Shawntel's POV
"ISTEL! BAKIT BA SA TUWING MALILIGO KA ANG TAGAL TAGAL MO?! BILISAN MO NA NGA DYAN KUNG AYAW MONG IWAN KITA!" Sigaw nanaman ng bruha mula sa labas.
"Mauna kana para hindi mo na ako hinihintay. Demanding ikaw na nga 'tong makikisabay." Pagsusungit ko habang palabas ng banyo.
"Ano may sinasabi ka?" Bungad niyang tanong sa akin.
"Wala! Ang sabi ko binge ka!" Malakas na sabi ko at kumaripas nang takbo papasok ng kwarto.
Nakatakas nanaman ako sa bruhang 'yon *chuckles*.
Wala pa man ding limang minuto naririnig ko na ang mga yabag ni Bruha.
*TOK*TOK*
Talagang kumatok pa ang bruhilda. Atat na atat, manong nauna nalang kasi umalis para hindi ako binubuliglig. Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang pagkatok niya, bahala ka dyan.
"ISTEL NAPUPUNO NA AKO! HINDI KA PA BA LALABAS DYAN! GIGIBAIN KO 'TONG PINTO MO!" Napabuntong hininga nalang ako sa ugali ng bruha kong Ate.
"TAPOS NA! TARA NA, AMBAGAL!" Pabalang kong sagot at nauna nang lumabas ng gate. Nasaktuhan ko naman si Yabang na kalalabas lang din.
"Nice hairstyle." Tipid niyang sabi at nagfly away na sa harap ko. Pinaikot ko lang naman ang mata ko at nagcross arm.
Kahit kailan talaga ang sama ng ugali tsk.
"ATE! ANG TAGAL MO! ATAT NA ATAT KA KANINA TAPOS IKAW 'TONG AYAW LUMA—" Napahinto ako sa pagsigaw ng padabog na lumabas si Ate. Nakapoker face ito at nauna nang maglakad sa akin.
"Anong problema non? Tsk, ang gulo ng isip." Bulong ko nalang at sumunod sa kanya, agad din naman siyang huminto at bigla nalang ako hinarap. Napatakip naman ako sa katawan ko ng makitang poker face parin si bruha.
"Bakit ba?!" Inis kong sagot sa kaniya.
"Sinadya mo bang hindi magsuklay para lang mapansin ni Nickolas!" paghihimutok nito. Napatanga ako sa sinabi niya. Kaya naman pala nagkakaganyan ang bruha dahil kay Nickolas loves niya. *insert fake nasusuka*
"FYI, sa kamamadali mo nakalimutan ko nang magsuklay pati 'yong suklay hindi ko na nadampot. Kasalanan ko bang mausisa pala 'yang crush mo!" Pagtataray kong sagot.
"OH!" Hinagis niya ang suklay mula sa bulsa niya. "Hindi kana nahiya! Lalabas ka ng hindi man lang nakasuklay!" dugtong pa nito at tinahak na ang daan papuntang sakayan.
Napailing nalang din ako at... "TENKYU, BRUHA!" Tinaasan niya lang ako ng middle finger at hindi na humarap.
Tahimik na hallway ang bumungad sa akin sa building 6.
"Anong oras na ba at ang tahimik na sa hallway?" bulong ko. Dinukot ko ang selpon sa bulsa...
O.O
"Takte! 8 am na pala!" Kumaripas agad ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa room namin.
*Inhale*Exhale*
*Inhale*Exhale*
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sa likod at maingat na pumasok. Mabuti nalang at nagsusulat si Sir Choy sa blackboard kaya hindi ako mapapansin nito.
"Why are you late Ms. Ferrer?" Napasapo nalang ako sa noo ng makita ako ni Sir sa ginagawa kong paglakad.
"Traffic po," tipid kong sagot.
"Sa pagkakaalam ko naglalakad ka lang tuwing umaga," panggigisa niya pa sa akin. Napakunot naman ako, "Stalker ko ba si Sir?" bulong ko.
"Hindi. Nakikita kita sa tuwing pumapasok ako." Mabilis na sagot ni Sir. "Mind reader?" muling bulong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/276963132-288-k194811.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...