Chapter 15

110 10 1
                                    

#15

Andito na ako sa school,ilang araw na kaming di masyado nagkakausap at nagkakasama ni sehun. Minsan nakakasama ko siya kasi pasulpot sulpot kung saan saan, tatawagin ko na talaga siyang Castro Kabute,joke. Pero ewan ko,hindi naman na ako nagtatanong pa. Basta go with the flow na lang ako. Kung magsabi siya edi makikinig ako. Kung hindi edi hindi. Yun lang naman yun e. Pero kasi this past few days,parang may tinatago ang mga ito sa akin eh. Pero hindi pa din talaga kami magkakilala nitong si Beatrice.

Magkakausap nga pala sila at ako eto ngangabells sa harap ng phone ko. Soundtrip lang,sobrang ganda ng kanta ng Minah na I am a Woman too. Naramdaman ko naman na may kumulbit sa akin kaya nilingon ko. Si siwon yung kumulbit.

"Kita tayo roof top mamaya may sasabihin ako" sabi niya. Tinanguan ko naman siya tsaka bumalik na ulit sa pakikinig ng kanta. Pero nakaearphone naman ako. Vacant time pala namin. Kaya pala wala pang nadating na teacher. Maya-maya kinulbit nanaman ako ni siwon. Sumenyas siya ng tara-rooftop-sign. Tumango naman ako tsaka binigyan siya ng ikaw-muna-look. Tsaka sumunod sakanya makalipas ang anim na minutos.

Ano naman kaya ang sasabihin niya? Sa totoo lang wala talaga akong idea sa sasabihin niya. Binuksan ko ang pinto ng rooftop at dahan dahang isinara matapos makapasok. Nakita ko siya nakaupo at nakatingin sa kawalan. Napnsin naman niya ako kaya tatakbo na akong lumapit sakanya habang nakangiti.

"Anong sasabihin mo?" Sabi ko habang nakatingin sa kung saan man habang nakangiti. Huminga muna siya tsaka nagsalita. "Didiretsuhin na kita, will you believe if i say na i like you? And im falling inlove with you?" Sabi niya. Napawi ng mabilis ang mga ngiti ko at binalot ng kaba ang buong katawan ko. Ano daw ang sabi niya? Gusto niya ako at naf-fall na siya? Teka? Tama ba? Or nabibingi ako?

"H-huh? Okay ka lang ba? Oy ha tini-trip mo nanaman ako. Ano kasi ang sasabihin mo" sabi ko sakanya. "Ayon nga. Sam,gusto kita" sabi niya. Jusko lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Paano? Paano ko sasabihin na ayaw ko i mean hindi pwede? "Ano kasi Siwon,ayoko ng paasahin ka. Pero kasi,hanggang kaibigan lang talaga" sabi ko naman sakanya. I saw his eyes,punong puno ng sakit. Ayoko ng ganito,may nasasaktan akong tao. Gusto ko ng umalis pero,gusto ko na ipaintindi sakanya. "Okay lang sakin,basta let me show my effort to you. Even though,hanggang friends lang" sabi niya. "O-okay,sige Siwon alis na ako" sabi ko.

Nakaramdam ako ng matinding hiya,ewan ko. Parang ako yung na-reject? Pero kasi hanggang kaibigan lang talaga ang tingin. Hanggang dun lang talaga. Kaagad akong pumasok sa room. Pero walang tao,recess na pala? Wow naman! Bakit ba ang bilis ng oras. Jusko patay! Iisipin na naman ng siyam na lalaking yun e tumakas ako! I mean baka pala isipin nila. Patay nanaman ako neto! Kelangan ko silang hanapin.

"Tara recess?" Nagulat ako sa nagsalita. Si sehun. Oh himala? Andito siya. "Ay? Oy hi!" Sabi ko sabay ngiti. Nakita ko yung dala niya,may two orange juice,tapos may sandwich pa. Dalawa din. Agad naman niya akong hinila. Bastusan lang beh,pwede naman niya akong sabihan ng tara kakain tayo. Hayyy, nandito kami sa bench sa may fountain.


Binigay niya sa akin yung sandwich at juice. Tahimik lang akong nakain,nakakahiya pati kasi naman nakatingin siya. "Wag ka ngang tumingin" sabi ko sakanya. "Arte mo,e nung kayo nga ni Siwon wala ng space e, tapos magkaharap pa kayo habang nakain ka. Eh tayo nga may space pa,e tinitingnan lang naman kita" natigilan ako sa sinasabi niya. "Naguusap kami non" sabi ko sabay irap. "Pero kelangan halos magkalapit na?" Sabi naman niya sabay poker face. Sa totoo lang ang cute niyang tingnan kapag ganito.

"Nagseselos ka ba?" Pang-aasar ko sakanya. "Hindi ah" sabi naman niya. "Ashuuuu! Nagseselos ka no?" Sabi ko pa din. "Hindi nga,bakit naman ako magseselos? Eh diba nga----" i cut him off. "Sayo wala akong karapatan magselos,pero sakin okay lang naman" sabi ko habang nangiti ngiti pa.


"Hindi nga sabi" sabi niya. "Okay dyan ka na,puntahan ko si Siwon" sabi ko at akmang aalis na. "Subukan mo. Tsk! Umupo ka dito. Oo na! Nakakainis ka." Sabi niya at napahagalpak naman ako ng tawa. Namumula na siya at naniningkit na ang mata. "Bakit ka natawa?" Sabi niya. "Wala lang,kain na tayo" sabi ko naman.


BEATRICE'S POV

I'm Beatrice. Okay yun na lang. Nandito kami sa room,kausap ko exodus. I saw a girl talking with Sehun. So,i asked them,what's the name of that girl talking to my Sehun. (A/N: tumigil ka sa english mo!) Fine. Tapos sabi nila Sam daw ang pangalan. Friend daw nila. Mukha naman siyang mabait eh.

Recess na pero hindi ko nakita si Sehun. Nandito na nga kami sa canteen eh. Pero wala pa din si Sehun. "Nasaan ba si Sehun?" Tanong ko. "Kasama lang yun ng friend namin na si Sam" sabi naman ni suho. "Ahhh,saan naman?" Tanong ko. Pero nagkibit balikat lang sila. Minsan kasi na magrerecess,tapos wala si Sehun. Ayon sasabihin nila magkasama sila nung friend nila. Lagi ko silang nakikita magkasama sa bench doon sa fountain. At sayang saya,kaibigan nga kaya? I eyed at suho. "What?" Tanong niya. "Punta lang akong library" sabi ko. Then nag-okay naman siya. Pumunta naman ako agad sa direksiyon papunta sa fountain. At nakita ko nga sila.

Nakain sila ng sandwich at nainom ng juice. Eto nanaman sila sobrang saya nanaman nila. Lumapit ako sakanila at natigilan naman sila."pwede ba makishare ng seat?" Sabi ko. Sehun eyed at me. But i don't care about his answer. What's wrong? Mabait naman si Sam. "Sure" sabi ni sam. Tsaka umisod pa papunta sa kanan. Kaya nasa gitna ako.

Maya-maya nagpaalam si Sam. May kukunin pa daw siya sa library e. "Teka sam" sabi ni Sehun. Automatic naman siyang napalingon. "Hmm?" Sabi niya. "Wala,sige na" sabi ni sehun.


Kami na lang ang magkasama dito sa bench. Hindi siya umiimik. Unlike kanina na natawa pa siya. "Sehun?" Pagtawag ko. "Hmm?" Sabi niya. "Samahan mo ko mag-shopping tomorrow,since wala namang pasok" sabi ko. "Okay" sabi naman niya. Kaya naman napangiti ako. Masaya ako kasi sobrang tagal ko na siyang hindi nakakasama sa pagsha-shopping at nakakamiss din.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon