Chapter 27

72 7 0
                                    

#27


Napatingin sa akin ang mga katabi ko ng mapasigaw ako ng konti. Napatungo naman ako sa hiya. Bwisit ka talaga Siwon. Kung ano ang tinext niya?


1 message recieved


Kung hindi ka kakain kasama ko, mawawalan ng scholar ang lalaking ito.


From: Siwon


Kaagad ko naman siyang itinext kung nasaan siya. How dare he? Para lang pumayag ako,idadamay niya ang walang kalaban-laban na estudyante. Nagreply naman kaagad siya at sinabi na nasa field daw sila. Kinuha ko ang mga gamit ko atsaka isinilid iyon sa bag ko lahat. Dali-dali akong lumabas,buti na lang di napansin ng nagbabantay na dala ko pati yung mga books.


Tatakbo na akong pumunta sa field,at doon nakita ko sa ilalim ng araw silang dalawa. Nakaluhod sakaniya iyong lalaki samantalang siya ay nakatayo. Bwisit ka Siwon! Nilapitan ko sila kaagad. Hinawakan ko iyong braso ng lalaki tsaka siya hinila patayo. Habang nakatingin ng masama kay Siwon.


"Ano payag ka?" sabi niya habang naka-smirk.


"Ganyan ka ba ka-desperado ha?"


"Ewan,siguro,baka. Ano na ang sagot mo?"


Napatingin naman ako sa kawawang lalaki at nakita ko ang mga mata niya na hinihintay ang oo ko kay Siwon.


"Oo na! Itigil mo na ito!"


"Okay,later after class" sabi niya atsaka umalis. Agad ko naman na hinawakan ang balikat nung lalaki. "Okay na,sige na" sabi ko at nagpasalamat siya tapos nag-bow sa akin atsaka umalis na.


Nandito na ako sa hallway,napakasama ng ugali ni Siwon. Hindi ko akalain na mas bully pa siya kay sehun. Kasi leche! Nagawa niya yon,ng walang katakot-takot. Sobrang nakakaasar!!! "Sammy anong iniisip mo!" si chen habang hawak ang strap ng bag niya.


"Oy,chen. Wala" tiningnan ko siya tsaka tumungo. Pero hindi din siya makulit, promise. Ayaw niya kasi ako tigilan. Pero hindi ko pwedeng sabihin sakaniya. Kasi baka mamaya magkagulo pa. Ito pa namang si chen ay talaga namang honest sa ka-exodus niya.


Pumasok kami ng room. Buti na lang may teacher kami. Kasi kung wala? Nako maliliyo ako sa kakailing sakanya. Natapos na ang klase,sakto namang text ni Siwon na nasa labas na daw siya sa parking lot. Nagpaalam na ako sa exodus.


Hindi naman na sila nagtanong pa. Buti na lang nauna ng lumabas si chen,dahil paniguradong tadtad ako ng walang katapusang tanong niya. Kaagad akong nagpunta ng parking lot. Nakita ko kaagad ang Black Matte Aventador ni Siwon. Nasa loob na siya,binuksan lang niya iyong pintuan tsaka ako pumasok.


Nag-drive na siya palabas ng university. Tahimik lang din ang biyahe namin. Maya-maya nakarating kami dito sa MOA. Pinark niya ang kotse at tsaka kami lumabas.


"Saan mo gusto pumunta?"


"Ikaw"


"Kain muna tayo"


Pumasok kami sa isang— ooops i mean,isa sa mga sosyal na resto. Sinamahan kami ng isa sa waiter doon sa aming table. Pagkaupo namin,binigay na ang menu. Siya na ang pumili. Kasi sabi ko kung ano ang kanya ganon din akin. Mukhang madami yata kasi ang tagal niya pumili eh.


Pagkabigay niya ng menu sa waiter ay tiningnan niya ako at nginitian ako,ngumiti naman din ako. "Thankyou sa pagsama" sabi niya.


"Bakit mo ba ginagawa ito?" Sabi ko sakanya.


"Hindi ba obvious na gusto kita?"


Napatigil ako sa sinabi niya,shocks! Anong isasagot ko? Nakatitig lang ako sakanya. Ng dumating na yung mga inorder namin. Saved by the bell! Nagsimula na kaming kumain. Sobrang dami nga. May rice cakes,ramen,ice cream,at kung ano ano pa.


Nung matapos na kami ay nagpaalam ako na mag-cr muna. Tumango naman siya. Tsaka ako umalis. Dali-dali akong nagpunta ng cr. Tsaka humarap sa salamin doon. Sheez! Anong nangyayari? Bakit ba siya ganito?


Pagkatapos ko mag-cr ay naghinaw ako ng kamay tsaka lumabas. Naabutan ko naman na nakangiti itong si Siwon. Baliw na ba ito? Psssh. "Tara na?" pag-aya ko sakanya. Tumango naman siya. Kinuha ko naman ang phone ko,naiwan ko pala dito. Tsaka lowbatt na.


Umuwi na kami magga-gabi na kasi,todas ako kay mama. Hindi pa man din ako nagpaalam. Jusko!! Maya-maya nakarating na kami sa bahay. Bumaba na ako. Binaba naman niya iyong salamin ng kotse. Tinanguan ko siya. Tsaka pumasok na ng bahay.



SEHUN'S POV


Nandito na ako sa kwarto ngayon. Kanina ko pa nilalaro itong phone ko. Tatawagan ko ba si Sam o wag na? Hindi ba niya ako hinahanap manlang? Hayyyy!


"(Hello?)" nagulat ako sa boses ng kabilang linya.


"Bakit ikaw ang sumagot ng phone?"


"(We're in the middle of our date,why are you calling?)" narinig ko pa na napatawa siya.


"Date? Nababaliw ka ba Siwon?"


"(I'll hang up bye. Nandito na si Sam)"


"Give her——" naputol ang sasabihin ko ng patayin niya ang call. Shit! Anong date? Nababaliw ba siya? Siguro nga. I try to call her,pero out of coverage area na. Kelangan ko na yata pumasok bukas.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon