00
***
"EXCLUSIVE: CEO of Cosmo Chain of Hotels, Ralph Emmanuel Suarez, one of the youngest and successful bachelors in town and Actress turned Host Valerie de Morga rumored to be dating!"
Automatic na napairap ang mga mata ko nang makita ang buong pangalan niya na laman ng halos lahat ng headlines sa websites ngayon, pati ng mga front pages sa tabloids, dyaryo and even magazines!
Sa baba ng headline ay ang mga larawan "umano" na kuha mula sa mga sekretong pagkikita ng dalawa. Malayo ang kuha ng mga litratong iyon kaya malabo ang kinalabasan. Hindi man malinaw kung sino ang mga tao sa litrato ay marami na ang nagsasabi na sila iyon, kompirmasyon nalang sa magkabilang panig ang hinihintay.
I scoffed. Sa ilang taon ko sa industriyang pinasukan ko, natutunan kong kahit ano pang pagtanggi ng mga tao na sangkot sa mga ganitong balita ay hindi naman sila paniniwalaan. Mas pinapaniwalaan ng mga tao ang kung ano sa tingin nila ang magandang pakinggan.
Kaunting basa pa ay pinatay ko na ang laptop ko dahil sa biglang pagkainis. Hindi naman na bago ang mga balitang ito pero ngayon lang ako nainis ng ganito. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ako nainis kaya nakakagalit lang isipin na bakit apektado pa rin ako.
Edi sila na ang sikat, sila na ang successful! Kailangan pa bang ipagsigawan na sila na? O kung totoo ngang sila, ano ngayon? Mapo- promote ba ako non?!
"Sobrang aga high blood ka agad, ha," nilingon ko ang kakapasok lang na katrabaho sa opisina namin, si Raine. Napansin niya yata ang kakasara ko lang na laptop kaya napatango siya at ipinakita sa akin ang dala niyang tabloid. "Oh, okay. Nabasa mo na."
"Anong mangyayari sa tv program natin? Anong sabi ni Valerie, ng station? May statement na ba siya?" tuloy tuloy kong tanong.
"Chill, Astrid. Kalalabas lang ng balita. Give it an hour or two, lalabas din 'yan ng statement," kalmadong ani niya, salungat sa akin.
Well, tama siya. Ngayon lang pumutok ang balita kaya siguro tahimik pa ang dalawang panig. Huminga muna ako nang malalim para ikalma ang sarili ko.
Tumayo ako at pumunta sa pantry ng floor namin para kumuha ng bottled water.
"Pasaan ka?" rinig kong sigaw ni Raine.
"Kay Julie!" pasigaw ko ring sagot.
Imbes na gumamit ng elevator ay dumaan ako sa hagdan para pumunta sa seventh floor. Nasa fifth floor lang naman ako kaya mas mabuti na 'to, exercise na din.
Naabutan ko si Julie, ang producer namin, na may kausap sa telepono. Nakakunot ang kanyang noo kaya nahulaan ko kaagad na tungkol iyon sa balita. Magkaibigan na kami mula high school kaya ngayon ay hirap na kaming paghiwalaying dalawa.
Nang maibaba niya ang tawag ay tumayo siya kaya mabilis akong umupo sa sofa nasa opisina niya para pigilan ang kung anumang lalabas sa bibig niya o kung ano ang maaaring gawin niya.
"Ang kapal na talaga ng mga reporters ngayon! Tama bang ako na producer ng show ang tatanungin sa estado ng relasyon ng dalawang tao na wala naman akong pakialam?!"
"Harsh naman, may reporter sa harap mo sis," pabiro kong sabi sa kanya.
"Journalist ka, okay? Soon to be producer," pagtatama niya sa sinabi ko.
"Duh, as if naman," I rolled my eyes at her. I always dreamed of becoming a producer, pero sa tingin ko ay hanggang pangarap nalang. Binuksan ko ang dala kong bottled water para ibigay sa kaniya.
I am a reporter, or a journalist as Julie says. Sa bawat talk shows na pinapalabas sa TV, isa ako sa mga utusan para mangalap ng mga impormasyon tungkol sa taong iniimbitahan para interview-hin. Ako rin ang taong gumagawa ng paraan para dalhin sila sa estasyom. For short, I do the begging to the personalities our station wants to invite, and also the digging of their backgrounds.
BINABASA MO ANG
One Step Ahead
RomanceShe fell first, but he fell harder. Started: 12/17/2022 Completed: --