Chapter 20

107 8 0
                                    

#20

"Anaaaak! Anaaaak!" Nagising ako dahil sa walang tigil na pagyugyog at pagtawag sa akin ni mama. Ano ba naman ito si mama hayyy! "Hmmm" sabi ko. "Bumangon ka dyan,merong dapat puntahan" sabi naman niya. Napabalikwas naman ako kaagad. "Aalis tayo? Yes!" Sabi ko habang todo ngiti akma na kong pababa ng kama mo ng hawakan niya ako sa pulsuhan. "No,hindi tayo. Kayo" sabi ni mama. Binigyan ko siya ng clueless na mukha. "Kayo ng mga kaibigan mo. Pinagpaalam kanila kanina. Eh no choice naman ako ksi,may tiwala naman ako sakanila. Magayos ka na kaagad,okay na ang mga gamit. At pagkatapos bumaba ka na." Sabi niya.

Iniwan ako ni Mama na tulala habang nakaupo sa kama. Hindi pa siya mag-load sa utak ko. Please,tulungan niyo ko. "Anak! Bilisan mo na" sabi ni mama. At bumalik agad ako sa wisyo. Nag-ayos na ako atsaka kinuha ang maleta. Simple lang ang suot ko naka-white dress ako tapos naka-denim jacket tsaka naka-keds. Jusko,mama you don't know the situation. Like omg,paano ba. Bago ako bumaba huminga muna ko yung talagang hugot na hininga.


"Sammy!!" Sigaw agad ni chen. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Napangiti naman ako. Sila lang siyam ang nandito,hayyy buti naman. "Sige na at baka matraffic pa kayo. Ingat kayo" sabi ni Mama. Niyakap ko kaagad si Mama. Tsaka kumalas agad. "Mama" paulit ulit kong sabi habang palabas. "Pasensya na kayo at firsf time nyang mawawalay sa akin ng ganung katagal. Sige na anak,i'll be fine 6 days lang naman" sabi sa akin ni mama. Pag-akyat ko ng sasakyan nasa pinakalikod si Sehun at Beatrice at magkatabi sila. Tumabi ako kay Chen para di ako ma-OP. Itong si chen ang babafukan ko pag na-OP talaga ako.

Sure akong pinagpaalam ako ng nga ito at hindi tinigilan si mama hanggang payagan akong sumama sakanila. Jusko! Mga technic ng mga ito kabisado ko na.  At ito namang si mama,pa-bebe. Pumayag kaagad. Maiiyak na talaga ako,kasi ayoko talaga ng awkward moments. Para tuloy gusto kong bumaba dito sa Van.


Maya-maya pa andito na kami sa Rest house ng family nila Suho dito sa Baguio. Oo,rest house ng family ni suho. What's new? Mayaman naman talaga itong si Suho. Pa-Van na niya,pa-rest house pa niya. Diba ang bait niya? Ang laki ng bahay nila. Iniisip ko ganun ba kadami ang lahi nila suho at ang laki nito? "May mga rooms na diyan,pumunta na lang kayo kung saan niyo gusto" sabi ni Suho. Oh see? Yaman! Pumunta ako sa may medyo padulong room para tahimik. Ang laki netong room shocks! Ang linis linis din. Mahilig kaya si suho sa white? Umupo ako sa kama tsaka nagbukas ng phone.


Nakita ko ang text ni Siwon. Kung tuloy daw kami. Sabi ko hindi kasi sinama ako ng exodus sa bakasyon. Maya-maya kinatok ni Lay ang pintuan "sam,baba ka na. Kakain na" sabi niya. "Oo,lay susunod na ko. Thanks!" Sabi ko. Nagayos muna ako. Nagsuklay tsaka nagpolbo. Tapos bumaba na ako. Umupo ako sa tabi ni Xiumin.


"Kyaaaaaah! D.O hyung sarap mong magluto!!!" Sabi ni Kai.

"D.O thankyou!!!" Sabi naman ni xiumin.

"Ano nga itong ulam?" Tanong ni Lay habang tinuturo ang ulam.


"Chicken curry" sagot naman ni D.O


"D.O hyung,salamat" sabi naman ni Tao.

Ang iingay nila pero ang saya nila kasama. Tumingin ako kay Sehun pero naguusap sila ni Beatrice. Lumihis agad ako ng tingin,kaya pala kahit tunog ng kutsara nila ay hindi ko marinig dahil naguusap pala sila. Maaga pa naman eh. 5:30 pa lang. 3:00 kasi kami umalis sa bahay. Eh wala namang traffic kasi maaga pa. May maids pala sila na taga-hugas. Umakyat ako ng kwarto tapos agad binuksan ulit ang phone ko.

The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon