Shawntel's POV
PAGKATAPOS mag-almusal sa bahay ng mga Smith, nagpaalam na rin ako agad. Grabeng kahihiyan na rin ang inabot ko roon lalo na at pinagkamalan kong mag-jowa silang mag-pinsan. Bakit ba naman kasi ang sweet nung dalawa nung nakita ko? Ano 'yon, super close lang?
'Sadyang may sira lang ang mata mo, Istel.' Bulong ng konsensya ko. Aba't talaga naman pati konsensya ko, nakikisali. Pagbalik ko sa bahay, naabutan ko si Ateng naglilinis ng sarili niyang kuko. Pilya akong nangiti, asarin ko nga.
"Hoy, Bruha! May ichichismis ako sayo." Agad naman ako nakatanggap ng masamang tingin.
"O, relax. Kukwentuhan ka na nga, susungitan mo pa ako." Nakaismid kong reklamo sa harap niya.
"Eto na nga, alam mo ba 'yong crush mong kapitbahay?" Putol ko at sinilip ang kaniyang reaksyon, kahit paano ay naagaw ko naman yung atensyon niya.
"O?" tipid nitong sagot. Humaba ang nguso ko dahil doon, bigwasan ko kaya 'tong Ate ko? Mukhang ako ang napipikon e'.
"Bakla." Walang gana kong tuloy sa sinasabi ko.
"Aray! Ano ba?! Bakit mo ako binabato ng nipper!" Asik ko sa kaniya, sinong tao kasi ang mambabato ng nipper?! Muntik pang tumama 'yong talim sa mukha ko.
"Imagination mo kasi kakaiba. Hindi bakla si Kulas—hindi ka magugustuhan non kung bakla 'yon." Mas lalo yatang umusok ang ilong ko dahil sa kahinaan ng boses niya.
"Anong sabi mo?! Hoy! Ilakas mo nga, lagi mo na lang akong binibitin!" Pagrereklamo ko sa kaniya. Inirapan lang naman ako ng Bruha at bumalik na ulit sa ginagawa niya.
"Aba't! Ano nga sabi mo?!" Naiinis kong sigaw sa kaniya.
"Sabi ko, MALIGO KA NA ANG BAHO MO NA! TSUPI!" Ganting sigaw din ni Ate sa akin. Napabuga ako ng hangin, l*ntek talaga siya, mahusay manira ng araw!
"Che! Ang panget mo! Bruha!" Inis ko ring sigaw bago nagmartsa papasok ng kwarto ko.
MABILIS naman umusad ang oras at malapit na ang oras ng paglilitis ko—ay ng audition ko pala. Alas-dos pa lang ay nakagayak na nga ako, nagmamadali rin ako at baka hindi ko maabutan si Kulas.
Yas, you read it right. Aabangan ko 'yong mayabang na 'yon para ipaalam na tinatanggap ko na ang kaniyang kondisiones. Para makabayad din ako sa pagtututor niya sa akin, kahit na pilya ako e' pinagtyagaan pa rin niya akong turuan.
"Oh, saan lakad mo?" Bungad na tanong ni Mama pagkalabas ko ng kwarto.
"D'yan lang po sa school, raraket." Natatawa kong sagot bago lampasan si Mama.
"May date 'yan Ma!" Sigaw naman ni Ate mula sa kusina. Asus, umeepal na naman yata.
"Ano?! May date ulit ang prinsesa ko?" Yes, nandyan si Papa pero what?! No!
"No, Pa! Raraket ako, t'yaka hindi na nanliligaw si Carlo. Huwag ka na umasa Pa." Matabang kong sagot.
"Huh?!/Ano!/ Baket?!" Sabay-sabay na reaksyon nilang tatlo. Nagkibit-balikat lang ako.
"Mahabang kwento." Tipid ko ring sagot at lumabas na sa gate namin.
Pagkalabas ko, pasimple kong sinisilip iyong kabilang bahay. Pasimple ko ring idinidikit ang tenga ko sa gate—as if marinig ko sila sa loob. Maya-maya lang ay inayos ko ang sling bag kong dala at naupo sa katapat na plantbox ng gate namin. Malilim din naman kaya hindi masyadong mainit.
Hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang nakarolyong papel na naglalaman ng information tungkol sa gaganaping singing contest. Siguro mamaya pa si Kulas, alas kwatro pa kasi iyong audition. Hindi ko nga lang sigurado kung pupunta siya sa audition.
![](https://img.wattpad.com/cover/276963132-288-k194811.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...