Chapter 33

85 5 1
                                    

#33

Nilingon niya ako agad. Medyo napahiya pa ako kasi napatitig pa siya bago ulit alisin ang tingin sa akin.

"Ahmmm. About sa kagabi,sorry dun sa nangyari. Hindi ko yun----"

"Se---- sehun kakain na ng lunch" ani beatrice na naptigil pa. Siguro nakita niya ako.


Tumango si sehun atsaka umalis sa harap ko. Napaupo naman ako sa bato,ano ba? Gusto ko malaman ang nararamdaman niya,gusto ko malaman!

"Nan...dito ka.. lang.... pala" nilingon ko si siwon habang hingal na hingal na napaupo sa tabi ko.

"Anong nangyari sayo? Bat hingal na hingal ka? Okay ka lang ba?"

"Oo,hinahanap kasi kita"

"Tss. Kain na tayo ng lunch,tara"

Tumayo kami at pumunta na sa camp para kumain ng lunch. After nun ginather na namin lahat ng idea na naisulat namin. Ipapasa lang naman ito eh.

"Oh sakay na kayo" sabi ni manong driver.

Uuwi na kasi kami eh. Tumango ako atsaka una ng umakyat,kasunod ko naman si Siwon na inaalalayan pa ako. Ng malapit na kami sa seat,nakita ko si Sehun na napatingin pa sa akin. At si Beatrice mahimbing na natutulog.


Sinesenyasan naman ako ni Chen na, tawagan ko daw mamaya si Sehun. Tumatango lang ako sakanya. Pagkaupo namin,tinanong pa ako ni Siwon kung okay lang daw ako. Tumango naman ako sakanya.


"I can't sleep"

Napalingon naman ako kay siwon. Kita ko na kasi sa mata niya na antok na antok na siya. Nakokonsensiya ako kasi tinakasan ko pa siya kanina.

"Wag ka kasi magearphones"


Tinanggal niya iyong earphones sa tenga niya at nakita ko naman na nagbi-bleed iyong kamay niya. Lalo akong nakonsensya kasi,nakuha niya siguro yun sa pagtakbo niya kanina. Hinila ko iyong kamay niya at napangiwi naman siya.


"What happened?"

"Made by thorns"

"Sorry,bakit di mo sinabi yan? Tsk." Kinuha ko iyong panyo ko,atsaka tinali sa kamay niya. Bilin ko sakanya wag niyang tatanggalin habang di pa siya nakakarating sa bahay nila. At linisin iyon pagdating tumango naman siya.



Maya-maya napansin ko na tulog na siya. Kinuha ko iyong phone ko atsaka tinext si Sehun.

To: Castro Brat

Sorry...

*sent*

Ilang minuto na akong naghihintay ng reply niya. Pero kahit yata titigan ko hanggang mamaya ang phone ko e walang dadating na reply. Tinago ko na lang atsaka natulog na lang din.

Nagising na lang ako bigla kasi naramdaman ko na parang hindi naandar yung bus. Yun pala traffic. Tulog pa din si Siwon,grabe tulog mantika pala ito. Pffft!

I opened my phone para itext si mama. Pero pagbukas ko 10 messages ito. Aba sino naman ang mananadtad sa akin.

From: Castro Brat

Meet me later,3pm.

Imagine 10 messages galing sakany,puro yan ang laman. Hindi ba niya naisip na hindi naman ako manghuhula,pssh! Hindi ko siya nireplyan,mamaya na lang siguro.

Eto na nandito na kami sa University. Uuwi na lang agad ako. Ayoko magtagal,pagod ako masyado. Ewan ko pero feeling ko pagod ako,o baka dahil lang sa pinoproblema ko si Sehun.


Sumakay na ako ng taxi, 2pm na at antok na antok na ako. Kung holdaper lng si manong kanina pa ako nito hinoldap.

"Manong eto po,salamat po"

Pumasok na ako,pero hindi ko naabutan si Mama sa bahay. May pasok nga pala siya. Nilock ko ang pinto at saka dumiretso sa kwarto ko. Sabay bagsak ng katawan ko. Suddenly,andaming pumasok na tanong sa utak ko.

Hindi ko maintindihan bakit umayaw sa marriage contract yung dalawa. Kung tutuusin namin,they're almost perfect. Siguro may mga bagay talaga na hindi para sa isa't isa kahit na halos perfect na sila together.

Nawala ang antok ko,ng may walanghiyang sinisira na ang doorbell nmin. Mapapatay ko itong si sehun talaga! Binaba ko iyon, dali-dali akong lumabas. Sure ako na si sehun yun. Siya lang naman ang gnon e.


"Hindi marunong maghintay?!" Bungad ko sakanya.

"Tara" aniya. At nilock ang gate saka ako hinila papasok.

Pagpasok namin ang tahimik niya. Ang lakas akong hilahin papasok tapoa ganito siya tatahimik? Aba malakas ang topak!

"So---"

"Siguro ginusto mo yon ano?"

"Huh?! Baliw ka ba? Sino ba ang gugustuhin na halikan ka bigla,and besides si Siwon pa?"

"Bakit di ka manlang nagalit?"

"Alam mo diretsuhin mo nga ako,alam ko kasalanan ko. Hindi ko maintindihan ano ba ang nararamdaman mo! Galit ka ba o----"

"Nagseselos ako sam!" Aniya at lumabas ng pinto,dire-diretso siyang lumabas ng gate.

Napahinga ako ng malalim,tsaka napaupo sa couch. Problema na naman ito,hindi niya manlang hinintay na mag-sorry ako.


Pag minsan hindi ko alam kung sino ba ang babae sa amin,ako ba o siya? Someone please,just please. Hindi talaga kami in good terms. Halos hindi kami magkasundo sa mga bagay bagay.

Umakyat na lang ako sa kwrto at pinilit na antukin. Hayyyy! Hindi ko na halos alam ang gagawin ko. Jusko lang ha! Jusko!

Hindi naman ako makatulog,kanina pa ako paikot ikot dito sa kama,kanina ko pa tinatakip ang unan sa mukha ko e.

"Ugggggh!"

*kriiiiiinggggggg.....*

I answered the call. Habang nakahiga ako.

"Sam" napabalikwas ako bigla.

"Sehun?"

"Sorry"

"Sorry din Sehun"

*toot toot....*


The ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon