03

0 0 0
                                    

03

* * *

"Grabe sis, tingnan mo 'to!"

Natigil ang pag-aayos ko ng sarili dahil sa paghila ni Julie sa 'kin papuntang sala. Nandito siya ngayon sa bahay ko dahil sabay kaming pupunta sa KSJE para sa first screening ng mga applicants. Ani niya ay kinakabahan siya kaya daw dapat ay sabay kaming pupunta doon though alam ko naman magsasabay talaga kami dahil iyon na ang naka-plano at dahil na din wala akong sasakyan. Masyadong oa lang talaga siya dahil dream company niya iyon.

Pagdating ko sa sala ay naabutan kong exclusive news ang nakaflash sa tv ko na nakaagaw ng atensyon ko.

"Is Valerie de Morga really dating the International Artist, Priam Sullivan?" basa ko sa nakasulat sa tv. Natutop ko ang bibig nang makita ang mga sunod-sunod na paparazzi photos na nakaflash ngayon sa tv.

"Tell me this is not true," baling ko kay Julie. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon. No. This can't be real.

I am an avid fan of Priam Sullivan or should I say, Primo. Una ko siyang nakilala noong college ako at doon ko lang din nalaman na malayo ko pala siyang kamag-anak. I just accidentally found out dahil napulot ko ang ID niya noon at nakita kong Imperial ang maiden name ng nanay niya. I got curious dahil Imperial ang middle name ni Dad so when I asked Dad about Priam's mother, he told me that they were cousins and that made Priam and I basically cousins. Dati ay hindi pa siya gaanong sikat and even before I knew that we were blood related, I am already a fan so hearing his dating news now made me a bit sad not as his cousin, but as a fan.

"Hindi naman yata si Priam 'yan, sis. Nasa ibang bansa siya ngayon, diba?" sagot niya sa 'kin. "Sabi mo may world tour siya, so hindi si Priam 'yan."

Umiling iling ako. I know the media can be deceitful sometimes but I can't deny the fact that the media will also not make a fuss about it if there is nothing wrong in the photo.

Mas lalo akong nanlumo nang sinabi ng reporter na hindi recent at matagal na ang litrato na iyon. It can be seen in the photo that Valerie is on her way out of Priam's place wearing a cap, hoodie and mask. Sigurado akong si Valerie iyon dahil nakababa ang suot niyang face mask.

"I just hope Valerie's not using him for fame," bulong ko.

Valerie is one of today's rising actress because of the success of her newly released movie and Priam is on the peak of his career. Basically speaking, it was a success because she was paired with one of the most popular actors among our generation.

Suddenly I felt bad for Valerie. Dahil sa unti-unti niyang pagsikat, kasabay din niyon ang iba't ibang issue tungkol sa kanyang pribadong buhay. I just don't understand why people nowadays see dating issues as scandal. I mean, artists are people too. Can't they date freely?

As Primo's cousin, even if the news turned out to be true, I will be happy for him but I just hope Valerie would be fine too. No one deserves to be mistreated just because they fell in love.

"Oh my gosh, sis! Male-late na tayo!"

Doon lang ako natauhan nang marinig ang sigaw niya. Muntik ko ng makalimutan na aalis nga pala kami ngayon. Mabilis kong inayos ang suot ko at dinala ko nalang ang ibang gamit para sa kotse nalang ako mag-aayos ng mukha. Hindi ko muna inisip ang tungkol sa balita about Primo. He's old enough to know what he's doing but being the kind cousin that I am, I still sent him a message.

To: Primo

I just saw the news. Congratulations, I guess? You have a lot of explaining to do when you get back. Good luck sa tour! And oh, don't forget my pasalubong.

One Step AheadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon