Shawntel's POV
Pinukulan ko ng matatalim na tingin ang taong nagsabi non. Huwag siyang epal, nasasaktan na nga 'yong tao tapos pumapapel pa siya. Anong karapatan niyang magsabi ng ganon?! Oo na nga alam kong t*nga ako pero sobra naman yata sa lampa?
Pinagpag ko ang pang-upo ko at hinarap ang taong nakabungguan ko. Mapakla akong ngumiti nang mamukhaan ko siya. Guess who? Si Yabang lang naman ang bumunggo sa akin. Katulad ko, tinititigan niya lang din ako. Tsk, tusukin ko kaya 'yang mata niya! Sira na nga araw ko, mas lalo pang nasira.
"Bakit ganyan ka makatingin? Nagsasabi lang ako ng totoo. Pinakitaan ka lang ng good side akala mo gusto ka na. Manhid ka nga." Mabilis niyang depensa habang umiiling pa. T'yaka ano raw? Bakit bumubulong na naman siya?
Kaso wala talaga ako sa mood makipag-asaran sa damuhong 'to kaya imbes na sagutin ang pang-aasar niya, ngumawa ako sa harap niya. Nakakainis, nakita na niya kung gaano ako kat*nga! Ayoko na!
Sumabay sa pag-iyak ko ang mahina niyang tawa, kaya unti-unting humina ng pag-iyak ko. Nakakainis talaga siya, nakuha niya pa akong tawanan! Napakasama talaga ng ugali nito.
Sumisinghot-singhot ako at nanatiling yumuko. Maya-maya lang ay may lumitaw na panyo sa paningin ko. Agad akong nagtaas ng tingin, mga kamay 'yon ni Kulas.
"Tanggapin mo na bago pa magbago isip ko," mahinang usal niya. Kaso sadyang lutang ako at matagal na nakatitig don.
Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng malambot na tela sa mukha ko. Siya na mismo ang nagpunas ng luha ko. Matutuwa na sana ako kaso...
"Tumutulo uhog mo," sambit niya at itinakip sa mukha ko ang panyo niya.
Inis kong inalis iyon sa mukha ko at sininghalan siya, "Wala ka na talagang matinong sasabihin noh!" Inis kong sagot sa kaniya bago siya talikuran.
Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako. Napatingin tuloy ako sa kaniya, umismid lang siya bago niya ako hilahin paalis doon. Shutaccles, ang higpit ng hawak-mukhang binabawian ako ah.
"Hoy! Bumitaw ka nga, masakit!" Sita ko sa kaniya. Imbes na sundin ang utos ko, niluwagan na lang niya ang pagkakahawak.
Nakapagtataka at hindi siya nagtanong ng rason kung bakit umiiyak ako. Mukhang inakala niyang dahil sa pagkakasalampak ko sa semento kaya ako umiiyak.
"Aray. Bakit ka ba tumigil bigla?!" Naasar kong pansin nang tumama ang ilong ko sa likuran niya.
"Hindi." Biglang sagot niya, hala nyare? Nakasinghot na naman ba siya?
"Huh?" Nagtataka kong tugon.
"Hindi ang sagot sa kung ano mang tumatakbo dyan sa kokote mo."
"Huh?"
"Lampa na nga, binge pa. Umayos ka nga, kung anu-ano kasi iniimagine mo. Para matahimik 'yang isip mo, sasabihin ko ng alam ko kung bakit ka umiiyak. Manhid ka kasi kaya karma mo 'yan." Masungit niyang paliwanag sa akin. Aba, bipolar din yata ang isang 'to.
"Che! Linawin mo kasi, masyado kang magulo!" Irap kong sagot sa kaniya at hinigit ang kamay ko mula sa kaniya. Tsansing masyado.
"Kuhanin mo na 'yong bag mo at sabay tayong uuwi. Magrereview ka pa. Hintayin mo ako sa gate, may kukuhanin lang ako sa office," paalam niya. Hindi ko namalayan ang oras, uwian na rin pala.
Sasagot pa sana ako kaso agad na siyang tumalikod at umalis. Magulo rin ang isang 'yon, t'yaka duh! Hindi kita hihintayin. Bye! Lumiko na rin ako papuntang room para kuhanin ang bag ko.
Naglakad ako nang pawang walang nangyari-oo nga, nakapagtataka at parang hindi ako masyadong apektado kay Carlo. Baka kasi nandyan agad si Kulas kay-no! Erase, mapapel talaga ang mayabang na 'yon. Basta isa lang alam ko, ayoko muna makita si Carlo ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig ni Ms. Chubby
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pag-ibig ng isang matabang babaeng mahiyain. Ikinukubli niya ang kaniyang talento sa likod ng kaniyang mga fats at mga kalokohan, sapagkat takot siyang mahusgahan ng karamihan. Meet Ma. Shawntel Ferrer, isang estudyant...