi porket dinala niya ako sa music room ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko.
"Ayoko. Ipagawa mo na sa akin lahat, basta huwag lang ang pagsali sa singing contest!" Final kong tugon bago siya iniwan. Bahala siya sa buhay niya.
"But I want you to win the title, makakatulong sa iyo ang makukuha mong consolation price plus you can gain incentives para sa college mo. I heard, magbibigay ng scholarship sa makakasungkit ng title!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin at nagdiretso sa paglalakad.
Ewan ko kung bakit kuhang-kuha niya ang inis ko ngayon. I never show my skill in playing instruments to anyone at wala akong balak ipakita iyon in public, never in my life. Kaya anong pumasok sa kokote niya at iyon ang gusto niyang hingin sa aking kapalit?
Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, nadatnan ko si Ate habang nagdidilig ng halaman. Aasarin niya sana ako kaso naramdaman niya yatang wala ako sa mood kaya hindi na niya tinuloy at nagkibit-balikat na lang.
Padabog akong pumasok sa kwarto ko at maya-maya lang I burst out crying. Hindi ko kayang ipakita ang kakayahan ko, natatakot ako.
***
AFTER that day, iniwasan ko ng todo si Kulas. Hindi ko rin siya sinisipot sa mga tutoring session namin buti nga at hindi na niya ako pinasundo sa mga ka-student council niya.
Ang hindi ko lang ma-gets is bakit may mga pictures ako sa kaniya. Like, iyong pagpunta ko sa music room ng pa-lihim at pagkausap ko kay Bell. Maski iyong date namin ni Car—OH MY G! Don't tell me...
He knew from the start? Music room, singing contest?
Napatingin ako sa sobreng nasa ibabaw ng study table ko, baka napasama lang sa ibinigay niyang peace offering pero ang totoo gagamitin nila pang-feature photo sa school paper? Hayst, ang gulo naman kasi... puntahan ko kaya? Tama.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...