Chapter 31

69 8 0
                                    

#31

Umalis ako sa harap ng bulletin board tsaka lumabas ng gate. Hindi na ako nagpaalam sa kanila okay na yun muna,kelangan ko ng mahabang pakiusapan kay mama. Kasi ang mahal talaga nun.

Maya-maya nandito na ako sa bahay. Sumalubong agad sa akin ang nakangiti kong mama. Sasabihin ko ba agad? O mamaya na lang?

"Mano po ma"

Sabay abot sa kamay niya. Paano ba ang sasabihin ko? I mean paano ko sisimulan? Goodvibes si mama,baka mamaya maging wild siya pag sinabi ko,ang mahal naman kasi e.

Umakyat muna ako sa taas. Tsaka nagpalit at bumaba na. Tatanungin ko muna siya bakit ang saya niya.

"Ma,bakit parang ang saya niyo yata?"

"Wala naman,halika kain na tayo" aniya.

Sumunod naman ako sakanya sa kusina tsaka umupo.

"Ah,ma"

"Hmm?" Ani mama sabay tingin sa akin.

"May educational camping po kasi kami eh...."

"Oh?"

"5,000 po yung fee" sabi ko tsaka dahan dahang tumungo.

"Yun lang pala e,walang problema. Kelan deadline?" Aniya na nakapag-pangiti sa akin ng todo.

"Bukas po"

"ANO?!" gulat na sabi niya. Omygosh!

"Joke lang,sige" dagdag pa niya sabay ngiti. Mama talaga!

"Thankyou ma!"

Naglalakad na ako dito sa may hallway. Galing akong office,nagbayad ako ng educational camping fee.  Mabagal lang lakad ko,maaga pa kasi talaga kaya okay lang kahit magmabagal ako ngayon.

"Hindi ka na nagpaalam kahapon ha" sabi ng tao sa may likod ko. Nilingon ko kaagad siya. At nakita ko si Tao.

"Uy tao! Sorry ha,hindi ko sinasadya na di magpaalam."

"Okay lang" sabi ng iba pa sa likod ni tao. Ang mga ito talaga,kahit kelan kelangan full force pa.

"Kasama ka sa monday?" Ani kai. Lokohin ko kaya mga 'to? Hahaha sige. Umiling-iling naman ako sakanila.

"HA?! DAPAT KASAMA KA!" Sigaw ni baekhyun.

"Wag ka ngang maingay dyan,nakakahiya" saway ko sakanya. At nag-peace sign siya sakin.

Habang naglalakad kami papuntang room,kinukulit nila ako na sumama na. Yung mabagal kong lakad? Nawala na. Bumilis na. Jusko lang! Natatawa na talaga ako. Kasi ang kulit nila hahahaha! Ang sama ko na ba? Sornaaa.

Aba si Sehun,parang professor! Sabay ba naman sila pumasok ng prof namin? Aba oky naman. Yung tatlong section nga pala namin ay nandito lahat. May a-announce daw si prof.

"Okay so,class. Today i will announce the partners for educational camping. You will be having two groups. Let's start with the leader of Group 1. The leader will be Sehun."

Halatang nagulat si Sehun at napatingin kami sa kanya. Narinig naman nmin ang mahinang tawa ni Siwon.

"For the Group 2 leader, Its you siwon." Sabi ni prof sabay turo sakanya.

"What? No."

Tiningnan naman ni prof si siwon. Tingin na may meaning.

"Okay" aniya at umayos ng upo.

Sunod na sinabi ni prof ang partners. Nagugulat ang lahat kasi parang pinaghihiwa-hiwalay ni sir ang mga close na. May iba naman na natutuwa. Maging ako ay nagugulat din,kinakabahan ako kasi di pa ako natatawag. Baka kautak ko ang kapartner ko,patay! Di kami matatapos nun.

"And the next partner will be Siwon and Sam" i was shocked as i heard my name. Napa-smirk naman si Siwon.

"Sehun and Beatrice" i eyed at sehun. And napa-tch na lang siya.

"Okay so,see you on monday. 4:00 am. Goodbye" ani prof at lumbas na ng room. Napabuntong hininga na lang ako.

Kinuha ko ang bag ko atsaka nagpaalam sakanila na uuna na ako. Nung una nangulit pa sila. Pero buti na lang nung sunod hindi na.

SEHUN'S POV

Naiinis ako! Bakit ba napaka-brutal ni prof sa feelings. Ang manhid ha! Nangaasar ba siya?  Pagpartnerin ba naman kami ng ex-fiance ko? Nasan hustisya don? Nakakainis!

"Don't forget to bring a lot of papers" ani beatrice. Tumango naman ako. Nakasalubong ko kasi siya kanina and sabi niya magusap na daw kami. Para ayos na sa monday.

"Wag mo kong tanguan lang" dagdag pa niya.

"Okay" sabi ko.

"I see,mukhang ayaw mo kong kausapin. Goodluck na lang satin sa monday." Sabi niya sabay una ng paglalakad.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon